Chapter 23

386 10 1
                                    

"Hoy F, umayos ka nga, nakakahiya sa mga tao dito oh!" Suway ko kay Cleo na nakayakap sa akin sa likod at nakapatong ang baba sa balikat ko.

Pero kahit anong pagtanggal ko sa kamay nya, lalo naman itong humihigpit.

"B, kahit ngayon lang please?" Sabi nya.

Naglalakad kami ngayon sa hallway patungo sa department namin. Hindi kasi ito nakatulog kagabi dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Halata naman kasi dahil inaantok pa ang mukha nito.

"Bahala ka jan!" Sabi ko at tinakpan ang mukha ng notebook para di nila ako makita.

Pinagtitinginan na kasi kami ng mga taong nadadaanan namin.

"Mababangga ka." Mahinang sabi ni Cleo kaya hanggang ilong ko nalang ang tinakpan ko para naman makita ko ang dinadaanan ko.

"Look them babe oh, ang sweet."

"Tss,"

Narinig ko ang bulungan ng magjowa na nadaanan ko. Nakakahiya na talaga promise.

But in the other hand, kinikilig ako sa ginawa ni Cleo.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa room. Umupo agad si Cleo sa upuan nya at ganun din ako. Nakipag-usap sya sa ibang kaibigan nya dun sa row nila.

Ilang sandali rin lang ay pumasok na ang una naming prof. Nag start na agad ito ng klase nya.

Agad namang naputol ang klase nya nang may dalawang senior ang humingi ng oras. Pumasok ito sa room at may in-announce.

"Attention to all student who joined the swimming club, please proceed to the hall." Sabi ng isang senior. "Thank you sir for the time." At lumabas na sila.

Tinignan ko si Cleo na palabas na ng room kasama si Hance, classmate din namin. Tinignan pa ako ni Cleo and he waved.

I just nodded and took back may senses on the discussion.

"That's all for today student, let's call it a day." Sabi nang prof namin at lumabas na ng room dala dala ang gamit nito.

Napaunat ako ng braso ko at nagdesisyong puntahan si Cleo sa hall nila.

"Stacey, sama ka? Sa cafeteria kami." Sabi ng katabi ko. Umiling ako at ngumiti.

"No thanks, pupuntahan ko'pa si Cleo." Sabi ko at lumabas na ng room.

Hindi naman masyadong malayo ang hall ng mga clubs. Bale isa kasi itong hall na para sa mga clubs, every room may iba't ibang club.

Pagkarating ko sa hall ay timing naman na lumabas ang mga kasama ni Cleo sa swimming club pero di ko pa sya nakita, lumapit ako sa isang lalake at nagtanong.

"Uhm excuse me, nasan 'po si Cleo?" Tanong ko.

"Ah si Martinez, nasa room pa, may kasama na babae." Napagitla ako sa sinagot ng lalaki sa akin.

"S-sige salamat." Pinilit kong hindi mautal para hindi mahalata na affective ako sa sinabi nya.

Baka kasama lang nila yun? Oo tama, kasama lang nila. Pero bakit ang bilis ng pag tibok ng puso ko?

Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito ako bigla.

Nakatayo lang ako sa tapat ng DJ club na katabi ng club nila. Parang nahihirapan akong makalakad. Bakit kasi ang lakas ng impact nang sinabi ng lalaking yun sa akin?

Nasa ganon akong posisyon ng biglang lumabas si Cleo kasama ang babae...na si....Kyla.

Pero ang hindi ko inaasahan ay biglang tinulak ni Kyla si Cleo sa pader at.....hinalikan.

Parang napuno ng galit ang sistema ko at susugurin ko na sana si Kyla pero biglang nawala ang galit ko. Tumulo ang luha ko at parang nanghina ang katawan ko.

Kasi...

Gumanti si Cleo ng halik.

Tumalikod ako at napapikit nalang. Naglakad ako ng mahina at nagbabasakaling makita ako ni Cleo at hahawakan nya ang kamay ko at magsimula nang magpaliwanag sa nakita ko.

Pero walang Cleo ang humawak sa kamay ko.

Walang Cleo ang pumigil sa akin

At walang Cleo na nagpaliwanag.

Tumakbo nalang ako kahit di ko alam kung saan ako pupunta.

Basta ang nasa isip ko nalang ay makalayo. Makalayo sa taong biniyak ang puso ko.

Makalayo sa taong na akala ko ako lang ang mahal,  na akala ko nakalimutan na ang naunang kasintahan.

Patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko. Kasama na dun ang hagulgol ko na dala ng pag-iyak.

I was doomed.

My heart feels numb because of so much pain. Ganito pala yun no? Yung akala mo nakalimutan na nya ang unang minahal nya? Sobrang sakit.

Tangina! Sobrang sakit!

I never did wrong naman diba? I nurture our friendship and I nurture the most our relationship.

But why? Why he need to do that?

I'm not that fool na maniniwala nalang na wala lang yun at farewell lang ni putanginang Kyla dahil aalis na ito.

Because if that is the case, he will never return the kiss.

But he did. He kissed her back. And that was a bullshit.

I think, ako ang kontrabida sa relasyon nila. Kyla was his first love, and first love never die.

I meddled their relationship just because I love my bestfriend. And know, I got this, this is the exchanged.

Alam kong tinitignan na ako ng mga estudyanteng nakakita sa akin. But I don't fucking care!

Because It was really a bullshit.

Fuck!

--------

Secretly Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon