The Faulkersons decided to spend the weekend at the beach. Isa ito sa paboritong pasyalan ng parents ni RJ noong wala pa si Rhys. The couple usually go out of town before lalo na noong college na ang panganay nila.
Today is also a day to celebrate because it's his parents' wedding anniversary. Instead of throwing a grand party, minabuti nilang tahimik ang pagdiriwang nila this year.
Although, it's not the literal quiet because RJ's friends are around. James, JM, and Clyde who's having a vacation are with them. James and JM are both family men already kaya kasama nila ang mga asawa and kids nila (both have twins) while Clyde is still single.
"How's life in the US, Clyde? Baka nagpapabaya ka doon ha? You look thin now." RJ's mom asked the balik-bayan gwapito.
"Okay naman po ako Tita. Umuwi po talaga ako para magpataba."
"Ay hindi yan okay, Tita. Broken-hearted po yan," pambubuking ni JM.
"Really now? Ano'ng nangyari sa long-time girlfriend mo? Here I am thinking you're already engaged. Tsk tsk... I'm sorry to hear that, hijo ha? Mabuti nalang pala at isinama ka nitong si RJ. The beach has its healing magic."
"May it do its magic to me. Salamat po, Tita." Clyde continued to eat. Masakit pa nga ang puso ng binata. Tahimik eh.
"Bro," tawag ni JM kay RJ na abala kakahimay ng isda para sa kapatid. "Akala ko ba sasama sila Zoe?"
"Ate Zoe is already on her way," sabat ni Rhys.
"Rhys, diba bawal sumabat sa usapan ng matatanda?" Saway ng daddy nito sa kanya.
"But daddy, I'm sure Kuya RJ doesn't know kasi... kaya ako na ang sumagot."
RJ didn't budge though. Patuloy parin nitong inaasikaso ang pagpakain sa kapatid nya.
Napatigil naman sa pagkain nya si Joy. "She's really coming?" She asked the kid.
"Opo," sagot ni Rhys at sumubo.
"That's great," Joy replied. "May makakausap na ako."
"Grabe naman to. Pwede mo rin naman kaming makausap," kunwari'y nagtatampong turan ni James. "Di naman kami nangangagat."
First time kasi nilang na-meet si Joy.
"Hindi pa ako tapos hehe.
Sorry, di ganun yung ibig kong sabihin. May makakausap tungkol sa auction na sinusuportahan ng company nila," pagtatama nito sa binata. Tumango-tango naman si JM."Tumutugtog ka ba?" Matipid na tanong ni Clyde kay Joy. "Napansin ko kasi yung dala mong gitara kanina."
"Ah oo pero hobby lang."
"Ayos. Jam tayo mamaya."
"Ah sige," Joy's awkward smile made Clyde stopped paying attention to her.
"May lobsters pa dito," RJ offered to her which she gladly accepted.
"Mga anak, meron kaming pa-games mamayang gabi. Dapat magparticipate lahat ha?"
"May premyo po ba, Tito?"
"Aba oo naman. We're going to announce it later."
"Ayos! Sana cash para may pang-gatas ang kambal ko," hirit ni JM.
"Hahaha!" Binatukan ito ni James. "Siraulo ka talaga tol."
"Eh bakit ikaw, ayaw mo ba ng cash prize?"
"Syempre gusto. Pambili rin ng gatas haha!"
.
.
.

BINABASA MO ANG
Someone You Loved (COMPLETED)
SpiritualAll's grown up but do people really change through time?