Partue 15

1K 62 10
                                    

Sorry for slow ud : (

.............
............
..........
........
.......
......
....
...
..
.

Mabilis kaming tumakbo papunta sa hindi ko alam na lugar. Agad kaming nagtago malapit sa swimming pool, dito pa talaga siya nagtago ha, madami pang tao. Paano kapag sasaengs tong mga toh? Corner na kami.

Tinignan ko siya at hawak-hawak niya parin ang kamay, agad kong tinanggal ang kamay na nakahawak sa kamay ko

"Aalis na ko bye" sabi ko at umalis, nagulat ako sakaniya dahil nakasunod na siya saakin

Agad ko siyang tinulak palayo, mamaya pagkamalan kaming mag-jowa. "Bakit ka pa sumama?" tanong ko habang naglalakad pabalik sa room ko. Mabilisan kong tinali ang nakalugay kong buhok.

"Where do I need to go?" sarcastic niyang sabi at umirap, oonga naman, kung hinayaan ko siya doon pinagkaguluhan na siya ng mga sasaengs

"Edi wow, alis na" tulak ko dahil nandito na ako sa room ko at tumingin sa akin

Hinila niya ako at binuksan ang pintuan ng room ko, omg! Rarape-in niya ba ako

Pagkapasok namin ay agad niyang ni sinara ang pintuan, tinignan ko naman siya habang taas-taas ang kilay ko

"Hoy Jk! Anong ginagawa mo dito!" napilingon ako sa babaeng sumigaw, nakatapis lang ito at basa pa ang buhok

Agad na tumakbo si Jungkook sa labas ng makita niya si Laura na ganon, malakas akong tumawa at nakaseryosong mukha lang si Laura habang namimili ng susuotin niya

" Hahah may masama pa siyang balak saakin ha! Karma siya" sabi ko at humiga sa kama, tumingin ako kay Laura nagmamake-up na siya

"Saan lakad?" I asked habang kumakain ng chocolate bar na nakatago sa bag ko, ewan konga kung sino naglagay

"Gaga! Nasa Jeju tayo, siempre dapat maganda" sabi niya at umirap, umupo ako sa tabi niya

"Alam mo, kayo ni Taehyung-" hindi ko natapos ang sinabi ko ng inunahan niya ako

"bagay?" sabi niya at tuwang-tuwa, umirap ako sakaniya, landi talaga

"Kayo ni Taehyung tao kayo, hindi kayo bagay. Tao kayo" paulit-ulit kong sabi at ngumiti sakaniya

....

Kakarating lang namin sa beach at si Ateng Laura ay nakabikini at tingin ng tingin ang mga lalake sakaniya. Nagsuot lang ako ng rush guard at short kasi mainit baka umitim ako.

"Tara swimming na!" sigaw ni Jhope habang hinihila ako, nakasuot siya ng salbabida na pangbata at tinawanan kolang siya

"Kakain muna ako" sabi ko at sumandok ng kanin, nilagyan ko ng bangus ang dahon ng saging at kumain gamit-gamit ang kamay

"Ang dugyot mo, baba monga yang paa mo" sabi ni Laura at umirap lang ako sakaniya

"Tradition to ng Pilipino, kung sa bagay mayaman ka!" mataray kong sabi at sumubo nalang ng pagkain

"Let's Swim!" nabilaukan ako ng may sumigaw, si Miss Yeri pala. Tumayo ako mabilis na inubos yung pagkain kanina pa kasi ako hindi kumakain.

Umakbay ako kay Namjoon, grabe ang gwapo niya sa suot niyang sando at shorts. Siempre tamang lapit lang sa gwapo.

" Beke nemen Namjoon" malandi kong sabi, napalayo ako ng dumating si Jin, nako baka magalit yun sakin.

Tumingin ako sa kanan andoon yung magjowa, edi sila na. Pagkatingin ko sa kaliwa ay magkasama yung dalawa sila Taehyung at Laura, saan ako titingin ha? Nilalanggam na ata dito. Tumabi nalang ako kay Jimin na magisa at sumimangot lang ako.

Nagrent kami ng private beach para walang gambala, mababait naman ang mga tao dito. Dahan-dahan akong tumapak sa tubig, ang lamig. Nagulat ako ng may tumulak saakin at nabasa na ako

"Bwisit ka talaga!" sigaw ko at hinabol si Taehyung na tumulak saakin, Nagtutulakan na kami at sabay kaming natumba sa tubig

Napamulat ako dahil nakapatong siya saakin at ang lapit ng mukha niya, bakit ang init? Ehh malamang nasa beach ka.

Mabilis ko siyang hinampas at tumayo, binelatan ko siya at umirap

"Bastos" sabi ko at lumayo, napalingon ako ng may marinig nanamang sumigaw, ano ba ito?

"So mayroon tayong games!" sigaw ni Miss Yeri habang nasa tubig siya, lumayo nalang ako at bumalik sa tent para kumain.

Food is life ika nga. Pagkapasok ko at agad kong nakita si Yoongi na natutulog, ngumiti ako at nagpatugtog ng malakas

"Hoy patayin monga yan o papatayin kita" sabi niya at kumamot sa ulo niya, mabilis kong sinara kasi sabi ni Jin kung ano daw yung sinabi ni Yoongi totoo daw yun, ayaw ko pang mamatay no madami pa akong plans sa buhay

....
7:00pm

Nagsibalikan na sila sa tent at kumain, kami naman ni Yoongi ay natulog magdamag dahil ayaw naming mapagod. May pupunta pa kasi bukas, Manjanggul Cave.

"Say ahh" nakita ko na sinusubuan ni Miss Yeri si Jungkook, edi kayo na sweet diba?

Napatingin nanaman ako sa magjowa ng nagtawanan silang dalawa, mahal talaga nila ang isa't isa tapos nilalandi pa ako ng jowa niyang si Jungkook.

"Cheers!" sabi ni Jhope at sabay sabay naming dinikit ang baso naming may laman na beer, for all this time ngayon lang gumising si Yoongi. Ano bang nagagawa ng alak para magising yan?

"Grabe lashing na ako" sabi ni Laura at sumandal kay Taehyung, tumabi naman saakin si Jhope at tumagay lang

"Truth or Dare tayo" naglabas si Jin ng bote at nilagay sa gitna ng lamesa, humiga naman ako para hindi madawit sa mga kalokohan nila

Pinaikot ni Jin ang bote ng alak at tumapat kay Taehyung, tumawa naman sila Namjoon ng mapili si Taehyung, napabangon ako at sumandal.

"Truth or hahalikan mo si Jin" tawang sabi ni Jhope at hinampas siya ni Jin sa braso

"bakit mo ako dinadawit diyan!" sigaw ni Jin at pinagtatawanan lang siya

"Truth" maikling sabi ni Taehyung at nagisip naman si Jhope

"May gusto kaba kay Chae?" nagulat ako ng biglang nadawit ang pangalan ko, malamang wala. Magkaaway kami niyan ehh

"Meron..." nabilaukan ako sa chocolate kong kinakain at napatahimik lahat

Tangina....

....
No copyright spread originality. ❤️

Living with Bangtan Boys|Tagalog ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon