stream 'Dynamite'.
.........
........
.......
......
....
...
..
.Meron..." nabilaukan ako sa chocolate kong kinakain at napatahimik lahat, tinignan ko naman si Jhope na nakatakip ng bibig at pinipilit hindi tumawa, anong nakakatawa doon? inamin lang naman ni Taehyung na gusto niya ako. Kung panaginip to? Gusto ko ng magising
"akong-" hindi natapos ang pagsasalita ni Taehyung ng may tumakip sa bunganga niya na si Jhope
"Wala ng salita salita, inaaresto kita sa salang pagnanakaw sa Girlfriend ni Jimin" kunwaring pinosasan ni Jhope si Taehyung at dinala sa malayo, tinignan ko naman ang reaksyon nila
Yung mag-jowa walang pakielam, Sila Namjoon naman nakatulala at si Laura nakatingin lang saakin
"Ikaw na!" galit na sabi ni Laura at umalis, anong ako na? Ako na ang masusunod na mamamatay, ayoko pa noh
"Lasing na ata yan, ibalibag na yan" sabi ni Namjoon ata agad ko siyang hinampas sa braso, kami nalang ang natitirang matino. Sila Jungkook lasing na din at natutulog katabi ni Miss Yeri na sabog na sabog na.
"Unahin muna natin toh, tapos iwan na natin sila" sabi ko habang turo-turo sila Jhope, Jimin, Jhope at Taehyung.
"Okay tara" sabi ni Namjoon at binuhat si Jungkook, inalalayan ko naman si Miss Yeri at pagewang- gewang kami pabalik sa room nila
"Alam mo ipaghilaway muna natin tong dalawa baka may gawin" sabi ni Namjoon at napatango ako. Natulog muna si Jungkook sa room ni Namjoon at saakin naman si Miss Yeri
"Alam niyo ang bigat niyo rin" tumawa lang siya at napatango, inalalayan kosiyang makahiga sa sofa, ano siya special papahigain ko sa kama ko?
"Alam mo may sasabihin ako sayo hahaha pero ayoko na. Goodnight" sabi ni Miss Yeri at natulog na. Kung alam lang talaga nila pinag-gagawa nila kanina,
...
9:00pmNakatulala ako habang nakahiga sa kama, napag isip-isip ko na baka lasing lang si Taehyung. Halata naman sa mukha niya kasi natatawa din siya kanina,
Naalala ko si Laura, asan na kaya yun? Ehh magkasama kami dito, agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya
Agad niya namang sinagot ang tawag at narinig ko siyang naiyak
"Hoyy iyak pa more ang mga lalake dapat hindi iniiyakan" mahina kong sabi at malakas siyang umiyak pero iniyakan ko din naman ang mga lalake, shh kalang
'Masasabi mo yan kasi ikaw yung minahal' narinig ko sa kabilang linya ang boses niyang paos na boses
napatahimik ako at kumagat ng apple, lalo siyang umiyak at nagsalita
'Gusto ka ni Tae, yung lalakeng pinapangarap ko' hagulgol niya, napaupo ako at napasandal sa hoverboard
'Ang sakit Chae, one sided love yun pero alam kong wala kang kasalanan, hindi naman mapipigilan ang pusong magmahal' dagdag niya pa at tumahan na siya kakaiyak, as if naman na may gusto ako kay Taehyung, crush oo kasi sino bang hindi diba? Alam mo yun, pero walang feelings as in.
"lasing yun, atsaka hindi naman ako gusto non sa itsura kong ito. Wag ka magalala irereject ko" tawang sabi ko at napatigil ang hagulgol niya sa kabilang linya. Irereject ko talaga siya ehh akyat-bahay yun.
'sanaol nagrereject lang pag may nagkagusto sayo' binabaan niya ako at napirap lang ako, anon gagawin ko? Sana bukas makalimutan na nila yung mga nangyare ngayong gabi
...
"Aray ang sakit ng ulo ko..." nagising ako ng marinig na nagsalita at kumalampag, ang aga-aga ehhh natutulog pa ako.
"Gising kana" sabi ko habang nakapikit padin, niyakap ko ang unan ko at matutulog sana
"May gamot ka pang- hangover, wait..." nagising ako at tinignan siya, anong meron
"Bakit ako nandito?!" sabi niya at tinignan ang sarili niya, as if naman na may ginawa akong masama
"Hala, nako, Miss Yeri kung alam mo lang ginawa mo kagabi" sabi ko habang tumatawa, napatingin siya saakin at parang kinakabahan
"A-alis na ako"sabi niya at patakbong lumabas ng pintuan, tumawa lang ako. Kala niya siguro pinagtripan ko siya
....
9:00 amNakahiga ako habang nanonood ng balita, puro nalang patayan at giyerahan. Wala ng kapayapaan ang mundo
Mabilis kong nilipat ang channel at nanuod ng Peppa pig, paborito ko kasi yun. Kumain na muna ako ng cereal habang nanonood
"Hala! Bakit nahulog sa kanal si Daddy pig, ang baduy nito lipat nalang" sabi ko at pagkalipat ko ay drama naman
Habang kumakain ako, may kumatok sa pintuan ko. Agad ko itong binuksan at nakita ko si Jungkook na parang kakagising lang
"Anong ginawa niyo saamin kagabe?" tanong niya habang ginugulo ang buhok niya, aba may balak pasiyang magalit ehh dinala nga namin sila pabalik sa hotel room tapos ganiyan
"Pasalamat ka, hindi ka namin iniwan hindi katulad nila J-hope na iniwan namin doon" isasara ko sana ang pintuan ng pigilan niya ito at tinignan ako sa mata
"Where's Yeri?" tanong niya ulit at napabuga lang ako sa hangin
"Nangaliwa na, a-ang ibig kong sabihin kumaliwa siya kasi diba doon naman daanan ng room niyo
Agad siyang naglakad ng mabilis at binagsak ko ang pintuan, ay oonga pala mahal tong pintuan nato. Sorry sa may ari nagalit lang talaga ako
Nagsorry ako malapit sa CCTV at pumasok na sa loob, habang naghihintay ako na may tumawag saakin kasi mag-gagala pa kami, may tumawag saakin at agad itong sinagot
'May nangyaring masama kay Yeri, please come to our room it's urgent' pagaalalang sabi ni Jungkook, hayss malas naman ng trip na ito
.....
No copyright spread originality.💜
BINABASA MO ANG
Living with Bangtan Boys|Tagalog ff
FanfictionLiving with BTS is a dream come true to fans, but what kind of nightmare is this? ... Lee Chae is a make-up artist from the Philippines, she moved out to her homeland and continued her journey in Korea. ........ 𝙛𝙞𝙧𝙨...