Chapter 9

270 15 3
                                    


Hindi ko alam kung papatayin ko na ba si Ricci ngayon. Bwisit! Kainis talaga. Can you believe it? Nag kanda dapa-dapa na ako kakabuhat sa kanya kanina, tapos ngayon? Susukahan ako? Dito pa mismo sa loob ng sasakyan na kulob ang amoy?

Ilang pikit na ang ginawa ko para maging kalmado. Ayoko siyang saktan talaga ngayon dahil nandito ang Kuya niya. Baka makasuhan pa ako ng physical assault.

Habang papunta kami sa bahay nila ay wala akong nagawa kundi ang tumunganga na lamang sa bintana. Wala na rin akong choice dahil anong oras na. Walang-wala ng masasakyan at baka kung saan pa ako pulutin nito. Kasalanan mo talaga 'to, Ricci e!

Nakahiga lang siya sa binti ko at mahimbing na natutulog habang humihilik pa! Woah. Ganito pala siya? Mag lalasing tapos aasa na may mag-hahatid sa kanya pauwi? Gosh.

Pero hindi ko parin maiwasan na mapatingin. Ang gwapo niya parin kahit sobrang wasted na niya. Waw naman, Leila. Porket gwapo, bibigay na agad? Rupok ah.

Tsaka gwapo nga, ganito naman. Jusko, sana po huwag ganito ang magiging boyfriend ko. Hindi ko po kakayanin talaga.

Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa bahay nila. Dahan-dahang nag-park ng kotse ang Kuya niya para hindi magising 'tong mokong na 'to. Pag-kaayos ng kotse ay agad rin itong bumaba at pumunta sa side namin.

"Leila, right?" He asked me. Agad naman akong tumango sa kanya. Hala, bakit niya ako kilala? Don't tell me nag ku-kwento si Ricci sa kanila. Oh my, I cannot. "I'm really sorry for this mess, hindi ko rin talaga 'to inasahan," natatawa niyang ani sa'kin habang tinitignan ang kapatid niyang natutulog sa mga hita ko.

I awkwardly laughed too. Tama naman diba? Tumawa siya, so dapat tumawa rin ako? Ugh. Di ko na alam.

"O-Okay lang po, Kuya. Wala po 'yun. Infact, marami narin pong nagawa si Ricci for me. So, parang quits lang din po," nahihiya kong wika. He smiled a little. "Alright," he said.

Pinag-tulungan na namin na buhatin si Ricci palabas ng kotse. Dahan-dahan pa ako sa pag-tulak sa kanya dahil hindi pa ako maka-galaw ng maayos dahil bakas at amoy na amoy ang suka ni Ricci sa katawan ko. It's very evident that this is really my worst day.

After we finally moved Ricci out of the car, kinuha ko lang saglit ang mga gamit ko para dalhin at buhatin siya ulit papasok naman sa loob ng bahay nila. Their house is really good. Maganda at saktong-sakto for them. And I feel that this is a home.

They have a home, unlike me.

"Jusko, may babatukan talaga ako bukas. Bakit ba 'to nag-lasing ha? Sinasabi ko sayo, Prince. Mag-sabi ka talaga ng totoo kung hindi ay ikaw ang malilintikan sa akin," sunod-sunod na sabi ng Mama nila nang makapasok kami ng bahay. I suddenly felt awkward. Di kasi ako sanay sa ganito e.

Yung may darating na nanay at sesermonan ka. Ano kayang pakiramdam?

"Mom, I didn't do anything okay? Sinundo ko pa nga siya e. And to add to that, can you see the girl beside him? Nang-istorbo pa nga siya ng ibang tao oh," katwiran naman ng ni Prince. Agad namang nanlaki ang mga mata ko. Omo, bakit parang nadamay pa ako?

Agad na dumako ang tingin sa akin ng Mama nila. I don't know what to feel but sigurado akong kinakabahan ako ng todo ngayon. To the point where parang mag pa-palpitate na ako.

"A-Ah, Hi.  Magandang gabi po sa inyo. Pasensya na po kung nandito ako ngayon sa bahay niyo. Ano, wala na po kasi talag—," hindi na natuloy ang pag-sasalita ko nung ngumiti siya sa akin at nag-salita.

"Nako, iha. Walang problema. Ako nga ang dapat na mag-sorry sa'yo dahil naabala ka pa ng anak ko," ani niya. Pilit akong ngumiti sa kanya. I really don't know what to say at this point. Wala akong maisip na salita.

"Prince, iakyat mo na 'yang kapatid mo sa kwarto niya. Gisingin mo ang Daddy mo para ma-asikaso siya," ani niya. Tumango naman si Kuya Prince at nag-simulang buhatin si Ricci pa-akyat. Tutulong na sana ako nang biglang mag-salita ang Mama nila.

"Hayaan mo na sila, iha. Maupo ka muna diyan at kukunan kita ng damit para makapag-palit ka at makapag-pahinga na din," wika niya. Tumango-tango lang ako sa kanya. Umalis na rin siya at iniwan akong mag-isa dito sa sala.

Sa pag-ikot ng aking mga mata ay hindi ko maiwasang mamangha sa aking mga nakikita. Tingin ko palang ay nararamdaman ko na agad ang saya dito. Ang mga litratong mga nakalagay dito ay isang patunay sa mga 'yun. Yung mga ngiting nakalagay sa mga 'yon ay isang simbolo ng walang katumbas na kasiyahan. Tila'y maririnig mo ang isang masayang tawanan kung ito'y iyong pakikinggan.

Isang luha ang muling tumakas mula sa aking mga mata. Bakit ganoon? Bakit palaging masakit? Ginawa ko naman lahat? Ngunit parang hindi parin sapat. Palaging pag-kukulang ang siyang nangingibabaw.

"May problema ka ba, iha?" Mahinanong tanong ng Mama nila. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Ano ba 'to, nakakahiya. Sa ibang bahay pa talaga ako nag da-drama. Laging wala sa timing.

"W-wala po," tugon ko sa kanya. Ngumiti lamang siya sa akin at hindi nag-atubiling tumabi sa akin. "Alam mo... ganyan talaga. Mahirap, palaging mahirap. But we don't have a choice. We have to fight until the end where we can say that, we gave our all," she said without looking at me.

Nararamdaman ko at naiintindihan ko ang gusto niyang ipahiwatig sa akin.

"Para kapag dumating ka sa point na 'yun, finished ka na. Maniwala ka sakin, mawawala yung bigat dito," ani niya sabay turo sa kanyang dibdib. Napatingin ako sa kanya. Hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. Tila'y pilit na sinasabi sa akin na ayos lang ang lahat.

"Pero po kasi... ang hirap lumaban kapag hindi ka buo. 'Yung hindi mo magawang mahanap yung sarili mo kasi minsan, na a-apektuhan ka rin sa sinasabi ng iba," paliwanag ko. Hindi siya sumagot, bagkos ang humarap siya sa akin at itinuon ang buong atensyon.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang aking mga balikat.

Ngumiti siya sa akin bago siya nag-salita.

"Be the girl you want to be, not what others want you to be."

-

Maraming maraming salamat sa suporta niyo sa istoryang ito! Makakaasa kayo na mas pag-bubutihan ko pa po. :>

Only You Where stories live. Discover now