12 - Saving Joy

50 3 0
                                    


Zoe's POV

Call it crazy but it's the first time I drove that I don't hear anything. Kahit yung engine ay di ko marinig. Napakalakas ng tibok ng puso ko sa lahat ng possibilities na pumapasok sa utak ko. Hindi kami close ni Joy pero bilang babae, natatakot ako para sa kanya. From the little that I know, she's an independent woman and for her to cry for help indicates a big danger.

"Ito na yun!" mariing sabi ni RJ as I turned left. Pinagmasdan ko ang bahay. Ito lang ang natatanging bahay na walang ilaw. I hurriedly pulled over.

Pagkababa ni RJ, sinabihan nya akong di sumunod kasi baka delikado. Hindi ko talaga alam what's happening at gusto ko syang samahan sa loob.

"Please Zoe, just stay here. Call the police."

Police?! Ganun talaga kalala ang sitwasyon?!

I nodded in horror. Ano ba tong nangyayari?

Tumakbo na si RJ papasok ng bahay and I called the police. I gave the address and been assured that they're coming over asap.

Ipapark ko palang sana ang sasakyan malapit sa bahay ni Joy nang may marinig akong putok ng baril. Parang biniyak ang puso ko kaya agad akong lumabas at tinungo ang bahay, forgetting what RJ has told me.

Pag pasok ko, nakita kong nakahandusay sa sahig ang namimilit sa sakit na isang lalaki. May tama sya ng baril. "Arggh!"

"I told you not to come, Zoe!" Hindi ko pinansin ang sinabi ni RJ. Bagkus, kinapa ko ang switch ng ilaw sa sala. When it lit up, nagulat ako when the guy grabbed my foot. Kinuha ko ang vase sa malapit and smashed it to his head then another gunshot's heard. I escaped from his grip after that as it loosen.

Wala ng malay ang lalaki kaya kinuha itong opportunity ni RJ para talian ang mga kamay at mga paa nito.

"Papunta na dito ang mga police," I told him.

Tumango sya at chineck ako, "Okay ka lang?"

"Oo."

"Nagtatago siguro si Joy." Walang anu-anong tinadyakan nya ang isang kwarto. Para syang storage room. We searched the room as the light filled it. Walang tao.

May narinig akong hikbi kaya I asked RJ to open the closet at the corner.

Halos takasan ako ng lakas upon seeing Joy crying and scared. Punit ang blouse nito at kitang kita ang brassiere. Her hair's a mess. RJ scooped her and brought her to the sala. Wala paring malay ang lalaki pero mas lalong humagulgol si Joy when she saw her predator. I can't just imagine the trauma this caused her.

"Ligtas ka na," RJ comforted her. Hinubad nito ang jacket at ipinatong sa nanginginig nitong katawan. "Papunta na ang mga pulis."










.
.
.



"Sino ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doktor na nagcheck kay Joy. Nasa emergency room kami ng hospital kasi bigla itong nawalan ng malay habang kinukunan ng pahayag ng police officer.

"Kami lang po ang malapit sa pasyente kasi nasa probinsya po ang mga magulang nya."

"Ah ganun ba? Kung maari hijo, tawagan nyo ang mga magulang ng kaibigan nyo. Icoconfine natin ang anak nila. Nagtamo sya ng bruises all over her body. Ipapa-CT scan ko sya ngayon. She has a small cut on her head pero we already stitch it. Wala parin syang malay. Although, stable naman ang vitals nya."

The doctor instructed 2 nurses to bring Joy in the laboratory.

"RJ, ako na ang sasama kina Doc. Please contact Joy's parents."

"Alright. Thank you Zoe."

"Walang anuman."


Kung wala si RJ, baka kung anong nangyari kay Joy. Dyos ko.

I needed to go with Joy para palitan ang suit nya ng lab gown. She has to be ready for the examination. Kailangang makatiyak na walang blood clot sa brain nya.

Since bawal din ang jewelries, tinanggal ko ang mga earrings nito. Ang dami nyang earrings. On this point, nagkamalay na sya pero nanghihina parin kaya minabuti kong di na muna sya papagsalitain. I told her to relax. I also assured her that I will be with her.

I helped her as she lied down on a motorized examination table that will later slide into a doughnut-shaped ct scanner machine. She lied on her back facing up.

"Miss Velasquez, we need to step out."

"Can I not stay?"

"It's better and advisable that no one stays here."

"But I CAN?" I'm afraid that Joy will be scared once it's done kasi she's been clinging to me while I was helping her settle in.

"Alright. Kukuha lang po ako ng lead apron. It will prevent radiation exposure."

It felt like forever as the ct scan happened and the moment that they're bringing her to her room, made me sigh in relief. Clear ang results.

Pagdating namin sa hospital room, naghihintay na doon si RJ.

Alam na nyang okay ang result kasi tinext ko sya. He also looked relieved already.

Once the doctor and nurse were out, ginagap ni RJ ang kamay ni Joy and stayed beside the bed, "May masakit pa ba sayo?"

"Wala na..." nanghihina man pero pinilit nyang sumagot. "Sila tatay..."

"Nakausap ko na. Luluwas sila agad agad."

Joy weakly smiled, "Salamat."

"Zoe..." tiningnan nya ako at ngumiti rin, "salamat."

Lumapit ako sa kanya at hinawi ang buhok nyang tumatakip sa gilid ng mata nya, "You're welcome. Magpagaling ka."

"Oo."

Mag-uumaga na kaya naman nagpaalam na ako sa kanila. I know that RJ won't be coming with me kahit di ko na sya tanungin. His eyes say it all.

"Eh ikaw?" Tanong ni Joy sa kanya. "Umuwi ka na muna sa inyo. Okay lang naman ako dito."

"I'll stay. Hihintayin ko narin sila Tatay at Nanay."

Maingat akong lumabas ng room habang busy pa sila sa pag-uusap. If I were RJ, he would lull Joy to sleep. The latter's tired and been through a lot. He can save being lovey dovey to her the next day.

Malisyosa na ako kung sa malisyosa pero my God, ngayon ko lang nakita si RJ na parang may sariling mundo. Malapit ko ng maconfirm ang aking haka-haka.

Someone You Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon