Joy's POVKulang nalang tumugtog ang Rain On Me ni Lady Gaga and Arianna, pang-music video na siguro itong pagtakbo ko sa ulan. Bumabagyo ata? Ewan ko. Bahala na basta kailangan kong umabot sa first class ko.
"Miss Fabregas, you're soaking wet! Halika ka, hop in."
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sumakay na ako sa sasakyan kahit na di ako sigurado kung sino itong nag-offer sa akin.
Binigyan nya ako ng towel at halos malusaw ako when I saw the School Director in front of me. Oh my God! "Sir."
"Magkakasakit ka nyan. I hope may pampalit ka ng damit when you arrive in your classroom."
"Meron po, Sir. Maraming salamat po."
"Wala talagang nagagwing taxi dito kapagka ganitong malakas ang ulan. Hindi ka hinatid ni Mr. Faulkerson?"
He plainly asked. I didn't hear a hint of malice tho.
"He's out of town po."
"That kid's working his ass off. Akala mo pamilyadong tao eh."
I can only smile at what he said. RJ is a serious person when it comes to work.
Tahimik na si Sir while driving to the campus. Ibinaba nya ako sa building namin and I thanked him a lot. Dahil sa kanya, hindi ako mali-late sa klase ko. Ang bait talaga ni Lord. He'd send people to help us when we're in need.
But first, I need to change clothes. Sa faculty room na muna ako dediritso bago ko puntahan ang klase ko sa room nila..
.
."Uy Joy, bawas-bawasan mo naman ang yaman nyo. Bumili ka na ng sasakyan. Yung kapatid ko ahente sa Toyota. Baka gusto mong samahan kita doon."
Dinadaldal ako ni Rita, bestfriend ko since umapak ako sa kolehiyo. She's now an owner of a coffee shop. Dinaanan nya ako sa school kasi pupunta kami sa birthday ng boyfriend nyang si Ken.
"Hindi ko pa pinag-iisipan kung anong sasakyan ang bibilhin ko eh."
'Kaya nga tutulongan ka ng kapatid ko. Besh, you're working in a prestigious school. Pati estudyante may mga car. Hindi naman forever na daily kang susunduin at ihahatid ng RJ mo. Look at it right now oh. Di ka na marunong magcommute besh haha!"
"Loka loka ka talaga!"
"Asus, I guess hindi mo talaga priority ang magkaron ng sariling drive kasi gusto mong bini-baby ni RJ. Yuck ha, ang landi mo."
"kita mo to... saan ang malandi doon? oo na, magpapasama nako sa Toyota. Bukas na bukas agad."
"tsk! Iba talaga ang mga prinsesa."
Next year pa sana ang plano kong kumuha ng sasakyan kasi gusto ko munang mag-ipon pero may point si Rita. Tsaka kakayanin na siguro ng ipon ko. Hindi ko rin naman nagalaw ang account na nilaan ng parents ko sa college education ko kasi naging scholar ako ng university namin and I was also working part time.
"Uy, hindi ako nakabili ng regalo para kay Ken."
"Padalhan mo lang ng mango puree yun."
"Haha oo nga noh? Oh sige."
"besh, kelan ko ba mamimeet si Richard Faulkerson, Jr? Baka fubu mo lang yan ha? Naku kakalbuhin talaga kita."
"FuBu ka dyan! Ang bastos mo ha!"
"Bakit, di ba kayo nag-aano?"
"Ano?!"
"SEX! Babaeng to para namang walang muwang."
"Hindi kami ganun. Hindi ganun si RJ."
"Ay. So walang ganunan?"
"Wala nga."
"Wala kasing kayo."
Aray ko naman. Tong babaeng to magiling magmaneho pero di marunong gumamit ng preno sa pananalita.
"Ano na, besh? Di ka pa ba napapagod? Mabuti pa'ng fubu eh may label. Eh yang sa inyo?"
"Ini-enjoy lang namin ang journey," pagdadahilan ko. "Tsaka ayokong pangunahan ang bagay-bagay."
'What?! Eh ikaw nga ang nagconfess sa kanya! Tigilan mo ko ha!"
"Relax ka lang kasi." Atat eh. Kung di ko lang bestfriend to, kanina ko pa to nilayasan.
"If it hurts to the point of numbing yourself, don't forget that you still have me, okay?" Rita's voice is full of concern and that made me feel a lump in my throat. Okay lang kasi ako. "You always have me."
Dumaan kami sa coffee shop nya to get her present for Ken. Hindi nako bumaba ng sasakyan kasi malakas ang buhos ng ulan. I stayed inside while the car's parked in front of the shop.
A white montero pulled over just before Rita's car. My heart skipped a beat. Kilala ko ang plate number nito. Unang lumabas ang driver nito who's wearing a gray jacket with a hoodie. May dala syang malaking payong and umikot ito para pagbuksan ng pintuan ang kung sinuman ang nasa passenger's seat.
Para akong nanonood ng movie. Only that I'm horrified and hurt. It's RJ, with Zoe, walking side by side, his hand on her back, under one umbrella and walking towards the coffee shop.
I checked my phone. Palagi kasing nag-a-update sa akin si RJ. I looked at my phone with multiple messages coming from my parents, sa Globe, sa credit line ko, pero walang kahit ano from RJ. Nakabalik na pala sya from Tagaytay.
Benefit of the doubt, Joy. Benefit of the doubt. Paulit-ulit kong remind sa sarili ko. I closed my eyes. Baka kasi nananaginip lang ako. I flutter my eyes to open and searched for them. Hindi ako nananaginip, sila ang nakikita ko being cozy inside.
Nagseselos ba ako? Sinaway ko ang sarili ko. I should not be jealous. They're just friends. Kung hindi man nakapag-update sa akin si RJ na nakauwi na sya, baka may dahilan. Baka lowbat.
"Sorry besh, natagalan." Rita cut my musing. "Ayos ka lang?" Ini-start na nya ang sasakyan.
"Of course, I am. Tara na." Ipinikit ko nalang ang mga mata ko and rested.
"Aba tinulogan ako ng bruha," narining kong usal nitong bestfriend ko. 'Magsa-soundtrip nalang ako," she turned the fm on and searched for a station. Kilala ko to eh. Naghahanap to ng mellow music kapag ganitong umuulan. She finally found what she likes and turned the volume up.
Sh.t WHY THIS SONG OF I BELONG TO THE ZOO of all the songs?!
Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kitang sumaya't umalis
Sana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo hahayaan naman kitang umalisRita sang along and I don't know why my tears jerked.
Sana sinabi mo para ang mga ayaw mo'y aking iibahin
Diba sinabi mo basta t tayong dalawa sasay ang mundong mapait
Diba sinabi ko gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli
Biglang nalaman ko may hinihintay ka lang palang bumalikSana sinabi mo dahil di ko maisip ano bang nagawa kong mali
Sana sinabi mo para di na umibig ang puso kong muliSana sinabi mo para di na umasang may tayo pa sa huli
Sana sinabi mo, hahayaan naman kita...Ipinilig ko ang ulo ko sa may bintana, wishing that my bestfriend doesn't notice the trinkets of tears cascading down my face.
_____
A/NSunod-sunod na update dahil sa tacos. Wooh Joy! Kapit ka lang dyan, ghorl.
BINABASA MO ANG
Someone You Loved (COMPLETED)
SpiritualAll's grown up but do people really change through time?