Sparks

595 20 20
                                    

A/N

Si Lean po naka-attach hehehe ^___^

~~~~~~~~~~

Chapter 3

 Chase's POV

"Chase!" isang boses ang tumatawag sa aking pangalan, ngunit hindi ko siya makita.

"Miss ko na kayong lahat. *sniff*" nag-iba ang tono ng boses niya. "M-mag iingat k-kayo palagi." rinig ko ang paghikbi, habang kinakausap niya ako. Then I knew it was her.

"Huwag ka nang malungkot, magkikita ulit tayo. Gagawin namin ang lahat. S-sorry, *sniff* kasalanan k-ko kung b-bakit nangyari yun. Kung.. kung mas malakas sana ako nung panahong iyon. Sana.. sana.." sinisisi ko talaga ang sarili ko sa nangyari. "Ako ang tinuturing na leader pero wala akong nagawa nung panahong iyon. Pinagmasdan lang namin ang mga pangyayari na animo'y isang palabas. Nagsakripisyo ka upang mailigtas kaming siyam. Dapat ako ang gumawa nun, pero hindi ko kaya. Duwag ako, takot, mahina."

 "Tama na Chase, Don't blame yourself. Ginawa ko yun dahil mahalaga kayo sa akin." sabi niya. Nahagip ng aking paningin ang mistula isang anino ng babae na may pulang mata sa kalayuan. Itinaas niya ang kanyang kamay na tila nagpapaalam na.

"S-sandali! Wag ka munang umalis. Sandali! Sandali!" tumakbo ako papalapit sa kaniya, ngunit parang hindi nababawasan ang distansya namin sa isa't isa. 

"Whoa!" nalaglag ako sa kama. "Panaginip. Sh*t." I shook my head and sat on the edge of the bed.

"Please wait for us. Magkakasama muli tayong lahat."

~~~~~~~~~~

Ry's POV

"Do I really need to do this?" irita at nagdodoubt ako sa gagawin ko. 

Namitas kasi ako ng bulaklak, nadaanan ko lang kanina nung pabalik ako dito sa hideout. Naalala ko kasi yung sinabi ni Sai.

~ Flashback ~

Ry's POV

"Ready to become a real man now, kiddo? si Sai.

"H-how?" I asked. Ayoko na inaasar nila akong bata. Palagi nalang akong napagkakaisahan. 

"You should have a girlfriend." sagot ni Sai.

"W-what?! No thanks." pagkontra ko. "Demanding ang mga girlfriend, gusto ko ganto, gusto ko ganyan. Ewan!" dagdag ko pa.

"Pfft~ That sounds familiar kiddo." sabi ni Sai. "Kapag may girlfriend ka na, that means hindi ka na bata, you're officially a man."

"T-talaga?" I replied to him.

Sai's POV

"Kapag may girlfriend ka na, that means hindi ka na bata, you're officially a man." pang-uuto ko sa kaniya. 

"T-talaga?" sagot niya. Ayan na naniniwala na siya! Hahaha! Konti nalang kakagat na to!

"Oo, wala nang tatawag sayong kiddo. Gusto mo yun diba?" I can see his reaction. Napapangiti ako ng pasimple dahil I can already smell my victory.

"What should I do?" kiddo said. BINGO! Hahaha.

"Leave it to me, Ry. Akong bahala sa'yo. Hehehe." sagot ko sa kanya.

The Panda GangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon