Chapter 1

900 15 4
                                    


"Ma'am, parang awa niyo na po. Sige na naman po, isang pag kakataon nalang Ma'am. Bigyan niyo pa po ako ng chance para makabawi. Nagka emergency lang po talaga sa bahay namin kaya po hindi ako naka punta nung evaluation," paliwanag ko habang nag mamakaawa sa Prof ko na bigyan ako ng ibang task o kung ano man para lang mahabol ko yung points na nawala sakin.

Tumigil siya sa pag lalakad at humarap sakin. "Look, Ms. Ascado. Hindi ako ang nag perform ng evaluation at hindi rin ako kasama sa circle ng mga guro doon. Kaya't gustuhin ko man na bigyan ka ng pagkakataon, hindi ko rin naman alam kung paano," ani niya. Parang nanlumo ako sa mga sinabi niya. Ito na ba? Katapusan ko na ba? Pero hindi e. Hindi pwede.

Pumasok na siya sa office niya, pero sumunod ako. Hindi ako pwedeng basta nalang bumagsak. Napaka halaga sa akin nito, hindi ko pwedeng hayaan na mawala na lang ito nang isang iglap.

"Baka po may iba pa pong paraan Prof? Hindi po kasi pwedeng bumaba ang grades ko dahil baka hindi ko po makuha yung requirements na hinihingi nung company na a-aplayan ko po," ani ko pag pasok ko sa office niya.

Oo, sabihin niyo nang ang kulit ko. Pero hindi talaga e. Ito nalang ang meron ako, at ako nalang din ang inaasahan ng pamilya ko. Hindi pwedeng sa ganito lang matapos ang lahat. Hindi ko kayang wasakin at biguin ang mga taong mahal ko.

Tinignan niya akong mabuti. Kumilos siya nang parang may iniisip. Nabaling ulit ang atensyon niya sakin.

"Kilala mo ba si Mr. Ricci Rivero?" Tanong niya. Agad naman akong napaisip. Narinig ko na noon ang pangalang 'yan, ngunit ko lang matandaan kung saan. Maingat akong umiling sa kanya. Napa buntong hininga siya.

"Too bad. But you know what? He is your only hope," she said while directly looking at me. Naguguluhan ako sa sinasabi ni Prof ngayon. Hindi ko siya ma-gets.

"Po, Ma'am? What do you mean by that po?" Magalang kong tanong. She said na, Hope. So ibig sabihin may pag asa pa? Itinuro niya sa akin ang isang upuan na nasa tapat niya. Siguro'y sinesenyasan ako na umupo. Agad akong lumapit doon para mas makausap siya ng maayos.

"Mag kakaroon ang university natin ng Journalism Contest para sa inyong mga studyante, especially sa inyong mga journalism students pero anyone can join. At sa pagkaka alam ko ay sa susunod na buwan pa ito gaganapin. By then, mayroon ka pang isang buwan para pag handaan ang article na ipapasa mo sa kanila," paliwanag niya sakin. Dahan-dahan akong tumango sa kanya. Bakit hindi ko manlang alam na may ganun? Hays.

Umiling ako at humarap sa kanya. "Ahm, okay po. Pero, paano po napasok dito yung Mr. Ricci Rivero?" Tanong ko. Hindi ko alam yung point ni Ma'am dun sa part na 'yun.

"Dahil siya ang i-interviewhin mo," simpleng sagot niya. "Hindi ba lumipat siya dito sa atin kamakailan lang? You can use that as your stepping ground but wait, there's more. You can also get really good attention dahil mainit-init pa ang balita," she explained. Wala akong nagawa kundi mapangiti at tumango sa kanya.

That's makes sense! First, I need to get an interview with Ricci Rivero. Second, make it more beautiful para mas makapasa ako. And third! Ipasa at mag antay ng results. She's really right. Siya nalang talaga ang pag asa ko.

Agad akong nag pasalamat sa kanya. Lumabas na ako para mag hanap ng signal upang makakita ako ng mga impormasyong magagamit ko para mahanap 'yang Ricci Rivero na 'yan.

Isang oras ang ginugol ko para mahanap siya sa social media at yung mga information about sa pag lipat niya. Unang kita ko palang sa itsura niya ay parang nalaglag na ang panga ko. Grabe naman 'to! Sobrang gwapong nilalang. Bakit ngayon ko lang 'to nakita?

Ang sabi pa dito sa ibang mga articles na nabasa ko ay nag simula na daw itong mag-training kasama ang UP Fighting Maroons. May unang hint na ako agad kung saan siya pwedeng matagpuan. Hindi ako madalas maggala dito sa UP dahil school at bahay lang ang inaatupag ko. Wala akong ibang oras para sa mga ganyan.

Mas uunahin ko pang alagaan ang kapatid ko. Mas kailangan niya ako.

Wala na akong ibang inaksayang oras at agad na nag tungo sa gym nila. Hindi naman ako nahirapan dahil alam ko rin naman ang mga lugar dito. Nang makarating ako ay agad muna akong sumilip sa labas. May guard kasing nag babantay. Baka hulihin pa ako.

Napansin ko naman ang isang lalaking nag lalakad patungo sa isang sasakyan. I blink twice at tinignan ko itong mabuti. Kung hindi ako nag kakamali, siya ata yung Ricci Rivero.

Agad kong kinuha ang phone ko para kumpirmahin ito, pag katingin ko ay siya nga! Walang pag lagyan ang tuwa ko nang makita ko siya. Agad akong lumapit sa kanya.

"Uhm, ikaw si Ricci Rivero 'diba?" Tanong ko. Alam ko naman na siya na 'yun, pero kailangan parin nating maka-sigurado. Tumango siya sakin. "Yes, why?" Casual niyang sagot. Parang may ibang effect sakin yung boses niya. Parang, ugh. Di ko na ma-explain.

"Pwede bang maka-hingi ng interview sayo? Sorry, pero kailangang-kailangan ko lang talaga. Please, pumayag kana. Please," dire-diresto kong sabi. I badly needed him. Sana naman ay huwag niya akong pahirapan.

"Interview? About what?" Kunot-noo niyang tanong. Napa hinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung papayag siya pero bahala na. "About sana sa pag lipat mo dito sa UP," seryoso kong ani. Wala na akong choice.

Umiling siya. "Sorry, but I'll decline this one," he blankly said at nag tangkang papasok na sa kotse niya. Agad ko siyang pinigilan. Hinawakan ko ang braso niya para mapatigil ko siya.

"Please, just this once. I'll promise na after nito? Gagawin ko lahat ng gusto mo," desidido kong ani. Hindi ko alam kung bakit lumabas 'to mula sa bibig ko. Jusko lorde.

Humarap siya sakin. "Hm, kahit ano? Talaga?" He said. He's towering me dahilan para mapa-tingala ako sa kanya. Sa sa wisyo akong tumango sa kanya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sakin at bumulong sa tenga ko.

"What if I tell you that, I want you as my fuck buddy? Are you still in baby?"

Only You Where stories live. Discover now