"El, pahiram naman ng clipboard mo." --> Si Rachel, model student. Vice President for Internal affairs ng CHEMSOC. Chemical Engineering student, candidate for Cum Laude. Best friend ni Angelo.
"Nanjan sa kama, pakuha na lang. Thanks." Awtomatikong kinuha ni Rachel yung clipboard sa kama ko.
"Uy bhe, may paper clip ka? Penge naman." --> Si Ate Dindin. Minsan Ate Dindin, madalas Ate Din. Material Science major, delayed ng 1 SEM. Cool, sabihin natin na sa aming apat, siya yung pinakaexperienced 😉. Girlfriend ni Paulo.
"Wala po. Si Rachel meron", sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya. Kumuha si Rachel ng paper clip sa box nya sabay iniabot kay Ate Din. Inabot naman iyon ni Ate Din habang nakatayo pa rin sa tabi ko.
"Ano ba yang ginagawa mo? Sino ba yan?" Kaya pala nakatayo pa rin si Ate Din sa tabi ko kasi tinitingnan niya yung ginagawa ko.
"Ay nako Ate Din dinodrawing niya yung crush niya." Si Julia yung sumagot habang nakahiga sa kama at hindi matanggal ang mata sa cellphone. Sa aming apat, siya ang pinakaactive sa social media.
Si Julia, sweet, sobrang daldal, mahilig sa Kpop. Chemical Engineering student, shiftee, classmates sila ni Rachel. May malaking crush kay Edward Seleno.
"Oy hindi ko to crush!" tanggi ko.
"Sus", sabay sundot ni Ate Din sa tagiliran ko dahilan para makiliti ako.
"Hindi nga kasi!" at nagtawanan silang dalawa habang si Rachel ay may sariling mundo, nakaupo sa kama niya at may ginagawang kung anong requirement sa subject niya.
"Sino ba kasi yan? Bakit mo dinodrawing?" pangungulit pa rin ni Ate Din na may tonong pangaasar. Magkaharap na kami ngayon. Nagdodrawing ako habang siya naman ay nagcocompile ng ewan kung anong mga papel yun gamit ang paper clip na hiningi kay Rachel.
"Cedric Dimaano. Taga North Ate Din." Binato ko si Julia ng eraser pero kahit ganon tawa pa rin siya ng tawa.
"Epal ka!"
"Bakit ako? Totoo naman, nakita kita kagabi sinesearch mo sa fb." pangaasar ni Julia at may pagsenyas pa ng finger heart (yung ginagawa ng mga Koreano).
"Patingin nga ng picture." Binigay ko naman yung picture sa cellphone ko na sinusubukan kong idrawing.
"Uy pogi bhe!" - Ate Din
"Di ba, di ba!" - Julia
"Uy patingin nga." Nakisali na rin si Rachel. Inabot ni Ate Din yung cellphone ko kay Rachel kahit hindi pa siya nagpapaalam sakin.
"Huy El pogi nga!" Hays, sumali pa 'tong si Rachel -_-"
"Akin na nga!" Ang ibig kong sabihin ay ibalik na nila sakin yung cellphone ko.
"Sus, oh! Di naman namin aagawin." Ibinalik ni Ate Din sakin yung cellphone. "San mo ba nakilala? Yan?"
"Hindi ko siya kilala, personally." sagot ko.
"Eh?!" Sabay sabay silang tatlo.
"Nakita ko nga lang sa fb."
"Pano mo nahanap?" - Ate Din
Ngingiti-ngiti lang ako. 'Em so proud HAHA
"Dinaig mo pa si Julia mangstalk" - Ate Din
"Hindi ko siya in-stalk! Pero parang ganon na nga 😅 -- Ganito kasi, si Sasa, yung taga jan sa kabilang unit --"
"Yung classmate mo?" pagputol ni Ate Din sa kwento. Nakatingin lang sakin si Julia, naghihintay ng kwento. Akalain mong mapapatigil mo siya sa pagtitig sa cellphone niya. Ramdam kong sa likuran ko ay naghihintay din si Rachel sa kwento ko.
"-- opo, pero hindi kami close. Yun nga, si Sasa may boyfriend na taga North. Tapos narinig ko sa classroom, pinaguusapan nila na may pablessing yung boyfriend niya kasi bagong lipat ata sa bagong bahay nila. Ininvite siya, so pumunta siya nung Friday, kaya galit na galit si Tropa dahil hindi nag-log out sa log book hindi naman pala uuwi sa dorm. -- "
"Luh, kaya pala badtrip si Tropa nung magche-check na satin. Bwiset yun!" -- Julia
Si Tropa a.k.a. Bernadette, dorm manager. Tomboy. Masungit. Tuwing may sasabihin siya, hindi mo alam kung pinupuri ka niya or pinapagalitan. Araw-araw may dalaw. Galit sa mga may jowa. 😔
"-- Haha, oo. Tapos ayun, nag-upload si Sasa ng pictures kagabi. Meron dun na picture yung boyfriend niya, may mga kasama, tropa siguro, tapos yun nakita ko siya. Chineck ko kung sino mga naka-tag. Tapos tiningnan ko yung photos niya. Yun nagsave ako ng ilan kasi balak ko nga idrawing. Pagpipilian ko sana alin mas madali idrawing."
"Tss, edi crush mo nga. Tanggi pa." -- Ate Din
"Hindi ah. Artist ako, subject siya." At nagtawanan silang tatlo. 😑
"Wag ako bhe." -- Ate Din
" So anong nakita mo sa profile niya?" -- Julia
"Wala. Antipid. Walang masyadong posts."
"Ano ba yan boring!" -- Julia
"Ang alam ko lang pangalan niya, Cedric G. Dimaano. Mechanical Engineering senior sa North University. Mostly ng pictures ay naka-tag lang siya."
"Pero subject mo siya? Cool." sabay utas ng pagtawa si Ate Din na sinundan ni Julia. Alam kong nangingiti din si Rachel, nagpipigil lang yan.
"Yieee si El, pumapag-ibiiiig HAHAHA. Cedric Dimaano! Cedric Dimaano!" -- Julia
Nilagyan niya pa talaga ng tono yung "Cedric Dimaano"
"Huy, wag kang maingay! Pag narinig ni Sasa!"
"May codename ka?" -- Julia
"Anong codename?" -- Ate Din
"Ate Din sa panahon namin binibigyan ng codename ang crush para safe pagusapan sa public." -- Julia
"Siraulo ka, isang taon lang tanda ko sa inyo oy!" at muling tinamaan si Julia ng lumilipad na magazine mula kay Ate Din. Natawa na lang ako.
"Aw!"
"Mmm... ano na lang, 11."
Tiningnan ako nung dalawa."Kasi ako si El. Eleven." Umalis si Ate Din sa harapan ko at umakyat sa kama niya (sa taas ng kay Julia). Bumalik si Julia sa pagscroll sa cellphone niya. Napatawa si Rachel ng mahina.
"Kaka-Netflix mo yan!" - Ate Din
"Huy, mahirap namang hulaan ah!" at hindi na nila ko kinausap.
Bakit?
Itinuloy ko na lang yung ginagawa ko.
Sa totoo lang habang tinitingnan ko yung profile niya, nainspire ako sa timeline niya. Meron kasi siyang isang shared post doon, na sakto sa sitwasyon ko nung time na yun. Para bang yun yung mga salitang kailangan kong marinig noong mga oras na yun. Mga salitang nagmula sa kanya, indirect nga lang.
Curious lang naman talaga ako noong una. In fact, lahat ng nakatag sa picture na yun ay tiningnan ko ang profile. Nagkataon lang na nainspire ako sa timeline niya. Kaya naisipan kong idrawing siya. Bonus lang na pogi siya.
Pero oo na. Kinilig ako ng konti kasi pogi siya. Psh 😑
BINABASA MO ANG
The Moment I Came To Like No. 11
Kısa HikayeSa bawat pagguhit ng lapis at pagkalat ng mga tinta, umaasa na ang sarili ko ay makita. Ang bawat larawang binuo ng pagaalinlangan, tanging kasiguraduhan ay nasa iyong mga mata. ~ Para kay 11 Ang lungkot na tinatago sa'yong mga mata, sa bawat pagngi...