♥ ♥ ♥Epilouge♥ ♥ ♥

40 2 5
                                    

♥ ♥ ♥Epilouge♥ ♥ ♥
"Sometimes you have to give up for the better."

Selene's POV

~♥~♥~♥~♥~♥1 month later♥~♥~♥~♥~♥~

Isang buwan na ang nakakalipas at pinakita saakin ni Rix kung gaano niya ako kamahal, bumalik kami parang dati nang una kaming nagkakilala.

Napagdesisyunan ko na hindi na ako aalis dahil sa pagpapakita saakin na pagmamahal ni Rix kaya kausap ko sila Ate Mary at Kuya Ruben tungkol sa desisyon ko.

"Kung sigurado ka na wala na kaming magagawa diyan, nakita narin naman namin lahat ng mga pagbabago niya nitong nakaraang buwan kaya papayag kami sa desisyon mo."

"Basta sabihin mo lang saakin kung may ginawa nanaman siya saiyo at ako mismo ang mag di-drive paalis saiyo at ang Ate Mary mo ang bahala sa patatakip saating dalawa."

"Okay po, sige na po aakyat na po ako para sabihin kay Rix ang desisyon ko at para sabihin ko na rin sakaniya ang totoo."

"O sya sige na at pumanaw kana para masabi mo na sakaniya yan" sabi ni Ate Mary na tinanguan ko lang saka ako umakyat papunta sa opisina ni Rix dito sa bahay.

Pag kapunta ko sa opisina ni Rix ay bukas ang pinto kaya tinulak ko lang ito pabukas at biglang nagbago ang desisyon ko.

Si Rix at Allina naghahalikan, mabilis akong tumalikod at pumasok sa kuwarto ko.

Kinuha ko ang malwta ko saka nilagay lahat ng damit ko dito habang naiyak." O ineng, ano nanaman nangyari saiyo kailangan ko na ba sabihan si Ruben?"

"Opo Ate Mary, akala ko mahal na ulit ako ni Rix ei, akala ko mag sasama na ulit kami at pang habang buhay na ito"

"Mali pala ako Mukhang mas gusto niya pa si Allina saakin nasa opisina niya n-nag ha-halikan sila doon!"

Yinakap ako ni Ate Mary habang si Kuya Ruben ay nakatayo sa pintuan"Ayusin niyo na ang gamit mo diyan at ihahanda ko na ang kotse aalis ka na ngayon sa lalong madaling oras ayokong masaktan ka lang ulit niya, hindi nalang ikaw ang mahihirapan."

Pagkatapos ni Kuya Ruben mag salita ay umalis na siya tinulungan ako ni Ate Mary i-empake lahat ng gamit ko, bitbit ni kuya Ruben ang dalawang maleta ko saka siya bumaba kasama si Ate Mary.

Inilibot ko ang mata ko sa kuwarto ko, parang noong unang dating ko at parang walang natulog dito ng halos isang taon , kumuha ako ng papel at ballpen sa table sa tabi ng higaan ko saka nagsulat.

Dear Rix,

Akala ko ba mahal mo ako?akala ko ba hindi mo ako kayang mawala sayo? Mukhang kaya mo naman kasama mo pa nga si Allina.

Nung una kitang nakita sa mata mo lang ako nakatingin , hindi ko na pinansin ang buong mukha mo maliban sa mata mo,

Akala ko tulad ng dagat na kakulay ng mata mo ikaw ang tutulong saakin na makalimot ko ang mga problema ko, na ikaw na ang makakasama ko mali nanaman pala ako.

Nang umalis ako hindi para saakin yon, para saiyo naisip ko kasi na kapag wala na ako sa buhay mo nmas sasaya ka, ganon nga ang nangyari mas masaya ka na sa iba at naiinis lang ako na hindi kita napasaya.

Nagawa ko na to dati at gagawin ko na ulit aalis na ako at iiwan na kita alam kong hindi mo pa pinirmahan ang divorce papers pero wala na akong pakealam ayoko nang masaktan,

Kung noon umalis ako para saiyo ngayon para saating dalawa na ito, gusto kitang sumaya at hindi ka sasaya nang ako ang iyong kasama habang ako naman susubukan kong iligtas ang natira sa puso kong dinurog mo.

Mahal kita Rix, mahal na mahal pero siguro para saiyo hindi sapat ang pag mamahal ko.

Tatakas ako sa lahat ng bagay, tatakas ako saiyo ,tatakas ako sa sakit na nararamdaman ko at tatakas ako sa sakit na gagawin mo

They said if you love someone don't give up, but they never said to give up when you are totally broken.

I love you, that's why I'm doing this I'm letting you go kaya you're free, free saakin, free sa asawa mong sumasagabal saiyo, at free sa masasaktan mo.

One of the things I hate are Goodbyes pero ngayon ako na ang mamamaalam.

Goodbye Rix I love you
                                                          ~Selene

Iniwan ko ang sulat sa lamesa kasama ang singsing na binigay niya saka kinuha ang sling bag ko saka bumaba.

Pagkalabas ko nag aantay na saakin sila Kuya Ruben at Ate Mary sa tapat ng kotse.

"I will miss you, pero kailangan mo nang umalis" sabi saakin ni ate Mary habang nakayakap siya saakin, yinakap ko siya pabalik saka ako pumasok sa kotse.

Umandar ang kotse at hindi ko napigilan ang pag iyak ko.

"You made the right choice Paige, hindi lang para saiyo para rin sa mga magiging anak mo."

" Sana nga po kuya Ruben, sana nga po" sabi ko habang hawak ang tiyan ko.

I will not cry afain for someone who don't love me, ako ang bahala sa mga magiging anak ko even without their father they will grow up full of love....

Something I never had to experience.
                                                                  ~♥~

~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~FIN~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

♥♥♥Yet Another Plastic♥♥♥{COMPLETED}Where stories live. Discover now