Nandito na kami sa party ng mga Roswell at napag desisyunan ko munang makipag usap kay Lionhart para sa isang mahalagang bagay.
Naka rinig kami ng isang malakas na pag sabog kaya dali-dali akong pumunta kung nasaan ang aking anak at asawa.
Bago pa ako makarating kung nasaan si Emerald at Camilla ay may biglang bumangga saakin. Madilim ang paligid dahil nawalan ng kuryente.
Naramdaman ko na may hawak syang baril.
Naging mabilis ang kanyang pag galaw, Naramdaman ko ang hapdi sa aking labi at malasahan ko ang dugo mula rito nang ihampas nya saakin ang hawak na baril."Who the hell are you?!" Bulyaw ko sa kanya
"Malapit na ang katapusan nyong lahat ang Roswell, Yaji at ang black organization" Aniya habang naka tututok saakin ang kanyang baril.
Naging mabilis ang pag kilos ko. Bigla kong inihagis sa kanya ang isang maliit na kutselyo na naka tago sa suot kong suit.
Tinamaan sya sa kanyang tagiliran at bigla naman nya akong pina putukan pero mabilis akong naka tago sa isang lamesa.
Dahan dahan ko syang nilapitan nang maaninag ko syang hirap kumilos.
Sinipa ko ang kanyang sugat sa tagiliran dahilan kung bakit nya na bitawan ang baril na hawak at agad ko itong dinampot."Who's your boss?" Tanong ko sa kanya at tinutok sa kanya ang kanyang baril.
"Wala kang malalaman saakin kahit pahirapan o patayin mo pa ako." Naka ngisi nyang sabi.
"Is that so? Alright we will find out as soon as possible who's your boss" At walang pag aalinlangan kong ipinutok sa kanya ang baril dahilan para takasan sya ng kanyang buhay.
Biglang sumindi ang mga ilaw kaya mabilis akong nag lakad papunta sa aking mag ina.
Naririnig ko ang mga kumusyon ng mga tao. May mga iilang bangkay na natag puan.
"There's two women daw. Ang alam ko mga malalapit ito sa mga Roswell"
Narinig ko pang sinabi ng isang babae kaya lalo ko pang binilisan ang pag lalakad.
BINABASA MO ANG
Jerson Ken Blood, Random Point Of Views
Hayran KurguJerson Ken Blood is from the story of My Husband Is A Mafia Boss written by Ms. Yanajin/Yanalovesyou.