Chapter 14

383 15 0
                                    

"Hoy ate! Nakikinig ka ba?" Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita si Tommy, kumakain na kami ng dinner namin pero hindi ko parin nagagalaw ang pagkain ko.

Pano ba naman kasi, iniisip mo na naman sya..

"Ano? May sinasabi ka?" Tanong ko at kinain ang pagkain ko. Tommy rolled his eyes at napa iling iling pa.

"Sabi ko, may field trip kami at bukas na yun, so? Papayagan mo ba ako?" Sabi nya.

"Ilang araw ba ang field trip nyo at saan kayo pupunta?"

"Sa Palawan at tatlong araw lang kami dun." Sabi nya. Napatigil ako sa pagkain at seryosong tinignan nya.

"How about the expenses?"

"Sagot na ng scholarship ko, total, part of the school ito."

"Are you really wanted to go?"

"Kung okay lang sayo at ate, tigilan mo na nga ang pag e-english mo, nakaka nose bleed." Alam kong ginu-good time lang ako nito para payagan sya.

"Okay, pero mag iingat ka dun." I said and he showed me his smiles.

"Talaga ate? Ahh, thank you!" Niyakap pa nya ako kaya napangiti nalang ako.

"Pero magsabi ka muna sa totoo." Napatigil naman sya.

"Ano yun?"

"May boyfriend kaba?"

Halatang nagulat si Tommy at napalunok pa. "Wala no?! At lalaki kaya ako!" Napatango-tango nalang ako.

"Okay."

Matapos naming kumain, naghugas na ako ng pinagkainan namin at tinulungan si Tommy na mag impake ng gamit.

Nagpaalam muna ako sa kanya na lalabas ako para bumili sa grocery, maaga pa naman kaya bukas pa siguro ito ngayon.

Paglabas ko, nasa tapat na ng bahay ko ang scooter ko, pinakuha nga nya. Napangiti ako ng konti.

Ginamit ko nalang ang scooter papuntang grocery, hindi na ako nagsabi pa kay Cleo dahil baka busy yun.

Pagkarating ko sa grocery ay pinark ko muna ang scooter ko at pumasok na. Kumuha ako ng cart at pumunta sa vegetables site.

Kumuha ako ng mga kakailanganin ko para bukas. Pumunta naman ako sa meat site at muntik pa akong makipagagawan sa itlog ng matandang babaeng yun, mabuti nalang at may mabuti akong kalooban kaya binigay ko nalang ito sa kanya.

Charot!

Ang totoo kinuha ko talaga yun, masama na kung masama, I'm Stacey Santos darling!

"Hey!" Napalingon ako sa nagsalita habang namimili ako ng manok na preska pa and then, nakita ko si Inno na pareho ko ring may bitbit na cart.

"Ah, hi!" Sabi ko na nakangiti.

"Ikaw lang mag-isa?" Tanong nito. Gusto ko mang sabihin na 'Malamang, may nakita kabang kasama ko?' Pero hindi nalang.

Senior pa naman ito.

"Ah, oo ikaw ba?" Magpaka bobohan tayo!

"Ako lang rin."

Pagkatapos ko dun ay kumuha naman ako ng gatas at mga cerials. Nakasunod parin sa akin si Inno--ay hindi pala, kumuha kasi sya ng cereals.

"Pupunta kaba sa bar?" Tanong nito.

"Hindi, may tatapusin kasi akong assignments ngayon." I lied, tinamad talaga ako ngayon kaya di na muna ako mag ba-bar.

"Ahh." Nasabi nito. Napaka awkward namang makipagusap sa lalaking 'to.

"Pipila na ako ah, bye!" Sabi ko at pumunta agad sa casher. At for Pete's sake! Napakataas ng pila.

Nasa pang 15 siguro ako? Maygash!

"Iniiwasan mo ba ako?" Napapikit ako ng may magsalita sa likod ko. Letseng Inno! Halata na ba talaga?

Lumingon ako sa kanya at huminga ng malalalim.

"Frankly, medyo ayaw ko lang makipag-usap sayo, napaka awkward mo kasing kausap, but it's nice to talk to you anyways."

"I see, kamusta na si Christine?" Napalingon ulit ako sa kanya, this time, nagulat na talaga ako.

"You know Christine? As in Christine Sandoval?"

"Yeah, She's my..."

"Your what?" I asked. Magkakilal pala sila ni Tine?

"Tss, I'll talk to you outside." He said.

"Okay?"

Ilang oras lang ay nasa tapat na ako ng counter. Binayaran ko na lahat ng binili ko at lumabas na ng grocery.

Nakasunod parin sa akin si Inno kaya tinanong ko na agad sya kung anong meron nila ni Tine.

"We're nothing to be exact, I love her kahit pinagtutulakan nya ako palayo." Napatakip ako ng bibig ko.

So Tine is the girl na minahal nya pero di sya minahal? At sya ang kinaiinisan ni Tine na palaging bukam bibig nya?

What a small world!

"Anong dahilan?" I asked.

"Dahilan ng ano?"

"Dahilan kung bakit ka nya pinagtutulakan palayo?"

Gosh! Kailan pa ako naging chismosa?

"Let's go there, sasabihin ko sayo dyan."

Tumango naman ako at nakasunod lang sa kanya papuntang seven eleven na katapat lang ng grocery.

Binilhan nya ako ng ice cream at pinatuloy nya ang storya ng kanyang buhay.

"I met Christine sa Dj club,I knew I love her that time so I confess to her a month before we met." May bahid na lungkot sa mga boses nya.

"When she knew it, she didn't say word, umalis sya sa club at iniiwasan ako, and until now, iniiwasan parin nya ako at ako naman ay sunod na sunod parin sa kanya."

Ramdam ko ang nararamdaman nya. Napakahirap talagang magmahal sa taong hindi ka mahal.

"So, bakit mo alam na kilala ko si Tine?"

He chuckled. "Noong hindi pa ako ng confess sa kanya, She always talk about you and your bestfriend, ang cute nyo daw tignan." He smiled when he remebered that memories.

Di na ako magugulat kung sasabihin yun ni Christine, halata talaga sa cafeteria.

"I'll help you to be with Tine." I assured.

His face lightened, "Totoo?"

"Of course, but we need a deal, Tutulungan kita kay Christine, pero dapat, pasok ako sa Dj club, ano deal?"

"Yun lang? 50% narin ang bayad mo sa bar ni Troy kapag pupunta ka dun, Deal."

"Sige ba."

Thanks to Inno, makaka save na ako sa bar.

------------

Secretly Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon