"Paki ko?" Mataray niyang tanong sakin. Napaiwas naman ako ng bahagya sa kanya. Anong meron sa lalaking 'to ngayon?Kung hindi bastos yung bunganga, mataray naman.
"Taray mo naman, ghorl. Pumunta ka na nga doon sa mga teammates mo! Mas okay ka pa doon, kaysa naman ako ang iniinis mo dito," pag-tataboy ko sa kanya. Feeling ko ang mission niya ngayon ay ma-pauwi akong nang-gagalaiti sa inis.
He chuckled infront of me. "Hindi naman kita iniinis ah," giit niya sakin. I rolled my eyes on him. Hindi daw? E, naka-ilan na ata 'to ngayon e.
"Then, what? Bakit ako ngayon naiinis at sinusumpa na 'yang pag-mumukha mo?" Mahina kong ani sa kanya.
I'm really trying to calm myself. Dahil aware naman ako na hindi lang kami ang tao dito. I don't want to make a scene here. I mean, hindi ko sila kilala and I have to be careful interms of my actions.
Tinignan niya lamang ako, walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Tila'y mga titig ang kanyang ginagamit sa komunikasyon. Ilang segundo ang lumipas ng unti-unti siyang lumapit sa akin upang magawa akong tabihan at maialis ang kaunting epasyong nag-hihiwalay sa aming dalawa.
"Pakiramdam ko kasi... kapag nagagawa ko 'yun, ay nararamdaman mo yung presenya ko," pabulong niyang ani. Agad namang nanlaki ang mga mata ko.
Ano daw? Presenya?
Agad naman akong gumalaw palayo sa kanya. Nag-pipigil ng tawa dahil sa mga sinambit niya.
"Anong presenya ang pinag-sasasabi mo diyan? Ano ka ba? Multo na dapat maramdaman?" Natatawa kong ani. Hindi ko na mapigilan ang tawa ko habang sinasabi 'yun sa kanya. Para kasi siyang timang e.
"Sana nga multo na lang ako... para hanggang sa pag-ligo mo, ay kasama ako," mapang-asar niyang ani sakin.
Agad napatigil ang aking pag-tawa, nag-simulang mamula ang aking pisngi at hindi maitago ang kilig.
Tsk! Bakit ako kinikilig? E, bastos 'yun diba?
"Manyak ka talaga kahit kailan!" Ani ko at nag-handa ng isang kamaong handang lumapat sa mga braso niya. And there, I hit him.
Wala parin siyang tigil sa pag-tawa habang ako ay hindi na magawang mai-pinta ang mukha. Seriously? Talaga bang nag-punta ako dito para lang sa mga ganito? I'm wasting my time here.
Unti-unit ay tumigil na siya sa pag-tawa, naging seryoso ang mukha habang tinitignan ako.
"But seriously, I like seeing you smile. It makes you so beautiful to the point where I think, I'm going crazy," he said while having those killer eyes, nakaka-matay sa kilig. Ganito ba talaga siya?
"Narinig mo 'yun? Nagagawa mo akong baliwin... nababaliw na ako sa'yo," bulong niya na nakapag-pataas ng mga balahibo ko. Totoo ba 'tong mga naririnig ko?
Parang ang bilis naman yata?
Mag-sasalita pa sana ako ng biglang may sumulpot na isang malaking lalaki sa aming harapan. Unti-unting tumaas ang aking tingin at nakita si... Kobe!
"I thought we have an existing rule here where it says that, no flirting inside of the gym? What happened bro?" He asked while grinning at Ricci.
Matalim siyang tinitigan ni Ricci, but Kobe's not bothered by that look. I can even see that he's just holding his laugh and pretending to be tough infront of us.
Ngunit bago pa man makapag-salita si Ricci ay agad siyang nanguna. "But, by the way. We will drink tonight, call ka?" He asked. Hindi na niya pinatapos maka-sagot si Ricci at nag-salita na naman siya. "Yes, call ka. Bye, just see you there," ani niya sabay alis.
I can't believe this.
Tinignan lamang ako ni Ricci, tila'y nag-susumamo na mag-salita ako at sumang-ayon sa gusto niya.
Agad akong umiling. "No, way... you're not going to do that right?"
"Yes, way."
"No."
"Yes."
"Hindi ako pwede, Ricci. Ang kulit mo."
"Ang kulit mo rin, pwede ka kaya."
"Paano mo nasabi?"
"Alam ko kaya schedule mo."
"What!"
"Uhm, inform lang kita. Close na pala kami ng kapatid mo, so... yeah,"
"Akin ka ngayon."
I sighed. May kakalbuhin talaga ako mamaya e.
"Ricci! Sinasabi ko talaga sayo! Pag ikaw hindi tumayo ng maayos dito, ipapa-bangga talaga kita," naiinis kong ani habang hinihila siya patayo. Kanina pa kasi siya patumba-tumba habang nag-lalakad. Para kaming nasa luneta park sa bagal namin mag-lakad.
"H-huh? Sino ka po ba? A-Ang ganda mo naman, Miss," nauutal pa niyang ani. Lasing na lasing ang gago. May kutos talaga 'to sakin kapag bumalik na'to sa ulirat niya e. Humanda ka talaga sakin.
"'Yan! Iinom-inom, hindi naman pala kaya. Akala mo kung sinong malakas ang bituka, napaka-hina naman pala. Umayos ka nga, Ricci! Ibabalibag talaga kita dito!" Inis na talaga ako. I didn't see myself in this kind of situation.
Nag-hihila ng taong lasing sa kawalan.
"Kiss me naman, Miss. Parang kamukha mo 'yung girlfriend ko," naliliyo pa niyang ani. Aba, iba din talaga e 'no?
Pinitik ko ng malakas ang noo niya, sapat para magising siya sa katotohanan.
"Aray!" Sigaw niya sabay hawak sa noo niya. Tama lang sa'yo 'yan. Gigil mo ako.
"Huy! Anong kiss ka diyan? Kiss mo mukha mo! Tsaka huy ulit! Gising kana, Ricci! Wag kang assuming. Wala kang girlfriend, wala!" I said while mocking him. Masama niya lang ako tinignan na para bang nag-papabebe pa. Ew! Jusko, Ricci!
Ilang segundo ang lumipas ng may sasakyang tumigil sa tapat namin. I think they're here.
Bumaba ang isang lalaki at agad na nag-tungo sa amin. Nung makita niya si Ricci ay agad niya itong nilapitan at pilit na itinayo.
"I'm Prince. Ikaw ba 'yung tumawag sa akin using Ricci's phone?" He asked me. Agad akong tumango. "O-Opo," ani ko. Parang kinabahan naman ako bigla.
Tinawagan ko kasi yung emergency contact ni Ricci sa phone niya. Lahat ng kaibigan niya, lasing! Iniwan nila sakin si Ricci, e saan ko naman 'to dadalhin? Bawal sa amin dahil baka ma-latigo ako ng tatay ko.
"Let's go, hop in," he said. Kumunot naman ang noo ko. "P-po?" Tanong ko. Ngumiti siya sakin. "Tara, sumakay kana at sumama muna sa amin. Doon kana muna sa bahay matulog, it's past 2 AM na at delikado na ang daan. Don't worry, our house is safe."
Bahay? Bahay ng mga Rivero?
YOU ARE READING
Only You
Fanfiction"Come on, baby. It's always you... only you." (ON-GOING) DISCLAIMER: All of these are fictitious. Photos are CTTO.