7 - Joy

83 3 0
                                    

Zoe's POV

Basing from RJ's stories about his foster home here in GenSan, I'd say that everything's an underestimate. This house is massive! Hindi naman sya mansion pero compared to the residential houses sa barangay na to, ito na ata ang pinakamalaki. Maluwag din ang front yard nito.

It's a 2-floor stone house. Medyo uphill ang kinalalagyan nito kaya siguro may kalamigan ang klima. Sabi nga ni Mang Bert, owner of the house, may fog daw dito tuwig umaga.

Amazing.

"Zoe hija, how do you find the place?"

Isang tanong na nakapagpatahimik sa lahat ng kumakin around the table.

"Ano ba naman yan Berting, bakit panay Ingles ka? Eh nakakaintindi naman ng Tagalog itong si Zoe." Saway ni Tita Violly, Joy's mom.

"Oo nga naman Mang Bert. Hindi naman foreigner itong si Ms. Zoe." Sabat ni Yong.

Natutuwa ako sa pamilyang ito. Napakamagiliw nila lalo na itong padre de pamilya ng mga Fabregas, si Mang Bert. Tito pala.

"Paradise-like po. Kaya naman pala paborito ni RJ itong lugar nyo."

"Ay talaga ba? Bakit iha, nagkwekwento ba itong batang to sa mga karanasan nya rito?"

"Opo. Madalas po."

"Parang anak na namin itong si RJ. Kung nagkataon nga na di ito magpapari, ipinakasal ko na to sa unica hija ko."

"Tay!" -Joy
"Berting!" -Tita Violly

Nasamid ako sa sinabi ni Mang Bert. I saw Joy cringed. Pinainom naman ako ni RJ ng tubig at hinimas ang likod ko.

RJ let out an awkward laughter. "Palabiro talaga to si Tatay," wika ni RJ.

"Syempre nagjo-joke lang si Tatay ninyo. Ano ba naman. Ako eh 100 percent sumusuporta sa bokasyon nito."

"Zoe, mahilig ka ba sa mangga?" Pag-iiba ng topic ni Tita. "Maglalabas ako ng mga hinog na mangga. Bagong harvest galing aa munti naming taniman sa bukid."

"Ay opo. Paborito ko po ang mangga."


"Mabuti naman kung ganun, Zoe."

"Meron ding mango puree dyan Zoe. Dalhin nyo sa Manila." Alok ni Tito.

Halos pumalakpak ang tenga ko sa narinig.

"Paborito rin po ni Zoe ang mango puree. Tingnan nyo po, wagas kung makangiti." Panira talaga to sa pagpapakademure ko. Sarap kutusan minsan nitong si RJ.

"Huwag mo naman ako ibuking." Sinipa ko nag slight ang paa nya.

"Hehe... eh Zoe, baka gusto mo magpadeliver sa inyo on a regular basis? May mga store sa Manila na sinusupplyan namin ng mango puree." Joy offered.

"Talaga? Sige, I'll do that. My parents would surely be delighted. Salamat ha."

"You're welcome."

In fairness, yun na ata ang pinakamahabang nasabi ni Joy sa akin. I'm glad that she's more welcoming today compared last night. Napansin ko ring she's radiantly beautiful with her morena skin. There's this certain glow. She looks pleasant.

"Anak, sigurado ka bang gusto mo talaga magturo kesa magnegosyo? Ang bilis mo makapag-deal eh. I-develop mo kaya yang skill mo?"

"Si Nanay naman..."

Someone You Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon