Chapter 5

356 13 2
                                    


Pag dating namin sa emergency station ng hospital ay agad akong nag tungo papasok sa loob para hanapin at mag tanong sa information desk.

Nararamdaman kong nakasunod lamang sakin si Ricci. Chill lang siya ngayon kung aking titignan, pero nahahalata parin na bothered siya.

"Hi, Ma'am. May patient na po ba dito na Kyle Ascado?" Tanong ko sa nurse na kaharap ko ngayon. "I'll just check here, Ma'am," she answered to me. Ilang segundo ang lumipas at nabaling sa akin ang atensyon niya. "Yes po, Ma'am. Meron pong pasyenteng Kyle Ascado dito. Matanong ko lang po, kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong nung nurse sa akin.

Agad kong kinuha ang ID ko para maipakita sa kanya. "Kapatid po ako ng pasyente," wika ko habang ipinapakita sa kanya yung ID ko. Tumango-tango siya sakin. "Pasok na po kayo," aniya. Ngumiti ako at nag lakad na papasok sa loob.

Ngunit ilang hakbang palang ang aking nagagawa nang tawagin niya ulit ako.

"Ay, Ma'am. Sorry po pero isa lang po ang allowed na bumisita sa pasyente sa loob," natigilan naman ako sa sinabi niya. Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko yung rules and regulations. I was too occupied while we're on our way here. Nakalimutan kong kasama ko pala sa Ricci.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. Nahihiya ako ngayon sa kanya dahil siya pa naman ang nag hatid sa akin dito.

"Ricci, I'm sorry pero—," hindi na natuloy yung sasabihin ko nang mag salita siya agad. "It's okay. You have to go first. I'm okay here. Your brother needs you. Baka hinahanap kana niya. Hihintayin nalang kita dito sa labas," tuloy tuloy niyang ani. His voice seemed so serious. Hindi ko alam but I was a bit amazed by him right now.

Agad ko siyang hindi sinang-ayunan. "No, no. Kahit hindi mo na ako hintayin, you can go home na. Nakakahiya naman sayo. Ikaw na nga yun—," again, he cutted me.

Ganito ba talaga siya makipag usap?

"No buts. Just go inside, be with your brother and do your thing. I'll just wait outside. Don't mind me," ani ng baritono niyang boses.

Parang hindi naman ako makasagot sa kanya. He really sounds authoritive. Yung parang kapag hindi mo sinunod yung sinabi niya, ay may palo ka sa pwet.

"O-okay," nauutal kong ani sa kanya. I don't know what's the correct answer to response him! Unti-unting nag-bago ang ekspresyon ng mukha niya. Halatang-halata na nag pipigil ng tawa ang tukmol.

Why? Dahil ba sa reaction ko?

Humakbang siya papalapit sakin at marahan akong tinu-tulak tulak papasok. "Tama na 'yan ha, alam ko namang gwapo ako. Hindi mo na kailangan ipahalata. Go inside na, baka kailangan ka na ng kapatid mo," ani niya.

"You can stare at me later, I can even give you my body," he said and winked at me bago siya umalis.

Omigod. What the hell?

Hindi ko nalang 'yun pinansin at pumasok na ako sa loob. Pag pasok ko ay agad hinahanap ng mga mata ko si Kyle. Wala namang bed number na nabanggit sakin kanina.

Sa mga nakikita ng mga mata ko ngayon, hindi ko maiwasan na malungkot. Seeing people lying on their designated bed while having an IV needle inserted in their hand? I coudn't even imagine how hard and painful it is for them.

Patuloy lang ako sa pag hahanap hanggang sa wakas ay natanaw ko narin ang kinalalagyan ng kapatid ko. Aba'y nasa dulo naman pala, katabi ng bintana naka pwesto. Umiling nalang ako at lumapit sa kanya.

"Kumusta ka? Okay kana ba? Maayos na ba yung pakiramdam mo? Nasaan si Papa?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin at itinapat ang ulo niya. Agad ko itong hinalikan at niyakap siya.

Only You Where stories live. Discover now