Chapter 17

313 8 3
                                    

"How can you say that?"

He stopped for a moment after I told him that. The only sound you can hear are the air, birds and our breathing. No one dared to speak, even my soul. All I could do at this momemnt was to stare at him. By looking at him, I could say that I miss him.

I miss the way he talks to me, the way he smiles at me, the way comforts me, everything.

I miss... all of him.

He gasped and run his fingers through his hair. "Why... why are you questioning my feelings for you?" He asked. I couldn't say anything right away. Kasi kahit ako mismo, hindi ko rin alam kung bakit ko iyon sinabi sa kanya. Pakiramdam ko ay mayroong kumo-kontrol sa sarili ko ngayon. Hindi ko alam... pati ako ay nawawala na din.

"I d-don't know, maybe because I think you're not sure? You know, infatuation always kicks in," I said out of nowhere. I already made up my mind, I have to stand with it. I... I don't want to get hurt anymore. I'm tired of being always in pain.

He laughed unbelievably to me, showing how ridiculious I am. "What the fuck, Leila? You're really telling me that I'm not sure of my feelings towards to you? That, all of these are just infatuations? Why, huh? Tell me why!" He demanded to me. He's pissed, he really is. Humugot ako ng hininga bago mag-salita at saka tumingin sa kanya ng diretso.

"Why? Do you expect me to believe all of those? As in, right now? Oh, god. You might be kidding me," I stated. Unbelievable feelings is very evident in face the moment I said that to him. Umiling-iling lang siya sa akin, pinipigilan ang sarili na makagawa ng mga bagay na mas ikakasira namin ngayon.

Bakit? May msisira pa ba? 'Diba wala na nga?

"The last time we talked... you said that you don't want to see my face anymore, right? You said it to my face... coming from your mouth. So why are you here? Why are you here, showing your face to me like those things didn't happened?"I asked him. He took one step closer to me but I refused. "Babe... let me explain please?"

Ako naman ang natawa ngayon sa sinabi niya. "Explain? Talaga ba, Ricci? Bakit? Para saan, ha? Para sabihin sa'kin na hindi mo sinasadyang masabi ang lahat ng 'yon? Para ipaliwanag sa akin na nadala ka lang ng emosyon mo? Para ipakita sa akin na  handa kang patunayan yung nararamdaman mo sa'kin? Wala na, Ricci. Bulok na 'yan e, itigil mo na."

Akala ko hindi na masakit e, akala ko hindi na, na... wala na. Pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon sa inaasahan ko? Bakit bumabalik yung sakit nung mga oras na sinasabi niya sa'kin 'yun? Sobra akong nasaktan, dahil hindi ko talaga inasahan na sa kanya ko pa maririnig 'yung mga salitag iyon. Of all people, bakit siya pa?

"Wala na, Ricci. Tapos na tayo, hindi ba? Huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo. Binibigyan na nga kita ng daan, oh? Ayoko naman kasing mapasama ang landas mo sa isang manggagamit na tulad ko. Hindi ko naman gugustuhin na masira ang kinabukasan mo ng dahil lang sa isang basura na tulad ko," ani ko. Pinipigilan kong umiyak dahil ayoko na makita niya na sobra akong nasasaktan ngayon. Ito... Ito yung dahilan kung bakit ayaw ko na mahalin siya.

Ang sakit, sobrang sakit.

"Please, Leila... let's talk, okay? Talk to me, let's work things out again. Trust me again okay? I didn't mean all of those things I've said the last time we talked. Not even a single thing. So please, comeback to me, okay? I need you... I want you."

Ano ba ang dapat sabihin sa mga oras na 'to? Ayoko na... pagod na ako.

Taimtim ko siyang tinignan, inaasam ang bawat oras na may kakayahan pa akong makita siya ng malapitan. "Ricci... you're just... you're just blinded by your emotions right now. Hindi mo alam ang sinasabi mo ngayon. Siguro, pagkatapos mong mahimasmasan at makapag isip-isip, matatauhan ka rin. Ma re-realize mo na hindi naman talaga ito ang nararamdaman mo," wika ko sa kanya. Pumikit siya ng mariin at hindi nag abalang sumagot sa mga sinabi ko.

"Ang gusto ko lang, ipagpatuloy mo 'yung buhay mo nang wala na ako. Kaya mo naman noon e, kaya sigurado ako na kakayanin mo rin ngayon. We just met for a reason, and now, that reason is gone. So, we have to get back at our own lives again just like before. You have a lot to explore, Ricci. Don't get stuck by an illusion."

Hinahabol ko ang pag hinga ko matapos kong banggitin ang lahat ng 'yon sa kanya. 'Yun ang totoo, 'yun ang tama, at 'yun ang dapat.

I cleared my throat before speaking again. "Siguro nga tama ka," ani ko. Agad siyang napalingon sa akin. "Siguro nga, isa lang ako sa mga babaeng may kailangan sa iyo kaya naging malapit tayo. At some point, baka nga ginamit talaga kita sa pang-sariling interes ko lang. 'Yun. Gamitin mo ang mga dahilan na 'yan para makapag patuloy. Hindi mo ako kailangan, wala akong magandang maidudulot sa'yo. Kaya't hangga't maaga pa, huwag mong pakinggan ang nararamdaman mo," ani ko sabay ayos ng mga gamit ko. Gusto ko nang makaalis dito. Ayoko na, tama na.

Hindi madali sa akin na siraan ang sarili ko sa harap niya. Sobrang bigat sa pakiramdam na kinailangan ko pang sabihin 'yun para matauhan siya. At hindi ko maiwasang masaktan dahil ipinapakita lang ng panahon na hindi talaga kami para sa isa't-isa.

Sabi nga nila, kapag pagod kana... tumigil kana muna.

Naniniwala naman ako na kung para kami talaga sa isa't-isa, mag tatagpo pa rin kami at magkakaroon ng panahon para sa aming dalawa. Ayoko lang na pilitin, ngayon pa na alam kong hindi kami handa. Na, hindi ganoon kalinaw yung mga nararamdaman namin para sa isa't-isa.

"Huwag mong kwestyunin ang nararamdaman ko sa iyo, dahil hindi naman ikaw ang nakakaramdam."

Napatigil ako sa ginagawa ko. Oo nga naman, ano nga bang karapatan ko.

Tumango-tango na lang ako bilang tugon sa sinabi niya. Nang maayos kong mabuti ang mga gamit ko, agad ko itong isinukbit sa likod ko at nag simulang mag lakad palayo sa kanya.

Ngunit biglang tumigil ang mga paa ko, dahan-dahan akong muling lumingon sa kanya.

"You know that... I leave those people who hurt me, right?" I hopelessly asked him.

He didn't answer right away.

"But... why does it include me?"

I closed my eyes and sighed.

I slowly opened it and directly looked at him.

"It's because... I love you."

Yeah, those people whom I loved the most, is the people who brought too much pain for me.






AN: Huhu, I am very sorry for the late update. Super naging busy at alam ko na kayo rin. Ngayon lang ako nakapag-update dahil ngayon pa lang din ako nakapag adjust sa bagong sistema. Sana ay nasa ayos na kalagayan kayo ngayon! Mahirap man ang mga panahon na ito, ngunit alam ko na kakayanin natin ang lahat ng ito. Laban lang! Kaya natin 'to. ✊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only You Where stories live. Discover now