Napilingon ako ng may gumulat sa likod ko, "J-hopeeeeeeeeeeeeeee." sabi ko at nakipag- high five sakaniya. Kasama niya lahat ng members at andito din si Kiallie magkaakbay pa sila ni Jimin? Talaga lang Hah, ano bang pakialam ko sakanila andito kami para sa investigation.
Tinulungan kong tumayo si Laura dahil ang bigat niya at hindi niya kayang tumayo mag-isa.
"Saan si Miss Yeri?" tanong ni Laura habang cool na nakasandal sa pader at tinitignan sila ng cold, ang hot niya--- Ayy wait bestfriend ko ito.
"Hindi naman siya dawit dito, hindi nga nag-message sa group chat. Wala siyang kinalaman, bakit idadamay niyo siya?? Mabuting tao yun. Kaya nga na-inlove ako sakaniya... Oh anong tini-tingin tingin niyo baka tusukin ko mga mata niyo."
Nagulat kami kay Fetus. Wala na siyang galang, pabatok nga.
Ano bayan parang tanga edi wala siya dito, pwede naman sabihin yun diba. Atsaka alam kong wala naman talaga siyang kinalaman.
"Hoy, Jk. Kahit wala siyang kinalaman dito kasali padin siya sa GC. Tanga kaba? Eh paano kapag siya yung--- Hayss basta! Naiistress na kami dito ni Chae. Eh kayo pa easy-easy kasi artista kayo, ganiyan-ganiyan, may body guard, chuchu!"
"Anong pa easy-easy? Mayroon din kaming privacy na dapat hindi mabunyag, pati yung image namin na maayos siempre hindi namin sisirain yun." mahinahon na sabi ni Yoongi pero halatang nagagalit ito. Gagi anong gagawin ko kahit magtwerk pa ako sa harapan nila mahirap ayusin ito.
Lalo na kapag kasama si Yoongi sa away, nako nakakatakot.
Dahan-dahan na tumahimik ang atmosphere pati si Laura na kanina pa nag r-rap.
"hey guys stop fighting, umm hindi naman natin maayos kapag ganiyan kayo." biglang salita ni Kiallie at sabay-sabay namin siyang tinignan.
"Wag ka ngang mangialam."
Sabi ko at napahawak si Kiallie sakaniyang dibdib at nakanganga ito, mukhang na-offend, ayt deserve.
"Tama si Kiallie, hindi ito maayos if y'all fighting... Marami pa akong gagawin." aba't sumabat pa ang pandak, kinampihan pa nga. Hambalusin kita eh.
"Edi Wow..." bulong ko, nagulat ako ng inakbayan ako ni Jungkook. Umirap ako sakaniya at tinanggal ko ang braso niyang napakabigat.
...
Kumalma na ang lahat pero nasa labas pa rin kami ng room ko at hinihintay ang sasabihin ng mga police. Delikado nga dito eh, at baka masaktuhan pa na may mga Fans dito at pagkaguluhan sila.
"This room is dangerous. Wala munang papasok habang hindi pa naayos ang investigation." sabi ni Officer Kim at isinarado ang pintuan ng room ko. Kay Laura muna ako titira.
"Officer, Andiyan po yung mga damit ko." sabi ko at napakamot ng ulo, "Ahh oonga pala." sabi niya at pumasok sa loob.
"Akala ko ba, bawal hawakan ang mga gamit or pumasok. Bakit nila kukunin damit mo?" Tanong ni Jin pero umiling nalang ako dahil ko rin alam.
"Bakit ako tinatanong mo? Mukha ba akong pulis--"
"K-kayo ba ang B-BTS!!??" nagulat kami ng may biglang lumapit na babae saamin at tumatalon talon ito sa harapan namin.
"Hindi ba obvious?" tanong ni Taehyung pero agad siyang siniko ni Laura at nilakihan ng mata.
"Oh bakit nanaman? Aray! Siempre BTS kami duh---" agad na tinakpan ni Jungkook ang bibig ni Taehyung at nagsisigaw na ang babae.
Pinagmasdan ko ang babae, naka yellow itong t-shirt at nakapalda na stripes. May hawak itong camera at pinagpipicture ang members ng BTS, teka nga parang may mali.
Tatakbo sana ang babae papalapit sakanila pero agad ko itong hinarangan. "Matagal ko na kayong hinihintay." sabi ng babae habang ito ay nakangiti. Inagaw ko sakaniya ang camera niya. Dumeretso ako sa gallery at pinagdedelete ang pinicture niya.
Pilit niya itong inaagaw sa akin pero matangkad ako eh, so nahirapan siya. "Akin na yan!! Sino kaba?" tanong niya, napangisi ako para mawala ang ang aking kaba.
"Body Guard nila, bakit?" sagot ko at tinignan ang iba niyang pictures, nagulat ako ng may nakita akong pamilyar na bagay sa picture. Keychain...
Yung Keychain!!
Nag-scroll pa ako at nakita ko ang picture ng maleta na pinadala saakin. Taena...
Hindi lumalapit sila Laura at dahan-dahan silang umalis sa lugar dahil nag cau-cause na ng gulo dito at marami ng lumalabas ng kanilang room. Siguradong uuwi ng mga iyon.
Problema ko ito kaya ako ang aayos.
"Ikaw ba?!!" tanong ko, saktong lumabas ang officers sa room ko. Napangiti ako at ipinakita sakanila ang mga pictures na kinuha ng babae. Huli ka...
"Anong ako? Teka wag niyo akong hawakan, aray!!" sabi ng babae habang hinahawakan siya ng pulis at siguradong idederetso na ito sa Police Station, hay salamat nahanap na rin...
...
12:00 pm"May nagpadala ng maleta kay Miss Chae at kaparehas sa mga pictures na kinuha mo. May Keychain pa." sabi ni Officer Lee habang tinitignan ang mga pictures.
"Investigate her bag." sabi ni Officer Lee at nagsilapitan ang ibang police at inenspect ang bag nito.
Dahan-dahan nilang nilabas ang mga laman nito. Napkin, Lipstick, wallet at mga photocard lang ng BTS ang nakita ko. Tumingin si Officer Kim sa babae at tinanong ito, "Ilang taon kana?"
"17 po."
"Sa iyo ba ang camera na ito."
"...um. Hindi ko naman po siya ninakaw nakita ko lang sa isang table sa pinagtatrabahuhan ko, naiwan ata." sabi niya at napakamot ito sa ulo.
"Wag kanang magsinungaling please, sumuko ka na." sabi ko at umupo sa harapan niya. Ganito ba sila kasama? Yung mga bagay na ginawa nila idedeny pa talaga. Sobrang sinungaling nila.
"Wala akong dapat isuko. Wala kayong evidence laban saakin! Yang pictures hindi saakin yan! Napulot ko lang! Kung ayaw niyong maniwala--- please maniwala kayo saakin!" sabi niya at nakita kong may mga luha ng tumutulo sa mula sa mga mata niya.
"Matino akong estudyante, nakatira lang ako sa apartment malay ko bang madadaanan ko ang BTS members! Hindi ako magpapadala ng putol na kamay sa isang tao, ano ako tanga?!" paliwanag niya.
Napansin kong hindi nakikinig ang mga Officers at patuloy lang sila sa pag-scroll sa camera. "Ikaw ba ito ineng?" tanong ni Officer Kim at sinilip ko ang picture.
Babae ito at nakablack. Nakaupo ito sa tapat ng Bighit Building... Teka kilala ko ito.
"Bitawan niyo ako!!!!" napalingon ako ng biglang may sumisigaw na babae, teka ito yung babaeng naka-black na inaway kami ha!
"Nahuli na namin ang may sala."
....
(ᕙ[・・]ᕗ)
BINABASA MO ANG
Living with Bangtan Boys|Tagalog ff
FanfictionLiving with BTS is a dream come true to fans, but what kind of nightmare is this? ... Lee Chae is a make-up artist from the Philippines, she moved out to her homeland and continued her journey in Korea. ........ 𝙛𝙞𝙧𝙨...