A/N
Oh meron pang isa san ka pa? haha!
Gusto mo rin bang malaman ang background at past ng mga characters?~~~~~~~~~~
Backstory: Fio
Dugo.. Dugo.. Lubos ang kaligayahan ko kapag nakakakita ako ng sariwang na dugo galing sa tao. May kakaibang sensasyon na kumikiliti sa loob ko sa tuwing papatay ako ng tao. The thrill of killing or being killed. It has the same effect on both.
Kailan ko nga ba nagsimulang maramdaman ito? Ah.. I was 8 years old back then. Nang unang maging pula ang mga mata ko. Nagising ako sa ingay na nagmumula sa kusina, nagtatalo na naman ang mga magulang ko. Bumaba ako at nadaanan ko ang antigong orasan. Alas tres na ng madaling araw. Kauuwi lang na naman ng aking ama. Amoy alak siya. Nagsisigawan silang dalawa.
Normal na sa akin na nakikita silang ganyan. Ang mahalaga sa akin, buo ang aming pamilya. Hindi man sila magkasundo parehas naman nila akong mahal. Natigilan ako mula sa pagpapantasya ko nang mapaupo sa sahig si inay. Agad akong tumakbo palapit sa kaniya. Dugo.. Dugo.. Umiiyak na siya ngunit parang wala pa ring pakialam ang aking ama. Umaagos ang dugo sa kaniyang mga hita. Nagdadalang tao si inay.
Sa sobrang galit na naramdaman ko, itinulak ko din ang aking ama. Nadulas siya at nabagok ang ulo sa lababo. Nawalan siya ng malay. Ngunit hindi pa sapat yun para makuntento ako, kinuha ko ang isang babasaging plato at binasag sa mukha niya. Duguan ang ulo at mukha ng aking ama dahil sa ginawa ko. Nakita ko ang repleksyon ko sa isang piraso ng basag na plato. Kulay pula ang mga mata ko. Napangiti ako.
Lumingon ako sa aking ina. Ipinagtanggol ko siya mula sa aking ama. Yayakapin ko sana siya ngunit iba ang nangyari. Kitang kita sa kaniyang itsura ang takot habang sinisigawan ako ng demonyo at itinutulak ako palayo sa kaniya. Dahil ba sa mga mata ko? Nakaramdam muli ako ng kakaibang kasiyahan. Bakit ko ipagpipilitan ang sarili ko sa isang taong ayaw sa akin? Itinarak ko sa noo niya ang piraso ng basag na platong hawak ko.
Hindi na mabilang kung ilan ang pinaslang kong tao. Sa tuwing sisigaw sila, dadaing kapag nasasaktan, hanggang sa huling malalim na paghinga nila. Lubos na kasiyahan ang nararamdaman ko. Ikaw gusto din kitang patayin. Ayos lang ba?
~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
The Panda Gang
Random10 pairs of eyes with 10 different abilities given to 10 fortunate teenagers.