Pagkatapos ng klase namin ay pumunta muna ako sa Dj's room dahil pinapatawag daw kaming lahat para malaman na kung sino ang napili at hindi napili.
Kasama ko si Cleo dahil gusto daw nyang makita na nasali ako kahit di pa talaga sure.
Or sure na talaga kasi yun ang deal namin ni Inno? Kidding, I said to him that night after our small chit chat na fair kung sino ang mapipili at walang bet including me.
Pagkarating ko sa Dj room ay pumasok na ako kasama si Cleo, nandito narin ang ibang kasama ko with their friends and girl/boyfriends.
"So everybody's complete, let's start na announcing." Sabi ni Troy habang may bitbit na papel.
Na excite lahat ng tao dito at kasama na run si Cleo, mas na excite pa sya kesa sa akin.
"I'm sure B, tanggap ka." Sabi nya.
"Who knows? Maybe yes maybe not?"
"Shh, just believe okay?"
I rolled my eyes and smirked at him. "Whatever F."
"So there are 10 persons who are officially a member of dj club and there are 14 persons who did not pass."
"The person who are now officially a member are Fei, Lenard, Roland, Stacey, Kyle, Unnice, Brent, Serrah, Nick and Fritz."
"I knew it!" Masayang bati ni Cleo. May nagsigawan dahil natanggap sila sa club and the others are felt disappointment.
"Thanks F." Sabi ko sa kanya while smiling. Nagpasalamat lang ako dahil he believe na matanggap ako.
"Congratulation new members of Dj club, here's your ID." Binigyan kami isa isa ni Troy ng ID ng Dj club.
"Thank you po."
"Thanks!"
"Thanks kuya."
For I know, nagpapabebe lang sila. Tss I don't care, I should celebrate!
"Here's your ID Stacey." Nakangiting bati ni Troy sa akin.
"Thanks Troy!" Sabi ko at tumango lang sya. Binaling nya ang tingin kay Cleo at ngumiti.
"Is this your bestfriend?" Tanong nya sa akin. Tumango ako.
"Yes, Sya nga."
Nag lahad ng kamay si Troy kay Cleo. "Hi, I'm Troy Fauler."
Tinanggap naman ni Cleo and they shook their hands. "Cleo Shawn Ramirez."
"I see, sige, balik na ako, congrats again Stacey."
"Thanks Troy." Sabi ko. Lumabas na kami ni Cleo sa room ng club at naglakad palabas ng campus.
"Tara, sa bar tayo F, may alam akong maganda." Pangaaya ko sa kanya at hiwakan ang braso nya.
"You're more beautiful B." Napagitla ako ng magsalita ito. Feeling ko, namumula na ang mukha ko ngayon.
"W-what?"
Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko and he pinched my cheeck. "I said, mas maganda ka." May gosh! Wag mo nang ulitin!
"W-what?" Stupid Stacey!!! Di ko alam pero parang may sariling utak ang bibig ko at sasabihin lang 'yun bigla.
Narinig kong tumawa si Cleo at mas nilapit pa nya ang mukha nya sa akin. Naririnig ko na at naamoy ang hininga nya.
Shit that breath! Ang bango! Amoy mentol.
"I said.." He huskily said at hinalikan ang pisngi ko. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at parang anytime pwede na akong maupo sa sahig. "..You're beautiful." Mas lalong uminit ang pisngi ko.
Para na sigurong kamatis ang mukha ko ngayon dahil sa sobrang pula nito.
W-what?
-----
Ewan ko kung bakit ako nandito sa bar kasama si Cleo ngayon. Nandito kami sa bar ni Troy pero di parin nag s-sink in sa utak ko lahat ng nangyari kanina.
Patuloy lang ako sa paginom ng gin at di ko rin alam kung natatamaan na ako ngayon.
"Hey, dahan dahan lang B." Saway sa akin ni Cleo. Nahiya naman ako ng kaunti dahil parang ang halata na ng ikinikilos ko ngayon.
"S-sorry." Sabi ko.
"Anything's wrong Stacey?" Tanong sa akin ni Troy. Nasa bar counter kasi kami ngayon dahil tinatamad kaming umupo sa mga table.
"Namamatay na yan sa kilig I'm sure." Pang-aasar naman ni Tine na kanina pa palang nasa tabi ko. Tinignan ko sya ng masama at pinapatay na sa isipan ko.
"Wala! Ano lang, na miss ko lang ang mga alcoholic drinks hehe, ilang araw na kasi akong hindi nag b-bar." Pinilit kong huwag mag kamali sa mga sinasabi ko.
"Ah that's reasonable." Sabi ni Cleo.
Whoo! Buti nalang at naniwala.
Nabalik na sa normal ang isipan ko kaya tinuloy na namin ang pag celebrate.
"Para kay Stacey!" Sabi ni Tine habang tinataas ang baso na may lamang margarita.
Natawa naman kami at sumakay nalang sa trip nya. Pagkatapos naming mag toss ng mga baso namin ay nagtawanan kami bago 'yun ininom.
Biglang nawala ang music ng bar at napatingin lahat ng tao sa lalaking may dalang gitara sa mini stage ng bar.
Hindi alam ni Inno na nandito si Tine dahil pinlano ko ito kanina. May maayos din pala akong pag-iisip kanina.
Nakita kong natigilan si Tine sa nakita nya. I smiled, parang naayon sa plano ko ang nangyayari ngayon.
The lights suddenly offed at tanging kay Inno lang nakatuon ang lights. "Hi it's me again.." Nagpalakpakan ang mga tao dito. Alam naman kasi nila kung paano kaganda ng boses ni Inno.
"So this song is dedicated to my special someone, I hope she's here so she'll know how I love her and how desperate I am to have her always in my side, I hope that she'll say yes tho she's not here." Tumawa sya.
Then he strum his guitar giving us a sweet melody and I guess, a love to Christine Sandoval.
-------
BINABASA MO ANG
Secretly Into You (COMPLETED)
ChickLitFor a 17 years old Stacey Santos, party and alcohol is the life for her--including her bestfriend Cleo Shawn Martinez. Not until she felt something towards Cleo that made her to do the one-sided-love. Sino ba naman kasi ang hindi ma f-fall sa lalaki...