20 - Side A of the Coin

55 3 0
                                    




RJ's POV

"Zoe Velasquez? Diba you're a commercial model?"


Zoe froze at nakakatawa ang mukha nya. She's still not used to it, er? Her face had been on billboards in Manila for a long time before and people don't forget that easy. Di naman dapat sya nagtataka kung narerecognize parin sya ng mga tao.


"Print ad," she humbly stated. "Pero dati pa yun."


Nagfafanboy na naman tong mga kasama kong enhinyero. Isumbong ko kaya ang mga to sa mga misis nila?


"Woah! You don't age, do you?" Linyahan talaga nitong foreman namin.


Alright, ito na yung part na tatapusin ko na ang kaligayahan ng mga taong to. "We're done here. So pwede na kayo makaalis."


"Eh Sir, akala ko ba isi-save mo pa tong revisions?"


Oo nga pala. "Akin na yang external drive." Mabilisan kong kinopya ang files na kailangan ko at ibinalik ang drive. "See you at the office next week, guys."


"Kitakits, Engineer! Huwag nyo naman gawing obvious na atat na atat na kayong paalisin kami. Di pa nga kami nakakapagpapictuure kay Miss Zoe eh."


Di ko na talaga alam ang gagawin sa mga ito pero bilang di ko naman nakitaan na binabastos nila ang kaibigan ko, hinayaan ko na muna sila na makasama ito. Nagpaalam lang ako saglit sa kanya, "Maiwan na muna kita. I'll just check on something."


"Okay," she replied.


Sometimes, she gets shy lalo na kapag napag-uusapan yung modeling stints nya dati. Don't get us wrong, conceited yan si Zoe pero ganun lang sya kapag kaming malalapit sa kanya ang kasama nya. Sa ibang tao, nahihiya parin sya.


I offered to get her back to Manila since Kris and Maddi wanted to stay one more day kasi may bibisitahin and Zoe can't extend dahil sa trabaho nito. I'm glad na pumayag ito. I'm really hoping that Zoe and I get back to normal kahit na ako ang mag-adjust.


"Bye, Miss Zoe!"


"Bye, ingat sa pagdadrive. Next time, wag ka na magmotor. Delikado yan."


Namangha ako sa usapan nila. Nakasunod pala agad sila sa akin. "Are you ready?" I asked her.


"Yeah. Ikaw?"


"May tatawagan lang ako." I turned the engine on at lumabas agad para pagbuksan sya ng pintuan. "Thanks," she said.


I have to call dad para maireport sa kanya ang nangyari dito sa Tagaytay. Yun kasi ang kabilin-bilinan nya.

.

.

.


"Sabi ni mommy may bagyo daw na paparating. Maulan na raw sa Manila ngayon," may pag-aalalang wika nitong katabi ko habang nagchachat.


"Too bad."


"Triple the traffic jam."


"People has to learn dancing in the rain," I told her.


"Haha yeah... wala naman tayong magagawa," she said with a wrinkled nose. "Uy RJ, okay lang if you drop me at the office ha? I can use our company car. Para makauwi ka kaagad sa inyo."


"Huh? Ihahatid na kita."


"Sigurado ka ha?"


"Oo naman."


Someone You Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon