Naging mapayapa ang tulog ko dahil narin siguro sa pagod. The moment na humiga ako, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Yung feeling na hindi ko na kailangan mag pa-antok dahil nandiyan na siya agad.Hindi ko mawari ngunit, ang gaan ng pakiramdam ko habang nag-uusap kami ni Tita Abi kagabi. That is really unsual for me. Palagi akong hindi comfortable sa tuwing nakikipag-usap ako sa mga hindi ko kakilala. You can't blame me.
I felt like a soft and warm loving hand touched my heart last night. Ibang-iba at ang lakas ng epekto sa akin at dumating ako sa point na hanggang ngayon, ay iniisip ko parin ito. Is that the Mother's Comfort and Love?
Posible ba na mahalin ka ng isang tao sa unang pag-kikita niyo pa lang?
Hindi ko pa naramdaman 'yun noon kaya naman ay talagang naninibago ako. It's strange because after 20 years, ngayon ko lang naramdaman 'yun. How unlucky I am right?
Kasalukuyan akong nag-luluto ng almusal ngayon para sa kanila. Maaga akong gumising dahil plano ko ring umalis agad dahil baka hinahanap na ako ni Papa. Tsaka hindi rin ako nakapag-paalam kay Kyle kaya baka nag-aalala na 'yun sakin. Pag-katapos kong lutuin ang mga ito, ay agad narin akong mag-papaalam upang maka-alis na.
I'm just cooking a typical breakfast na palaging hinahain sa hapag-kainan. Hotdogs, egg, bacon, fried rice and so on. I was really hesitant at first because hindi ko naman bahay ito. I do not have any rights na galawin ang mga gamit nila. Pero napansin ko rin kasi na wala silang kasambahay, kaya hindi ko alam kung kanino mag-papaalam. Pero inisip ko nalang na it's why way of saying thank you to them for letting me stay here last night.
"Ang sarap naman niyan," ani ng isang lalaking papunta sa direksyon ko. Napatingin ako at nakitang si Ricci iyon, ngunit agad ko ring iniwas ang tingin ko dahil naka-sando lang siya at kitang-kita ang mga muscles niya. Ano bang gagawin ko? I'm not experienced in this kind of situations.
"Nang alin? Yung pagkain? Or... yung nag-luluto?" I teased him back. Alam ko na naman ang patutunguhan nito kaya ayoko na mag-patalo 'no! Lagi nalang ako ang umuuwing luhaan sa aming dalawa.
I heard him chuckled. "Uhm... both," he said and winked at me. I rolled my eyes on him and put back my attention to what I'm doing. Sabi na e, diba?
Nakarating na siya sa tapat ko at nakatingin lang sa mga niluluto ko. Sumilip lang ako ng saglit upang makita kung ano ba ang iniisip niya. Kailangan aware ako at baka mamaya, malulunod na naman ako sa kahihiyan.
"Uhm, ano... gutom ka na ba? Gusto mo bang hainan na kita? Patapos na rin naman ang mga 'to," ani ko. Kanina pa kasi siya naka-titig sa mga niluluto ko e. Baka gutom na ang mokong. Ikaw ba naman umuwing nag-hahalumpasay sa lasing ng dis-oras ng gabi diba?
Ops, concern lang okay?
"Pwede bang kainin yung nag-luluto? Para kasing mas gusto ko 'yun kainin e," mapang-asar niyang ani. Napatigil ako sa aking ginagawa at unti-unting itinuon sa kanya ang aking pasin.
I glared at him. "Sorry, hindi pwede e," I said. "Alam ko namang masarap ako... kaya hindi ako basta-basta nag-papatikim," I said while mocking him. Jusko, sana po ay walang ibang nakaka-rinig ng mga pinag-sasasabi ko ngayon, dahil kung meron? Patay na.
Tumawa lang siya at ngumit sa akin bandang huli. "Hmm, that's good to know. I like it in that way," ani niya habang naka-ngisi sa'kin.
"Tsaka, sa kasal namin ng taong mahal ko ito ibibigay 'no. Doon ko lang isusuko ang bataan," wika ko sabay tawa sa kanya. Some think it might be old school pero 'yun ang pinaniniwalaan ko.
Mukha naman siyang napaisip sa sinabi ko. Ang hirap hirap basahin ng lalaking 'to. Every second, nag-iiba yung mga emotions na ipinapakita niya. Nahihirapan yung observing panel ng utak ko. Well, he is giving me a hard time.
"Kasi, kahit na sabihin kong mahal na mahal ko ang boyfriend ko at siya ay ganun din sa akin, anything can still happen, 'diba? Pwede niya akong iwanan anytime, he can also hurt me in any ways. Kaya dapat, hindi ko talaga isuko. Para kapag nag-hiwalay kami, hindi mabigat yung mawawala sakin," paliwanag ko. Sa buhay, marami ka talagang makikita at matututunan. Kailangan mo nalang talagang i-apply sa buhay mo.
Yes, its hard. But it will be worth it. Trust me... but no.
Don't trust me.
"Hmm, don't worry. Hindi ko naman 'yun agad hihingiin sa'yo. I will respect as how I respect my mom. And I agree with you... sa kasal nalang natin 'yung bagay na 'yun. Para naman may thrill pa 'diba?" Ani niya. Agad na nanlaki ang mga mata ko.
Kumuha ako ng isang pat holder at agad itong itinapon sa kanya.
"Hoy! A-anong pinag-sasasabi mo diyan, ha? A-anong kasal natin? Dream on, uy! Hindi nga kita boyfriend tapos makapag-sabi ka ng mga ganyan... you seem so confident. Akala mo naman," wika ko. Hindi siya sumagot bagkos ay mas lalong itinuon ang kayang buong atensyon sa akin.
"I am," tipid niyang sagot. "I am so confident that you and I will end up being together. So, let's start it right now and be with me," he said with his serious eyes staring closely at me. I feel like he is wanting me to answer right away. But, anong isasagot ko?
I laughed awkwardly to break this tension in me. Yes, just in me. "I-Ikaw naman! Tsk, napaka-galing mong joker and take note, muntikan na akong madala doon ha," ani ko sabay tawa. Hindi yung tawa masaya, kundi yung tawang mamamatay na sa kaba.
He shooked his head, sign of his disagreement with my statement. "No, I'm not joking. I'm fucking serious right now, Leila... so you better take me seriously. Or else... you want me to do something? Something that you will never going to forget?" He said while teasing me. I rolled my eyes on him.
Ano daw?
"H-Hoy, tigilan mo 'yan Ricci ha. Tsaka, I-I'm taking you seriously okay?" Pag-kontra ko sa kanya. Omy, can I leave this house right now? Pakiramdam ko ay hindi na ako mag-tatagal dito.
"No, you don't babe. You're not taking me seriously and rightfully," he said while licking his lips. Mas lalong umigting ang kaba ko. Ano ba? What's with him?
"M-May pangalan ako, okay? Y-you should call me in that way. N-Nakakahiya at nasa bahay niyo pa naman tayo," nauutal kong ani. Pinipilit ko lang na mag-mukang matapang ngayon. Pero deep inside? Hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko.
He laughed at little but it ended with a smirked.
"So what? You're my babe after all?"
YOU ARE READING
Only You
Fanfiction"Come on, baby. It's always you... only you." (ON-GOING) DISCLAIMER: All of these are fictitious. Photos are CTTO.