Chapter 15

206 13 4
                                    


At sa isang iglap... wala na si Ricci sa tabi ko. Kumbaga, sa simpleng salita...

Wala na siya sa buhay ko, nang ganun-ganun lang. Parang... parang ang bilis naman yata.

Hanggang ngayon, parang sariwa pa sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Kugng paano siya nagalit, kung paano siya umiyak sa harapan ko, at kung paano niya ako unti-unting kinamuhian.

At kung paano ko rin sinabi na mahal ko siya.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ko iyon nasabi. Kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon sa kanya. Kasi hindi ko napansin at naisip na darating ako sa point na 'yun. Na ako, sasabihin na mahal ko siya. Hindi ko alam, wala akong alam. Dahil ako mismo, hindi ako sigurado kung handa na ba ako na mag mahal. Ang daming nang nangyayari sa buhay ko, ayoko nang mag dagdag pa.

Pero wala e, nasabi ko na. At alam ko na hindi ko na 'yun mababawi pa.

Pero sa isang banda, napapaisip din ako na ayos lang. Like, he hates me now. So what's the point of thinking about it since I know that he would never do such thing.

I may love him... but he doesn't feel the same.

Pero aaminin ko na malungkot ako ngayon. Not by the fact na wala na akong interview na maipapasa sa admin, pero sa katotohanan na wala na yung kami. Hindi ko alam kung anong meron kami, pero alam ko sa sarili ko na naging masaya ako. Naging masaya ako sa bawat oras na mag kasama kami. Yung pakiramdam na hindi ka nag iisa? Yung mga ngiti niya sa napapa ngiti ka na rin sa kadahilanang hindi mo rin alam. Yung kapag nandiyan siya sa tabi mo, pakiramdam mo kaya mo ang lahat kahit na ano pa ang ibato sa iyo. Bakit?

Kasi nandiyan siya...

Ngunit, paano na ngayon na wala na siya?

Sobrang ikli lang ng panahon na nagkakilala kami ni Ricci. Wala nga akong ideya na darating kami sa punto na ito e. Hindi ko alam na mahahalin ko pala siya. Natatawa nga ako habang iniisip 'yun e. Kasi, biruin mo 'yun? Kaya ko pa lang mag mahal. Pero ito na nga... ito na ang nangyari. Hindi ka pa nga nabibigyan ng chance na mahalin yung taong mahal mo, e nawala naman agad. Alam mo 'yun? Yung wala pa nga, pero nararamdaman mo na wala talaga.

Siguro nga, hanggang dito lang talaga kami.

Na, ito lang talaga kami.

Ayokong pilitin e, mahirap kasi yung sitwasyon. Siguro, hindi lang talaga kami ang para sa isa't-isa.

Ilang segundo ang makalipas ng biglang tumunog yung phone ko. Agad ko naman itong kinuha upang makita kung sino ang tumatawag. Pagka tingin ko ay si Gelo pala. Sinagot ko ang tawag.

"Hi, Ate! How are you?" He asked me. Napa ngiti naman ako.

"Ito, ayos naman. Ikaw? Kumusta ka?" tanong ko pabalik.

"I'm good ate, goods na goods," natatawa niyang sagot.

"That's good. Bakit nga pala napatawag ka?" tanong ko sa kanya. Wala namang masama pero malapit na mag madaling araw. Kaya nag tataka ako kung bakit gising pa ang isang ito.

"Actually ate... ito na naman kasi e. Nahihirapan ako ulit sa math," ani niya sabay buntong hininga. "Tulog na rin kasi ang mga tao dito e, kaya wala na po akong malapitan. Huhuhu, ate," dugtong niya. Natawa naman ako doon.

Tumango-tango ako. "Oh... that's okay. I'm here, I will help you," I assured him.

Narinig ko naman ang buntong-hininga niya. It must been really hard for him.

Mag sisimula na sana akong mag salita ng may biglang pumasok sa utak ko. Maybe I should ask him, baka alam niya kung sino 'yun.

"Uhm... Gelo," mahina kong pag banggit ng pangalan niya.

"Ano po 'yun ate?" magalang niyang tugon. Nag dadalawang isip ako pero gusto ko talaga itanong! Geez, bahala na nga.

"May kilala ka bang ano... ano... Marga?" agad akong napapikit ng bitawan koa ng mga salitang iyon.

Please, don't react too much. I might not able to handle it.

"Hmm, Marga... Marga..." he mutter. Pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga ngayon.

Girlfriend niya ba talaga 'yun o hindi? Wala namang masamang mag tanong diba?

"Ah!" he exclaimed. "Si Ate Marga! Best friend po 'yun ni Kuya na nasa ibang bansa," at mula doon ay tuluyan na akong nakahinga.

Best friend... best friend.

Pero bakit may babe?

At simula non, tinuruan ko na nga siya ng math pero wala akong ibang iniisip kundi yang lintian na bestfriend na yan. Bestfriend? Pero babe ang call sign? Nako, nang gigigil talaga ako.

Like, ganun yung inisip ko tapos ano 'yun? Best friend lang pala? Hays, medyo may pagka-tanga ako doon sa part na 'yun. Ugh, bakit naman kasi ako nag conclude agad. Tamang mapag hinala naman kasi ang peg ko e.

Ayan tuloy, saan na nga ba pinulot.

Pero... hayaan na. Natapos naman na e. Wala na akong magagawa doon. Nalaman ko man na bestfriend niya lang 'yun, pero hindi naman noon mababago ang nangyari sa amin.

He still hates me.

Ayoko lang na ipag siksikan ang sarili ko sa kanya. I don't want to look like a desperate.

Kung kami talaga, edi kami.

Kung hindi, hindi.

I mean, I've already experienced too much pain and I don't want to feel one again. I'm tired.

I'm tired...

1 New Message
Ri. Rivero

Can we talk? Please? I need you now babe.

Only You Where stories live. Discover now