"Maligo na tayo." pagkagising ko palang agad ko ng inaya si Laura na maligo, nakakahiya kaya. Wala pa naman kaming dalang extrang damit. Uuwi muna ako papasama ako sa pulis maligo, hindi sa cr ha.
Ginigising ko si Laura pero hindi man lang ito kumikibo at humihilik-hilik pa. Kaya tinakpan ko ang ilong nito, hindi din nagigising.
"Gaga ka, Chae." nagising ito at sinampal ang kamay kong nasa ilong niya. Bumukas na ang mata nito at napatulala lang ito. Hindi kasi siya morning person.
"Wag kanang tumulala diyan pinagtitinginan na tayo oh. Wake up sis." sabi ko habang tinutulak-tulak ito, ang dami na kasing nakatingin baka akalain nila na pulubi kami kasi kapag may missing na pulubi or person dito sila nag-sleep kapag may humahanap sa kanila, kinabukasan.
Hotel na ata tong Police Station.
Nag-mask muna ako para hindi makita ang haggard kong mukha.
Napatayo ako at pumunta sa opisina ni Officer Lee, yun yung police na nakausap namin kahapon. Nakita ko itong may kausap na babaeng police at nagtatawanan ang dalawa. Hindi pa ako pumapasok pero nakikita ko sila sa glass.
"Ano kaba, Officer Lee."
"Hindi nga, ang ganda mo today." narinig kong sabi ni Officer at kinilig ang babae. Nagulat ako, hindi ko inexpect. Kahapon lang sobrang seryose niya tapos ngayon may kalandian na?
Ito pa ba yung police na nakausap ko kahapon. Lakas-lakas pa ng boses pero hindi ko sila masisisi, alam ko feeling ng single.
Napatigil sila ng pumasok ako at nag-bow sakanila. Biglang naging seryoso ang mga mukha nito at bumalik sakanilang pwesto.
Lumapit ako kay Officer Lee at may tina-type ito sa keyboard niya. "Uhm pasama po maligo--" sabi ko at agad nag-react ang dalawa. Umiling ako at kinabahang tumawa.
"Ano?!" tanong ng pulis na babae at si Officer Kim pala ito nakita ko sa tag nila.
"Hindi po, I mean sa condo."
"Gusto mong samahan kitang maligo sa condo mo????" giit ni Officer Lee at tumango ako. Nanlaki ang mga mata nito at napakunot ako ng noo.
"Dalawa po kami ni Laura kasi ang baho na namin..." sabi ko habang nakangiti at naka-shock face padin sila. Kahit yung ibang mga ka-trabaho nila ay nagulat. Na-misunderstood ata nila.
"Hindi po sa bathroom noh. Pasama lang kami sa condo para maligo ganoon." sabi ko at nakahinga na sila ng maayos. Napainom ng tubig si Officer Lee habang nakatingin kay Officer Kim.
"Ngayon na po." sabi ko at napatango sila. Umalis na ako at dahan-dahan lamang naglakad dahil nakakatamad kaya.
Ewan ko nga kung bakit pa ako magpapasama. Natatakot lang siguro ako na mang-yari ulit iyon.
Pumunta ako sa Police Station at ako mismo ang nagdala ng maleta. Kahit na natatakot ako dinala ko na sakanila iyon.
"Tara na Laura--" napatigil ako ng makita na wala na siya sa bench. Saan nanaman iyon. Nakakatamad na kasing mag-lakad gosh. Bahala siya diyan, pupunta na ako kay Officer Lee nauna pa siyang lumabas kaysa sa saamin.
Pagkalabas ko tumama saakin ang malakas at malamig na simoy ng hangin para bang tatangayin ako, kahit tingting katawan ko na manage ko namang maglakad ng maayos papunta sa kotse.
Nakita ko rin na tatlo na ang kasama ni Officer Lee baka mamaya na magsisimula ang investigation, pagkatapos naming maligo.
"Chae, saan ka nagpunta? Akala ko nakid-nap kana." napakunot ako ng ulo at akmang babatukan siya pero naka-iwas naman ang gaga.
Wow, siya pa mismo nagsabi nun ha.
"Itutuloy na daw ang mission ayyy hindi--- ang investigation" sabi ni Laura at feeling detective, hindi naman kami mangingialam doon dahil baka makasira pa kami.
" Sinabihan ko na rin ang ibang members at kasama sa eggplant gc natin." Laura said while fixing her shoes na naipit sa paa niya, nakita kong may paltos siya at parang malaki pa ito.
"Anong sinabi mo?"
"About sa Investigation." nafefeel ko tuloy na nasa thriller movie kami at ako at si Laura ang mga bida. Mayabang kaming naglakad ng sabay papunta sa sasakyan ng pulis pero agad na nadapa si Laura.
"Okay na sana eh." sabi ko at napakamot. Pumasok na kami at umupo sa likod. Bale tatlo kami sa likod, ang bestfriend ko, ako at si Officer Kim. Tapos nagdrive si Officer Lee at Yung isa hindi ko kilala basta pulis din siya.
Malakas kong sinara ang pintuan at parang masisira na ito. Nagtinginan sila saakin at napasilip nalang ako sa labas ng kotse. Halatang galit ang mga pulis.
"Lumilipad pala ibon?" tanong ko kay Laura at umirap ito.
...
N
akarating na kami at mabilis talaga silang naglalakad halatang sanay na. Napapatakbo na nga kami ni Laura dahil nahihirapan kami sakanila.
Malaki kasi ang building ng apartment at medyo sa pinakataas pa kasi ang room ko kaya nag-elevator kami.
"6th floor po." sabi ko at pinindot ni Officer Kim ang button na 6.
Pagkatapos nun ay naglakad kami diretso sa Room ko, Room 663. Mabuti nalang talaga na hindi 666 yung room ko kasi baka hindi na ako makapunta ng langit.
Pero kawawa yung nakatira sa Room 666, sabi niya andami niya daw na experience na paranormal activity sa room na iyon.
Kaya pala lagi akong nakakarinig ng ungol at sigaw malapit sa Room na iyon.
"Yan na po Officer, hopya." sabi ko at binuksan ang Room ko. Bumungad saamin ang napakagulo at kalat-kalat na gamit ko.
Agad silang napataas ng baril at tinutok ito sa loob ng room ko, anong ginagawa nila??
"Wait parang may nakapasok na iba dito." sabi ni Officer Kim at pinaatras kaming dalawa, pati ako kinakabahan sa ginagawa nila.
Nakita kong nagpipigil ng tawa si Laura pero agad ko tong siniko at bumalik ito sa seryoso niyang mukha.
"Natural na makalat Room ni Chae pagpasensiyahan niyo na Officers. No need to worry safe naman po ito." napatango at tinago ng mga pulis ang baril nila pero napatigil ito ng may mapansin sila sa loob.
Basag-basag ang mga gamit ko at naaninag kong medyo naka-bukas ang bintana ko, teka hindi naman ako ganito ka kalat ha. Inangat ulit nila ang mga baril nila at pumasok na sa loob. Naiwan kami sa labas ni Laura dahil delikado daw.
Nakatulala lang kami at nakatayo sa gilid. Hindi ginagalaw ng mga pulis ang mga nabasag at pinagmasdan lamang ito.
Umalis ako na hindi ganito ka kalat, sa totoo nga naglinis ata ako 2 days ago.
Lumipas ang ilang minutong paghihintay at nakaupo na kami sa lapag.
Tinitignan lang namin ang mga taong dumadaan na hindi alam na may nangyayari palang investigation sa loob ng room ko.
"Teka, siya yung babae kahapon." turo ni Laura sa babaeng may dalang camera at naka-black padin ito, teka hindi ba siya naliligo.
Tatayo sana kami para harangin ito at kausapin dahil isa na siya sa suspect namin. Halata naman sigurong siya dahil marami siyang alam tungkol saakin at sa BTS.
Nang biglang.
"AHHH! GAGO!!"
...
tagal ko mag-update noh?
Sorry sa pagiging slow writer.
Nagkaroon na kasi ako ng motivation ngayon ih.
Salamat sa pagbabasa.
_svesven
BINABASA MO ANG
Living with Bangtan Boys|Tagalog ff
FanfictionLiving with BTS is a dream come true to fans, but what kind of nightmare is this? ... Lee Chae is a make-up artist from the Philippines, she moved out to her homeland and continued her journey in Korea. ........ 𝙛𝙞𝙧𝙨...