Dahan-dahang bumukas ang mata ko, napalingon ako sa paligid pero wala akong makita kundi puro puti lang, nasa langit na ba ako? Tapos na ba mission ko sa mundo? Omg ayaw ko pang mamatay hindi pa ako nagkakajowa
"Gising na siya" napalingon ako ng may makitang nakaputi na lalake sa gilid ko, huh asaan ba talaga ako? Mabilis akong bumangon pero may pumigil saakin. Nakaputi lahat ng tao, baka patay na ako, pero hindi sila natakot nung bumangon ako
"Nak wag ka muna bumangon" sabi niya at ihiniga ulit ako dito sa komportableng higaan na ito. Ano ba kasing nangyari, walang akong matandaan ni isa,
"Omg gising ka na" lumapit saakin ang babae at niyakap ako, napakunot ang noo ko at nagtaka kung sino ang babaeng toh
"Chae, anong nangyari?" sabi ng babae habang hawak-hawak ang kamay ko, agad ko itong tinanggal at tinignan siya
"Sino ka?" tanong ko. The girl awkwardly laugh at hinampas ako sa braso, sino ba siya at bakit niya ako hinahampas
"Si Laura tohh" sabi ng babae na ang pangalan ay Laura, napatango lang ako at hinampas niya nanaman ako
Laura's Pov
Hinampas ko siya ng malakas, napairap ako at hinawakan siya sa kamay, pag hindi pa ako maalala nito sasabunutan ko na talaga toh
"Naalala mo ako?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot, wow naman naaksidente lang snobber na. Tumawa lang ako at tinignan si Tita
"Tita anong nangyari sakaniya? Naapektuhan ba yung utak niya? Kung naapektuhan ay sana nga charr" tumawa saakin si Tita at hinawakan ako sa kamay
"Sabi ng Doctor may bagay daw na humampas sa ulo niya kaya nawalan ito ng malay," sabi ni Tita Clara habang tumitingin kay Chae na kumakain
"Paano naman nila nalaman? Sila ba ang humampas kay Chae?" Tumawa saakin si Tita at napailing siya
"Nalaman nila ito sa x-ray, sabi may mga bubog yung mga na naka dikit sa balat niya" napatango ako at tinignan si Chae na takaw na takaw sa pagkain niya
"Pero natanggal na daw ba? Tignan ko nga ulo mo Chae" sabi ko at lumapit sakaniyanpara tignan ulo niya, agad niyang hinampas ang kamay ko at humawak siya sa ulo niya
"Aray, wag mo hawakan ulo ko" natawa ako at lumapit sakaniya para yakapin siya, niyakap niya ako pabalik at biglang lumabo ang paningin ko at may mga tubig na tumutulo sa aking mga mata
Chae's Pov
"Namiss kita Chae" sabi niya at narinig ko siyang naiyak, ngumiti ako at pinipigilang hindi umiyak
"Wag ka ngang umiyak, hahampasin ulit kita" sabi ko at tumigil siya sa kadramahan niya, niyakap niya ako ng sobrang higpit hanggang sa hindi ako makahinga
"Laura sumosobra kana" umirap ako sakaniya at bumitaw na siya. Baka gusto akong patayin nito ahhh
"Kasi naman 3 days kang natulog ehh namiss kita" nanlaki ang mata ko at sumakit nanaman ang ulo ko, napahawak ako sa ulo ko at umiikot ang paningin ko
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Mama at napailing lang ako, ngumiti ako sakaniya
"Wala inaantok lang ako" sabi ako at napahiga ulit,
"Anak may gusto sana akong sabihin sayo" naramdaman kong may humawak sa kamay ko
"Ano yun ma?" tanong ko at lumingon ako kay Laura na parang lungkot na lungkot, sumakit nanaman ang ulo ko at nahihirapan ako ng huminga
"You need to Resign"
"Ma gusto ko na umuwi" napatango sila at bumalik ako sa pagkakatulog
.....
Pagkababa namin ng taxi ay inalalayan ako ni Mama na bumaba, hinang-hina ako sobrang sakit ng ulo ko. Umupo na ako at kinuha ang phone ko. Anong ba ang gagawin ko sa phone ko haysss ang bigat ng pakiramdam ko.
Bakit kailangan pang mag-resign, ehhh yun yung passion ko, mag make-up. Yun lang naman yung bagay na kinasasayahan ko. Bakit kailangan pang ilayo saakin lahat ng gusto ko. Bakit pa kailangan ilayo ang mga bagay na mahalaga saakin, bakit kailangan pa akong ilayo sa mga kaibigan ko.
Habang nanonood ako ng Netflix ay biglang nang ring yung phone ko, agad ko itong sinagot, Si Jimin.
"Kailan ka babalik?" sabi niya at napapikit lang ako
"Basta, babalik naman ako" sabi ko at hindi na nagsalita pa
"I miss you" natigilan ako at biglang bumagal ang ikot ng mundo
"Ano?" tanong ko at naramdaman kong uminit ang paligid
"Wala, basta pagaling ka. I can't wait to see you again. Pinapasabi saakin ni Hoseok Hyung na bumalik kana din daw" sabi ni Jimin sa kabilang linya, aba kahit na binubully ako ni J-hope araw-araw nakuha pa talagang mamiss ako,
"Aba tama ba narinig ko ?" sabi ko at ngumiti ng parang baliw, nakita ko si mama na nakatingin lang saakin habang nakakunot ang noo niya, agad akong nag- seryoso ng mukha para hindi niya sabihin na may baliw siyang anak
"May utang ka daw, he said that you need to pay him immediately" sabi niya at napasimangot ako. May utang pala ako kay J-hope, ano bayan akala ko na miss ako ng mokong na iyon
" Sige bye na, I love you"
sabi ko at hinihintay na ibaba niya ang tawag, napakunot ang noo ko at nagtataka,
"Ako na mag bababa" sabi ko at pinatay ang tawag napahiga ako pero narinig ko si Mama na tumatawa, hala anong nangyari
"Bakit?" tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay
"aba may boyfriend na ang anak ko" nabilaukan ako sa kinakain ko at tinignan siya, impossible walang nangliligaw saakin
"Gawa-gawa kwento si Mama" sabi ko at bumalik sa pag-scroll sa phone
"Ano yung I love you?" tanong niya ang she smile at me showing her deep dimples, napairap ako at umiling, kailan ako nag sabi ng I love you sa kausap ko. Nanlaki ang mata ko at napahampas ako sa noo ko, fuck it. Sinabihan ko lang naman si Jimin ng I love you
.....
3 days later"Anak sure ka na ba?" tanong ni Mama, hinawakan ko siya sa kamay at hinalikan sa pisnge, I need to, gusto ko kaya gagawin ko
"Mama gusto na bumalik sa trabaho ko, I will take care of myself" sabi ko habang nagsusuot ng sapatos ko, nilagay ko na ang mga gamot ko sa isang container at pinasok sa bag ko. Sabi kasi ng doctor pain reliever daw ang mga ito pero ang dami naman
"Kapag sumusumpong, inomin mo yan ahh. Wag ka magpapalipas ng gutom" she kissed my cheeks at niyakap niya ako ng mahigpit. I waved her good bye at sumakay na ako ng taxi
Habang nakasakay ako sa Taxi nagselfie ako, agad kong pinost sa instagram at nilagyan ng caption na #happyweek
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa gate, pagkabukas ko ng pintuan agad na bumungad saakin si Kiallie at Jimin,
Babatiin ko sana sila pero hindi ako makapag salita
Kiallie and Jimin are kissing each other.
.....
BINABASA MO ANG
Living with Bangtan Boys|Tagalog ff
FanfictionLiving with BTS is a dream come true to fans, but what kind of nightmare is this? ... Lee Chae is a make-up artist from the Philippines, she moved out to her homeland and continued her journey in Korea. ........ 𝙛𝙞𝙧𝙨...