A/N
May Official Facebook Group na ang The Panda Gang! Hoooray! Open for all readers, salamat sa pag suporta haha paki-search nalang ~ Panda Gang ~ Join po kayo! or follow this link:
https://www.facebook.com/groups/1428270247463286/
Picture ni bossing Chase ngayon hehe ang ganda niya diba ^___^
~~~~~~~~~~
Chapter 4
Chase's POV
This all started 2 years ago. We were young, carefree and doesn't give a damn about anything. Masaya lang kaming apat sa ginagawa namin. Me, Sai, CL and her. We created this group, The Panda Gang.
~ Flashback ~
"H-hoy babae!" sigaw ng isang batang lalaki na nakatingin sa akin at tinuturo pa ako.
"Ako?" tanong ko sa kanya.
"Nagtatanong ka pa eh wala namang ibang tao dito." sagot niya naman.
"What do yo~" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Nagiging pula din ba ang mga mata mo?" nagtaka ako sa tanong niya. "Parang ganito."
Mula sa pagiging light brown, ay unti-unting naging pula ang mga mata niya. Bakit ganun? May sakit din siya gaya ko? Yung biglang nag-iiba ang kulay ng mata?
"Hindi yan sakit, Chase." sabi niya. What the? This is the first time we've met, I'm sure of it. Why does he know my name? At bakit parang alam niya ang iniisip ko?
"Actually, yun ang ability ng mga mata ko." nagsalita siya ulit. "I have the "Stealing Eyes", I can read someone's mind if I want to."
Hindi ako nakasagot. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Nakakunot lang ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Pinapractice ko kasi ang ability ko tapos nadaanan kita dito sa may tabi ng ilog. Nabasa ko ang isip mo. Pinoproblema mo kung anong sakit ang meron ka kasi biglang nagiging pula yang mga mata mo diba?" sabi niya.
"Seryoso ka ba?" yun lang ang nasabi ko sa kanya.
"Hindi ka pa rin ba naniniwala kahit na nakita mo nang nagbago rin ang kulay ng mga mata ko, at nababasa ko ang nasa isip mo?" sabi niya. "Hindi lang ikaw ang ganyan, sumama ka sakin. Pupuntahan natin yung dalawa pang kakilala ko na may ability gaya ng sa atin."
"You're insane." sagot ko sa kanya. Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko, napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti.
"No, I'm Sai." sabi niya. "Aalamin natin kung anong ability ng mga mata mo, tara. Hindi ka makakapagsinungaling saken, mas magaling pa ako sa lie detector."
Hindi nalang ako nagsalita at ngayon ay sinusundan ko nalang siya papunta sa sinasabi niyang hideout. Bumalik na din sa orihinal na kulay ang mga mata niya. Nakangiti lang siya habang naglalakad kami. Pumasok kami sa isang lumang gusali, mukhang abandonado na pero maayos naman ang itsura. Kinakabahan ako pero nagsalita siya.
"Don't worry, safe dito." sabi niya. "Hey! May bisita tayo, nasaan kayong dalawa?" sigaw niya pagkapasok namin sa hideout daw nila.
BINABASA MO ANG
The Panda Gang
Random10 pairs of eyes with 10 different abilities given to 10 fortunate teenagers.