Chapter 16

255 11 4
                                    


Gusto ko siyang puntahan.

Gusto kong makita siya. I want to ask if he's okay and also, to say sorry.

Gustong ko.

Gustong-gusto...

Pero... paano naman?

Maliwanag na sa akin ngayon na hindi lang naman ako ang tinatawag niya ng ganoon. Nung una, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa tuwing ganoon ang pag tawag niya sa'kin. I really don't mind it, until I started liking it. I don't really know when did it start, but it just happen. Alam ko sa sarili ko na naging okay na ako doon. Hindi ko nga lang maamin pero, siya kasi 'yun e.

Hindi yung Ricci Rivero na sikat, kundi yung Ricci Rivero na nagawa akong maintindihan. Yung Ricci na kaya akong sabayan sa pagiging mag isa. Siya kasi yung nag paramdam sa akin na, "Ayos lang ang maging mag isa, pero hindi dapat ganoon katagal."

And it was him, the man who told me these thing and made me realized that I can be more. More than just being alone.

Kaya, gustuhin ko man, hindi pwede.

Meron namang isang tao na nandiyan para sa kanya. I don't want to take someone's place.

Ang sakit mang aminin pero tingin ko, hanggang dito na lang talaga kami. Lahat ng mga iniisip ko noon, wala ng magiging totoo doon. Ang lahat ng iyon ay dapat na manatili  na lamang doon. Siguro kung sa kaibigan, maaari pa. Ngunit daoat hanggang doon na lang, hindi na dapat lumagpas pa.

Mabilis kaming nag simula, kaya mabilis din kaming natapos.

So... I'm not going.

"Ano, hindi pa rin kayo nag papansinan? Like yung mga lowkey landian niyo, wala na?" mapaang-asar na tanong ni Clarice sa mukha ko. Nandito na naman siya sa UP, nakikidayo na naman. Hindi ko nga alam kung sa Ateneo pa ba 'to nag aaral.

It's been a week since that incident happen. And I still couldn't believe that it happened a week ago. Well, it feels like yesterday. Ricci tried to talk to me, many times. Hindi ko na mabilang kung ilan at kung ano-ano yung mga ginawa niya just so he could talk to me. He tried... but I tried too. I just... can't, for now.

Ayoko lang din na mas lumalim pa yung nararamdaman ko sa kanya. As much as possible, I want to avoid him. Dahil gusto ko, sa bawat pag iwas ko, ay kasabay nito ang pag alis ng nararamdaman ko sa kanya. Alam ko rin naman kasi na wala na yung patutunguhan. Yung walang direksyon? Ayokong dumating sa point na hirap na kaming dalawa dahil lang sa dahilan na pinilit namin.

I don't want to be hurt, so I'm not going to love anyone.

Ricci and I? We are just meant to be together, but not forever.

And besides, wala na rin naman dahilan para magkita kami. I already withdraw my slot in the competition. I don't want to do an interview anymore. Kakausapin ko na lang yung prof ko na kung may pwede akong gawing ibang paraan, huwag lang ulit yung ganun.

I rolled my eyes on her. She likes it, she really likes mocking me with these kind of questions. "How many times do I have to tell you that, hindi nga. I've said it countless times already. And what? Landian? Siya lang 'yun uy," ani ko. Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to. Ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay. "Ay, totoo ba? Bakit parang gustong-gusto mo naman?"

Muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ano!? Nag bibiro ka ba?  Bestfriend mo ako, Clarice! Bestfriend! Paano mo nagagawang masabi 'yan?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Itong babae na 'to. Umiling-iling lang siya sa'kin. "That is why! I know you, Leila. At alam ko rin na bet na bet mo yung mga lowkey lang. Kaya nga nagulat ako nung nalaman ko na Ricci Rivero pala. Like wow, hindi 'yun lowkey ha."

Wow... just wow.

"Tsaka, you never said anything against it before," dagdag pa niya. Agad naman akong napaisip. "Uy! Meron ha," saad ko. Tiningnan niya lang ako gamit ang mga mapanghusga niyang mata. "Oh, come on. You did not, okay? At kahit sabihin nating meron man, can you please recall it to me? So that you can justify your alibi," she said. She's really grinding me into pieces right now.

Sasagot pa sana ako ng biglang hindi ko na lang itinuloy. Teka... may sinabi ba talaga ako o wala?

But she sighed. Agad naman akong napatingin sa kanya. Her face expression suddenly changed. "Pero ito na nga... ano nang gagawin mo? Like, nakapag isip ka na ba? Alam mo naman na kahit anong decision mo is naka support lang ako diba?" she said while showing a little smile. Ngumiti rin ako. Dahan-dahan akong tumango sa kanya.

"Thank you... pero  wala naman akong ibang gagawin bukod sa iwasan siya."

"I chose not to do anything about it. I know that he will get tired soon and eventually stop kung ano man yung mga ginagawa niya. Mapapagod din siya," mahina kong ani. Hinawakan niya lang ang kamay ko. Ang complicated, ayoko ng ganito.

Rinig ko ang bawat buntong-hininga niya. "Pero..." ani niya. Tumingin naman ako sa kanya. "What if... just what if, mahal ka rin niya?" wika niya. And from there, I couldn't answer anymore. I was taken back by my thoughts.

Ano kayang mangyayari kung mahal niya ako?

"Yes... that is true."

Nagka tinginan kami ni Clarice.

I can't move.

"I love you, Leila. I really do. So... please, talk to me. Don't do this anymore, its driving me crazy."

Only You Where stories live. Discover now