Partue 9

1.3K 65 10
                                    

Nakaupo ako malapit sa swimming pool habang nagiisip, hindi kaya ng braincells ko yon siempre nagulat at medyo natuwa kasi this my first time living in a mansyon for one year. Hindi naman ako desperada sa BTS nayan, hindi ko din ginusto kaya sorry nalang sa fans nila na hindi pa nakikita yung BTS.

"Why are you here?" Napalingon ako ahh si Jimin. Gabi na din kaya nakakapag taka na nandito pa ako, pero gising pa sila at naglalaro lang sa loob ng video games.

"Pake mo ba? Actually my gusto akong sabihin" sabi ko at tumabi siya sa akin napalayo naman ako, delikado na baka may mangyari pa.

"Ano bayon?" tumingin siya saakin kaya napaiwas ako ng tingin. "Hindi dahil nakikitira kami dito ay mag fe-feel at home na kami, Laura and I can help kapag mag babayad ng bills nakakahiya, minsan din ay tutulong kami sa gawaing bahay ang kalat na kasi atsaka-" hindi ko natuloy yung sinasabi ko dahil bigla siyang tumawa

"No need, mayaman kami, we can hire a maid para linisin ang kalat namin. Paying bills? Are you not updated na laging ubos ang album namin? Out of stock lagi ang mga damit na sinusuot namin lagi kaya, We don't need your help at all" sabi niya ng mayabang, sasampalin ko na talaga to

"Edi wag" tipid kong sagot at tumayo na. Akala mo naman kung sino.

"Wait..." sabi niya pero hindi ko siya pinansin. Pag kapasok ko ay dumeretso na ako sa kwarto, itong tutulugan namin ay guest room lang may dalawang kama doon kaya hindi kami magkatabi ni Laura at ayoko nga.

.......

A week has past pero hindi ko pa sila close ang mas nakakausap ko lang ay si Jin at si Jhope, sa pagmamake up naman ay hindi na masyadong mahirap.

Nasa Backstage ako at nakikita ko yung mga kpop idols na nagpapractice para sa event mamaya, minemakeupan ko din yung ibang idols.

"Chae.." lumingon ako at nakita ko si Suga na iistress na. "samahan mo ko" sabi niya at hinila ako sa hindi ko alam na direksyon siempre gulat si ako kaya tinanong ko kung anong gagawin namin pero hindi niya sinagot.

Pagkapasok namin sa room nakita ko yung mga staff na kumakain, "kumain kana" sabi niya at iniwan ako, kakain lang pala

....

Lumipas ng mga one hour natapos kami kumain at babalik na sana ako sa backstage ng makita si Jungkook na kasama si.... Yeri omg nagtago ako sa likod.

"sabihin na kaya natin yung totoo" narinig kong bulong ni Yeri na rinig na rinig ko naman. Napailing si Jungkook at hinawakan ang kamay nito.

"ayaw ko... Ayaw kong nakikitang masasaktan ka ng iba pag nalaman na nila ang totoo, I really love you but..." nagulat ako sa narinig kaya napaatras ako at nasanggi ko yung basurahan yari...

"Sino yan?" tanong niya na papunta na saakin

Patay na......

.
.
.
.
.
.

No copyright spread originality. ❤️

Living with Bangtan Boys|Tagalog ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon