Lumalalim na ang gabi pero hindi pa din ako maka tulog kaya napag desisyunan kong mag lakad lakad na muna.
Naisipan ko na ding dumaan sa isang convenient store para maka bili ng inumin.
Palabas na ako ng matanaw ko si Ms. Amesyl.
Hindi pa ako sigurado nung una kung sya nga ba iyon.Kaya nilapitan ko sya para kamustahin, Bahagya akong natigilan ng napansin kong para syang umiiyak.
"Hey, Ms. Amesyl?" Tawag ko sa kanya dahilan para mapansin nya ako.
Bigla nyang pinunasan ang kanyang mga luha at bahagya nya akong tinalikuran.
"What's wrong? Gabing - gabi na, Anong ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ko sa kanya, Hinarap nya na ako ng bahagyang may ngiti.
"Wala nag papahangin lang" At nag lakad na sya, Sinundan ko sya para malaman kung uuwi na ba sya o baka kung saan pa ito mag punta.
"May problema ka" Ani ko sa kanya.
Napa hinto sya sa sinabi ko at tiningnan ako ng matalim. Ayan nanaman ang tingin na lagi nyang binibigay saakin sa tuwing makikita ako.
"Pakialam ba ng isang katulad mong paasa kung may problema ako?!" Inis nyang sabi saakin.
Napansin ko ding na nginginig ang kanyang mga kamay. Mukha nanaman syang iiyak.
"Kung ano man yan, Maaayos din yan." Sabi ko pa sa kanya.
Hindi na siguro nya napigilan ang sarili kaya napa iyak na sya. Agad ko syang niyakap, Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa pero alam kong kailangan nya ito.
"Bwesit ka Blood! Bakit kaba nang yayakap?!" Asik nya saakin habang umiiyak.
"I don't know either. Maybe kailangan mo ito?" Sabi ko na lang sa kanya habang naka yakap pa din.
Ngunit bumitaw na sya at hinarap ako.
Kitang kita sa mga mata nya ang inis saakin."Salamat na lang! Hindi ko kailangan ng yakap galing sa paasang kagaya mo!" Aniya.
"Ano ba kaseng problema?" Tanong ko sa kanya.
"Wala kana dun! Uuwi na ako saamin" Mahinahon nyang sabi.
Naglakad na sya palayo saakin pero sinundan ko pa din sya. Mukhang umiiyak nanaman ito. Binilisan ko ang pag lalakad para maabutan sya.
"Hatid na kita sainyo" Pilit ko sa kanya at sinabayan sa pag lalakad.
"Ang kulit mong paasa ka, Bahala ka sa buhay mo!" Inis pa ring sabi nya saakin na tuloy lang sa pag lalakad.
"Kung ano ano man ang problema mo, Sigurado akong maaayos yan" Sabi ko sa kanya na napansin na mukha nanaman syang iiyak.
Malapit na kami sa kanilang bahay kaya huminto na ako sa pag lalakad at tinanaw na lang syang makapasok sa gate. Bago isara ni Amesyl ay tiningnan nya ako at bahagya pa syang yumuko bilang pagpapa salamat siguro.
BINABASA MO ANG
Jerson Ken Blood, Random Point Of Views
FanfictionJerson Ken Blood is from the story of My Husband Is A Mafia Boss written by Ms. Yanajin/Yanalovesyou.