1

1.3K 39 1
                                    

MALAKAS ang tugtog ng rock music sa silid ni Jackson, ng marinig niya ang pagtawag ng ama.

Kaagad niyang pinatay ang speaker at lumabas. Kadarating lang nito, mula sa trabaho. Mabilis na sinalubong niya ang ama at kinuha ang ilang bitbit nito saka nagmano.

Bagong sahod ito, kaya nakapaggrocery na ito. Nagbihis lang ito bago dumiretso sa kusina kung saan naroon siya, habang inaayos ang pinamili nito.

"Magtipid ka muna sa baon mo anak, baka kapusin tayo."Anang nito, sa tuwing katapusan kasi ng buwan ay regular itong naghuhulog sa savings nito sa bangko.

"Pa, baka puweding hindi na lang ako mag-aral, makakabawas din sa gastos natin 'yon." Ang kampanting saad ni Jackson sa ama. Abala ito sa paghahanda ng kanilang hapunan, nang lingunin siya nito.

Dahilan upang alanganing mapangiti siya dito. Wala namang problema kung nababawasan ang allowance niya. Ang problema ay hindi niya alam kung paano sasabihin ditong makikick-out siya.

"Oh, tapos anung gagawin mo? Anung trabaho ang mapapala mo, maging kagaya ko-" kusa nitong binitin ang sasabihin. Sabay iling at muling binalingan ang niluluto.

Pinalaki si Jack ng kanyang ama na mag-isa dahil sa isang aksidente na ikinamatay ng ina niya at ng kapatid na noo'y nasa sinapupunan ng ina. Pitong buwan itong buntis ng mahagip ito ng sasakyan dahil sa pagliligtas sa isang batang tumakbo sa kalsada, labing isang taong gulang pa lang siya noon.

"Pa, anung masama sa pagiging assistant chef, sabi mo nga diba, 'be proud, as long as you know what's right and you do right,' " ginaya pa niya ang ekspresyon ng ama kapag nagsasalita ito nang ganun.

Alam niyang pangarap ng ama na maging isang mahusay na chef pero hindi ito pinalad na makapagtapos ng pag-aaral.

Salamat sa likas nitong talent sa pagluluto at nagawa nitong makapasok ng isang bagong bukas na restaurant bilang assistant cook.

"Saka sabi mo nga masarap akong magluto. Puwede na tayong magbukas ng sarili nating restaurant"
Isang malalin na buntong hininga ang pinawalan nito, bago pinatay ang kalan at isinalin ang nilutong ginataang pusit sa lalagyan.

"Wow,"natatakam na saad ni Jack. Aktong susubo siya ng napansing nakatitig ang ama niya sa kanya.

"Bakit?" Nakangusong saad niya. Saka itinuloy ang naudlot na pagkain.

"Walang masama sa trabaho ko, kumikita ako ng maayos at napag-aaral kita ay may naiipon tayo sa bangko. Ang masama kung masasayang lang ang isang tulad mo." Seryosong saad nito. Na ikinatawa niya. Pero dahil sa seryoso ang ama niya napilitan siyang manahimik.

"Matalino ka Jackson, madiskarte sa buhay at alam kong malayo ang mararating mo anak. 'Yong pangarap nating restaurant matutupad rin 'yon sa tamang panahon."

" Sabi n'yo eh!"Walang magawa ang ama niya kundi ang matawa na lang. "So ano, payag ka na hindi na ako mag-aaral, total---"

"Tumahimik ka, at huwag mo akong daain sa ganyan, alam ko kong bakit ayaw mo mag-aral. Sinabi sa akin ng adviser mo. Nakausap ko na rin ang bagong eskuwelahan na lilipatan mo, sa lunes doon ka na papasok." Pinal na saad nito.

"Papa naman eh" anang niya saka nagkamot ng ulo.

"At puwede ba, isang taon na lang nakakagraduate ka nang high school, umiwas ka na sa gulo puwede." Kalmado pa ring saad nito.

"Hindi naman kasi ako dapat ang umalis sa eskuwelahan eh, hindi naman ata makatarungan 'yon. Kainis."Hindi niya maiwasang nakadama ng sama ng loob. Saka nagkamot ng ulo.

Ayaw man niya pero hindi niya maiwasang masama sa trouble minsan lalo na kapag hindi niya maatim na may nakikita siyang inaapi. Madalas ay nalulusutan niya iyon dahil naipagtatangol siya ng mga nabubully na natutulungan niya.

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon