Narrator's POV....
Nakatingin sa malayo si Ems, nasa veranda siya ng kwarto nilang mag-asawa, nagmumuni-muni at nakatingin sa malayo hbang pinaglalaruan ang kopitang may lamang wine sa kmay niya, kakauwe niya lang galing ng opisina.
Maayos ang takbo ng negasyong iniwan ng namayapang ama ng asawa niya, pati ang negosyong itinayo ni Rain ay maayos din niyang inaasikaso, kung dangan kasing napakatagal namang magliwaliw ng asawa niya.
Mula sa isiping iyon ay napaisip si Esmeralda, galit pa kaya ang asawa niya kaya ito hindi nagpapakita? Malamang! Kastigo ng isip niya!
hindi nga naman siya mapapatawad nito kahit dalawang taon na ang nakakalipas ay alam niyang nandoon parin ang sakit ng pagtataksil niya! Nagtataka lamang siya kung bakit pati ang negosyo nito ay pinabayaan na nito halos buwan buwan din niyang sinisilip ang bank accounts nito ngunit ni piso ay hindi ito nagwiwidraw, kung tama ang pagkakaalam niya walang ibang bank account ang asawa bukod sa joined Accounts nila at iyong gamit nito mula pagkabata, ang tanging nadagdag lang sa pangalan ni rain ay ang mga iniwan ng ama nito na halos hindi nabawasan kahit kelan, kaya Nag-aalala siya ng sobra baka kung napaano na ito, ngunit dagli niyang pinilig ang kanyang ulo, hindi maari! Sigaw ng isip niya! Alam niyang nasa mabuti itong kamay!
kamusta na kaya ito? Paano kaya ito ngayon? Anu kayang pinagkakabalahan nito at matagal itong hindi nagpapakita!
Miss na miss na niya ito, gusto na niya ulit itong makita at makayap! Napa buntong hininga siya, inisang lagok niya ang alak na nasa isang kopita, naalala niya ang bilin ng asawa, wag daw siyang iinom! Napatawa siya at napatingala sa langit, madaming bituin doon at napaka dilim ng kalangitan." Please tulungan mo akong makita siya! " Mahina niyang pagkausap sa alam niyang pinapanood siya, umihip ang malamig na hangin napayakap si Esmeralda sa sarili, pumasok siya sa loob at saglit na umupo sa kama, kinuha niya ang picture frame nila sa bedsde table at hinaplos ang mukha ng asawa.
" Nasan ka naba love? Please uwe kana miss na miss na kita? " Mahina niyang pagkausap sa litrato, muli niyang binalik sa side table ang frame at humiga, niyakap niya ang unan ng asawa saka pinikit ang mga mata niya.
ganito siya sa nakalipas na dalawang taon, gigising, babangon, papasok sa opisina at matutulog ulit pag-uwi, napapagod na siya ngunit hiindi siya mapapagod na hanapin ang nawawala niyang asawa hinding-hindi.
Alas nuwebe ng umaga ay nasa opisina na si Esmeralda, mayroon itong early meeting ngayon kasama ang lahat ng board members ng kumpanya, may bagong investor kasi silang galing pa ng Europa at kinakailangan ng approval ng buong board para dito, gusto nitong mag invest ng isang planta ng inuming nakakalasing na kung tawagin sa katagalugan ay lambanog, kung maaprubahan ang investment na iyon ay kakailanganin nila ng isang lugar kung san pwedeng gawing pabrika ng produksiyon, madaming sinasadyes sa kanya ang mga naron sa meeting, mayroon Quezon, Laguna at Batangas mga lugar kung san maraming puno ng niyog, ngunit hindi siya makapagpokus masyado sa bagong proyektong iyon bukod sa magiging busy siya lalo ay mahahati ng sobra ang oras niya sa trabaho at paghahanap sa asawang hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikita,
Magkakasabay na pumasok sa opisina niya sila Renz, Devon, Mike at Sky ang mga kaibigan ng asawa niya
" Wala pabang balita sa kanya? " Tanong ni Sky sa kanya, umiling lang siya dito, alam ng mga ito ang nagawa niya, hindi niya nilihim sa mga iyon ang kasalanan niya, nung una ay nagalit si Sky sa kanya ito kasi ang pinaka malapit sa asawa niya ngunit kalauna'y napatawad din siya nito.
" Cool bro where are you now! Ang lupit mong magtago! " Natatawang sabi ni Renz, buti nalamang ay meron pa ang mga ito kahit papaano ay nalilibang siya sa kakulitan ng apat maliban lang sa tahimik na si Sky.
Natapos ang araw ni Esmeralda, yamot siyang umuwe ng bahay, sumalubong sa kanya ang isang matabang puting pusa, si Pur binili niya ito noong 4th wedding anniversary nila ng asawa nalaman niya kasing mahilig sa pusa si Rain, isa itong ragdol malambot at mahaba ang balahibo nito at isa itong lalake, agad niya itong hinimas sa ulo ng mag lambing ito sa paa niya, inabot niya ang suitcase niya kay Matet bago nilang kasambahay tatlong buwan palang ito doon, saglit niyang nilaro si pur at ng magsawa siya ay maingat niya itong inilapag sa higaan nito at saka siya umakyat sa hagdan ayaw na niyang gamitin ang elevator mas maigi ng umakyat ng hagdan para kahit papaano ay malibang siya.
Isang tawag ang nagpagising kay Esmeralda kinabukas si Sky iyon, agad niya iyong sinagot sa pag-asang baka natagpuan na nito ang asawa niya,
" Sky? " Agad niyang bati dito at saka siya sumandal sa headboard ng kama
" My private investigator send me an file regarding this one certain helocapter crash " mahina nitong sabi, narinig niyang bumuntong hininga ito, bigla ang pagbilis ng tibok ng puso niya at parang ayaw niya atang marinig ang iba pa nitong sasabihin
" W---hat crash?? " Mahina niyang tanong kahit iba na ang pakiramdam niya
" And he just confirmed it, it was your husband's chopper, I'm sorry Ems, Rain was dead! " Nabitawan niya ang telepono, nagimbal siya sa narinig, hindi maaari! Hindi pwede! Hindi pwedeng mawala ang asawa niya!
Sakay sila Esmeralda, Renz, Mike, Devon at Sky ng Helocapter kasunod ang mga rescuer at ilang military papunta sa Batangas kung san huling nakita ang signal ng chopper na bumagsak sa isang isla, danger zone ang lugar na iyon hindi lang dahil sa landscape ng daan at bundok pati ang ilang mababangis na hayop na nakatira doon, hindi iyon kailan man napupuntahan ng mga tao, malayo din ito sa mga tao kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit hindi man lang iyon nabalita o hindi man lang kumalat ang tungkol doon
Pagdating sa lugar na iyon ay nahirapan pa ang mga rescuer na matunton ang mismong lokasyong pinagbagsakan ng chopper, malawak din pala ang isla at nagtatayugan ang mga damong ligaw pati ang malalaking mga puno, nagdadasal si Esmeralda na sana ay buhay pa ang asawa kahit siyamnapu't siyam na porsyento ang posibilidad na wala na ang asawa ay umaasa padin siya sanaiwang isang porsyento! Kailangan nitong mabuhay! Kailangan! Buhay ang asawa niya! Buhay!
Ngunit sa paglipas ng mga oras, habang hindi pa natatagpuan ang bumagsak na sasakyang pang himpapawid ay unti-unting nawawala ang isang porsyentong inaasahan ni Esmeralda! Hindi na halos siya makahinga sa mga oras na iyon, halos mawalan siya ng buhay! Sana panaginip nalang! Sana nga ay masamang panaginip nalang iyon! Ayaw niya! Hindi niya matatanggap hindi pwede! Hindi pwedeng mawala ang asawa niya.
Isang tawag sa radyo ang nakapagpatigil sa paglalakad nila Esmeralda at ng ibang rescuer na kasabay nila, mula sa maliit na aparato ay may boses doong nagsasalita
" Alpha 2! Over! " Sabi ng isang militar na nagsasalita sa radyo
" Go ahead alpha 1, over! " Sagot ng taong kasama nila na siyang may hawak ng radyo
" Affirmative! North to west 25 KM, out! " Muling sabi ng nagsasalita sa radyo
" Roger! Out! " Huling sabi ng isa sa kasamahan nilang may hawak ng radyo bago iyon binalik sa gilid ng bewang nito
" Ma'am/sir! Nakita napo ang bumagsak na chopper! Dito po tayo " Sabi ng isang lumapit sa kanila, halos manlambot si Esmeralda ng marinig iyon! Ayaw na niyang magpunta doon ngunit tinutulak siya ng puso niya! Gusto nitong makumpirmang asawa nga niya ang isa sa mga nasawi
Pagdating nila doon ay tumambad kay Esmeralda ang isang lasog lasog na sasakyang panghimpapawid, halatang galing iyon sa pagsabog at pagkasadsad sa puno, natumba ang isang malaking puno kung san ito bumagsak at nagkanda pira piraso, hindi sila hinayaang makalapit ng mga militar at rescuer sa mismong chopper, naroon lang sila sa isang gilid at nanonood sa pag lalabas ng ilang bangkay na halos kalansay na, humagulgol si Esmeralda ng makita niya ang isang pamilyar na jacket kahit pilit siyang pinipigilan ng mga rescuer ay hindi niya iyon inalintana, kita niya kasi ang isang bangkay na may suot na jacket na kilalang kilala niya, lalo pa siyang naglupasay ng makita ang halos sunog na bracelet tulad ng sakanya! Nilapitan niya ang bangkay hindi niya inalintana ang kakaibang amoy na galing doon ng akma na niyang hahawakan iyon ay pinigilan na siya ni Sky,
" Sabihin mo Sky! Sabihin mo sakin hindi siya iyon! Hindi iyon ang asawa ko! Buhay pa siya! Buhay siya! Jusko! Rain bakit!!! Loveeeeeeeeeeeeee!!!!!! Jusko hindi kopo kaya ito! Hindi ko ito matatanggap! Rainnnn! Ulannnnn loveee! Bakit ang aga! " Halos wala ng boses ang lumalabas sa labi niya, nanghihina siya! Gusto nalang din niyang malagutan ng hininga, ayaw niyang maniwala hindi! Hindi niya matanggap na sa ganoon lang kaikling panahon niya nakasama ang asawa! Hindi panaginip lang ito! Masamang panaginip lang ito! Pilit niya iyong sinisiksik sa isip niya.
^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^^
10/08/22
EDITED
BINABASA MO ANG
Higad ( She's Back ) Book 2 ( Lesbian Romance/GxG )
RomanceBagong kabanata sa buhay ni Esmeralda. Dalawang taon matapos siyang iwan ng Asawa niya, madami ng nagbago sa paligid niya ngunit ang nararamdaman niya sa Asawa'y kailanma'y hindi mawawala. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay babalik...