SORRY,” naroon ang bigat sa dibdib ni Jackson habang naglalakad silang mag-ama pabalik ng bahay.
“Para saan naman,” balewalang saad nito habang binubuksan ang ice cream na binili nila kanina sa may kanto.
“Dahil sa akin, kaya nawalan ka ng trabaho.” Malungkot na saad niya.
“Hay naku,” mahinang kutos ang ibinigay nito sa kanya. “Kung hinayaan kitang humingi ng tawad dahil mawawalan ako ng trabaho, napakasama ko namang ama. Ayaw kong masanay kang humingi ng tawad kung wala kang ginagawang mali. Kapag nagawa mo ng isang beses, hindi malayong maulit muli. Ayaw kong mawalan ka ng dignidad. Tandaan mo ‘yan, kapag alam mong tama ka, ‘yon ay dahil tama ka. Pinalaki ba kitang hindi alam ang tama o mali?” Napangiti na lang siya.
“Isang jobless na ama, at isang estudyanting na kick out. Buhay nga naman.” Palatak niya.
“Anung nakick out? Hoy Jackson, ako lang ang nawalan ng trabaho, pero ikaw papasok ka pa rin, tandaan mo yan ha. Kundi masasaktan ka sa akin.” Banta nito.
“Pano pa ako mag-aaral wala, tayong pera. Wala ka nang trabaho.”
“Tumigil ka, may kaibagan ako sa factory sa kabilang bayan mag-aaply ako biglang security guard nila, baka nakakalimutan mo bago ako naging assistant chef, eh SG ang tatay mo. At iwas iwasan mo na ‘yong si Harris para walang gulo. Masyadong spoiled sa ama niya.”
“Opo.” Pero sa isip niya naroon pa rin ang inis. Sisiguruhin niyang hindi siya mapapaikot ng sino mang may pera dahil mahirap lang sila. Ipapakita niya sa matandang Montequero na ‘yon na mali ang ginagawa nito.
“Wow, matagal tagal na rin akong hindi nakakatikim ng lambanog, ” anang ng ama ni Jack. “Puro kasi wine o whiskey ang alam inumin ni Arthur mula ng umangat ang negosyo niya. Oh uminum ka.” Anang nito saka iniumang sa kanya ang baso.
“Pa, baka nakakalimutan mong minor pa ang anak mo. Bad imfluence ka!”
“Luko, akala mo hindi ko alam na tumitikim ka ng alak kasama ‘yong mga kaibigan mo sa dating school mo.” Napakamot siya ng ulo. Inaamin naman niyang totoo ‘yon. Nagawa lang niya iyon dahil sa pakikisama sa barkada, pero siniguro niyang hindi siya nagpakalasing. Tamang pakikiharap lang sa ilang kaibigan, na halos pare-pareho sila tulog matapos maka tigdalawang tagay.
“Hindi masamang uminum, basta nasa lugar.” Nauwi sa kuwentuhan ang kaunting inuman nilang mag-ama. At sympre knock down siya ng maka-ilang tagay ng lambanog, hindi kasi niya napansin na nakarami siya dahil parang kay tamis ng lasa ng alak na ‘yon. At tama ang ama niya, ang lasa ng alak ay depende sa kung anong dahilan ng pag-inum.“ARAY!” Gulat na daing ni Jack ng tumama sa mukha niya ang bola mula kung saan.
“Sorry!” Narinig niyang saad ng matinis na boses na ‘yon. Isang batang babae na sa tingin niya ay siyam o sampung taong gulang. Naroon siya sa park matapos niyang napagpasyahang huwag pumasok ng araw na ‘yon.
Una niyang napuna ang cute na dimples nito, kaya sa halip na mainis ay napangiti na lang siya dito saka dinampot ang bola. Lumapit ito saka kinuha ang bola sa kanya. Saka ito walang salitang tumalikod, pero bago pa ito nakahakbang ay muling humarap sa kanya. “Estudyante ka ba?” She asked in cute way. Dahilan upang magsalubong ang kilay niya.
“Hindi ba obvious!” Pabalang na sagot niya dito. Medyo na mamalditahan siya sa tabas ng dila ng batang kaharap. At bukod doon halata rin ang katarayan nito sa kabila ng maamong mukha nito.
“Well, tinanong ko lang, baka nakalimutan mo lang, besides, dapat sa mga estudyante nasa school hindi nasa park.” Sermon nito, he was caught off guard.
“Teka, paki-alam mo bang bubwit ka! Kay bata-bata mo pa, kung makasermon ka. At ikaw bakit nandito ka sa Park hindi ka ba nag-aaral ha?” Balik tanong niya dito.
“Well unlike you, I have higher IQ, hindi ko matagalan ang mga lesson ng teacher ko, ang boring!” Umiling-iling pa ito, saka namaywang ng isang kamay habang ang isang kamay ay may hawak na bola.
“Lalaki ka ba?”He asked immaturely, obvious naman na babae ito dahil sa pink na short at pink socks at naka taling long hair nito ng cute na pink ponytail.
“Do I look like a male to you?” Believe rin siya sa matalas na dila nito sa pag-eenglish.
“Oo,”kitang-kita niya ang pag-awang ng bibig nito, dala ng disgusto sa sagot niya. Which he find her even cuter. Natutuwa siya sa kaprangkahan nito. “Alam ba ng magulang mo na nandito ka sa park instead ba nasa eskuelahan ka?”
“Maybe not.” Kibit balikat na saad nito.
“Umuwi ka na nga, baka kung mapano ka pa dito, hindi mo ba alam na may mga van na nangunguha ng bata.” Pananakot niya dito. Pero nginitian lang siya nito ng nakakaluko. Halatang walang kinatatakutan ang batang nasa harap niya.
“Firstly, langing may tanod na nag-iikot dito, at hello uso na rin ang CCTV no.” Sagot nito.
“Alam mo, bakit mo ba ako kinaka-usap? Umalis ka na nga! Ang daldal mo eh.” Asar na taboy niya dito.
“Fine, but mine you, I’m a girl.” Iyon lang at nagmartsa na ito palayo saka biglang hinila ang ponytail nito saka itinapon iyon. Mukhang nagkatantrums ata ito dahil sinipa pa nito ang kawawang ponytail..
Tinawag niya ito pero hindi siya nito pinansin. Sa kung anong dahilan napagpasyahan niyang damputin ang ponytail nito. Who knows baka makita ulit niya ito, ibabalik na lang niya. Saka iyon inilagay sa bulsa.
“KAILANGAN BA, talaga kitang samahan?” Tanong ni Jackson sa ama, bitbit nila ang ilang food packs at grocery. Hindi sila mayaman, kung baga sapat lang, pero ang ama niya talagang naglalaan ito ng pera sa bahay ampuanan at madalas ay nagdadala ito ng pagkain doon. Minsan na siyang nakasama dito pero dahil walang tumatao sa bahay nila kaya madalas ito lang ang nagpupunta doon. Isa pa parang ang bigat kasi ng loob niya kapag napupunta siya doon. Dahil sobrang naawa sila sa mga batang nasa ampunan.
“Narito na tayo kaya tama nang reklamo.”
“Uncle Joel,” ang masayang tinig na ‘yon ang sumalubong sa kanilang mag-ama. At hindi niya inaasahang makita roon si Ysabel. Bigla tuloy nag-init ang mukha niya, hindi man lang siya nakapagbihis ng maayos. Sukat doon ay parang bigla siyang nailang.
“Kanina pa kayo?”Tanong nito ng makalapit nito ng makalapit sa kanila.
“Oh,”anang nito ng makilala siya.
“Magkakilala ba kayo?” Tanong ng ama niya dito na napatingin rin sa kanya.
“Opo, magkaklase ho kami.” Anito na ngumiti pa, ibang-iba ito sa tamihik na Ysabel na nakikita niya sa eskuwelahan. Parang hindi mawala ang ngiti nito sa labi. Kinuha nito ang ilang dala ng ama niya saka inaya sila papasok sa loob ng ampunan
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ni Jack dito ng makita niya si Ysabel sa labas. Nakamasid ito sa mga batang naglalaro sa playground na naroon sa di kalayuan. Hindi niya maiwasang makigaya ng pagtanaw sa mga ito. They all show happy faces, habang nakikipaglaro sa kapwa bata. Parang hindi alintanan ng mga batang ‘yon kong nasaan sila. Their innocence was heartbreaking. Dahil nagagawa ng mga batang ‘yon ang ngumiti at tumawa sa kabila ng mga pagiging ulila.
“Madalas kami dito ng Lola ko. Napakamatulungin kasi ni Lola. At isa pa ang ampunan ang nagpaaral sa akin dati. Dahil hindi nakapagtrabaho si Lola ng magkasakit siya.” Paliwanag nito.
“Nasaan ang magulang mo?” Hindi niya mapigilang tanong.
“Apat na taong gulang pa lang ako ng iwan ako ng mama ko kay Lola. Pero hindi na siya bumalik pa mula noon. ” Naglaho ang ngiti nito. “Hindi ko na nakilala ang tatay ko.”
“Sorry, hindi ko na dapat tinanong pa.”
“Ayos lang. Masuwerte pa rin ako dahil sa kabila ng lahat hindi ako pinapabayaan ni Lola. Kahit alam kong nahihirapan na rin siya. Kaya sinusuportahan ko siya. Bokasyon na ni Lola ang tumulong, kahit pa nga medyo mahina na siya, kaya ayun nandito rin ako madalas. Hindi man sa pera, at least nakakatulong kami sa mga bata.” Masayang saad nito. “Ngayon lang kita nakita dito, pero si Uncle Joel madalas siya dito. Siya ang tumulong sa sakin makalipat ng school.”
“Oo nga eh, sayang !” Napakamot siya ng ulo sa sinabi.
“Ha?”
“Ah wala, sige tulungan na kita jan?” Aniya saka kinuha ang dala nitong mga tela.
“Alam ba ng Papa mo na dalawang araw kang hindi pumasok?” Tanong nito ng naglalakad sila papasok ng ampuan.
“Ah, papasok na ako bukas. Nagpapalamig lang baka, alam mo na.” Paliwanag niya. Kahit paano ay gusto muna niyang humupa ang hidwaan sa pagitan nila ni Harris.
“Kung sa bagay, ewan masama lang talaga ang ugali ng Harris na ‘yon. Iwasan mo na lang siya.”Paalala nito.
“Salamat sa concern.”
“Ano, ako concern sa’yo? Hindi mo!” Natatawang saad nito. “Iniisip ko lang si Uncle Joel, nag-aalala siya sa’yo.” Anang nito. Medyo disappointed siya kaya napayuko siya.
“Ah, akala ko pa naman concern ka sa akin.”Napapahiyang saad niya.
“Ano! Nagpapansin ka ba sa akin?” Nagkibit balikat siya. Aminado siya torpe talaga ata siya. Kung sa school nga hindi niya magawang kausapin ito ng hindi siya naiilang. “Gusto ko ng mayamang lalaki. Kung gusto mo akong maging girlfriend maging mayaman ka muna.” Iyon lang at iniwan na siya nito. Gulat na nasundan na lang niya ito ng tingin.
Mayamang lalaki? Pano ba yumaman?
“Mukhang napahiya ang manok ko ah!” Pang-aasar ng ama niya noo’y nakalapit na pala sa kanya.
“Hindi ah!” Depensa niya.
“Sabi mo eh.”
SAMANTALA
“BINABALAAN kita Harris, huwag mong sagarin ang pasensya ko!” Sigaw ni Arthur Monteguero sa anak. Nagsumbong ata ang School Admistrator na may napagtripan na naman siyang kaklase. “Magtino ka puwede ba!”
“Ano bang mali doon Dad, para saan ang pera natin kung hindi ko puweding gawin ang gusto ko. Ikaw na naman ang nagsabi na puwede kong gawin lahat ng gusto ko diba!” Isang malakas na sampal mula sa ama ang dumapo sa mukha niya. Kaya hindi niya maiwasang makadama ng inis.
“Makinig na, isinakripisyo ko ang isang kaibigan dahil sa kalukuhan mo. Oras na namalam kong may ginagawa ka namang kalukuhan, ako mismo ang babale dyan sa sungay ko. Ang susi ng kotse--”
“Dad, ano maglalakad ako, pagpasok!” Protesta niya.
“Tandaan mo ito, mula ngayon, grounded ka sa paggamit ng kotse mo.”
“Come on I’m not a kid anymore-”
“Then don’t act like one!” Sigaw nito. Wala siyang nagawa kundi ang i-abot ang susi ng kotse sa ama.
“Damn,”dala ng inis ay ipinasya niyang lumabas muna. Tinawagan niya ang kaibigang si Jiggs para sunduin siya.
“So saan ang gimik natin.” Anang ni Jiggs.
“Kahit saan, bad trip si erpat. Buwisit kasing Jackson na ‘yon eh. Palibahsa patay gutom.” Inis na saad ni Harris. Maluwag naman sa kanya ang ama niya, pero pagkatapos ng nangayari sa kanila ni Jackson, naging mainitin ang ulo nito sa kanya.
“Pare relax lang wala kang mapapala sa inis mo sa mokong na ‘yon. Isa pa, puweding-puwede naman tayong rumesbak diba.” Nakangising saad nito.
“Alam ko, hindi ako papayag na ipahiya ako ng gagong ‘yon. Magpapalamig lang tayo ng kaunti. Kailangan malift muna ang hatol sa akin ni Dad.” Anang niya saka tiim bagang napatingin sa labas.
“Alam mo mukhang natakot rin naman, dalawang araw hindi pumasok eh.” Anang ni Jiggs dito.
“ Dapat lang, dahil sisiguruhin kong luluhod siya sa harap ko. At pahahalikin ko siya sa sapatos ko. Kabago-bago niya masyadong mapapel.” Gigil na saad ni Harris.
“Alam mo, may alam akong pampalamig ng ulo mo. Gusto mo dalawin natin si Ysabel?”
“Si Ysabel!” Mula kung saan parang may sinindihang kandila sa mukha ni Harris dahil nagliwanag ‘yon. Sapat na ang pangalan ng babae para gumaan ang pakiramdam niya. Kahit pa nga hayagang hindi siya nito pinapansin sa klase nila. Hindi pa rin niya mapigilang gustuhin ito. Ysabel was the kind of woman na bagay sa isang tulad niya. Iyon ang paniniwala ni Harris. Dahil bukod sa maganda ito, matalino rin ito. Kaya kahit pa madalas naapakan nito ang pride niya dahil hindi siya nito pinapansin. Ayos lang sa kanya. Pasasaan ba’t mapapasakanya rin ang dalaga. Isa pa bagong salta lang ito sa eskuwelahan.
Sabi nga nila what Harris Montequero wants, Harris get. At hindi excemption roon si Ysabel.
Hindi naman naging mahirap na marating ang bahay nila Ysabel. Pero mukhang wrong timing ang punta nila dahil parang walang tao sa bahay.
“Hay pambihira naman oh!” Inis na saad ni Harris.
“Ayos lang ‘yon, papasok naman sa school bukas ‘yon eh.” Pampalubag loob na saad ni Jigss sa kanya. Diretso na lang tayo sa bahay, wala sila ermats kaya puwede tayo doon." Aya nito. Kaagad naman siyang pumayag. Feel rin niyang uminum dahil badtrip siya.
“Pare saglit! Mukhang hindi na ako mabobored.” Napangisi siya ng napatingin sa direksyon ng bulto ng katawang naglalakad.
SAMANTALA
“SIGE Sir, walang problema.” Saad ni Joel sa kausap sa kanyang cellphone. Ang boss niya sa pabrika ang tumawag, ayon dito, ay hindi pumasok ang pangabing SG kaya naki-usap itong i-releive niya ang isang kasamahan dahil, nagkaroon umano ng emergency.
“Bakit Pa?” Ipinaliwanag niya sa anak ang nangayari saka nagbihis. “Hindi ba masyado ng gabi para pumunta sa pabrika?” Nag-aalang saad niya. May kalayuan kasi ang fabrika, kaya nga napilitan itong bumili ng motor bilang service nito.
“Alam ko, kaso kawawa naman ‘yong tao, nag-aalala sa asawa niya manganganak eh.” Anang nito. “Siya sige na at may pasok ka pa bukas alas otso na. Siguruhin mong nakalock ang pinto pag-alis ko ” Dala nang pagmamadali ay naiwan nito ang cellphone nito habang nakacharge.
Maingat ang pagpapatakbo ni Joel sa motor patungo sa pabrika.
Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, sa madilim na kurbadang ‘yon isang humaharurot na sasakyang ang sumalubong kay Joel.
Umikot ang pakiramdam ni Joel ng sumalpok ito sa windshield ng kotse saka tumilapon sa ibabang bahagi ng kalsada.
Samantala. Parang natauhan naman ang sakay ang driver ng kotse.
“Damn it!” Sa nanginginig na kamay , ay lumabas si Harris ng kotse, upang tinginan ang nangayari. Sunod sunod na napamura siya, dala ng panic. Urong sulong kung baba para tulungan ang nabanga niya.
“Tu—tulong!” Narinig niyang daing ng taong nabanga niya. Gumuhit ang matinding takot sa isip niya kaya napaatras siya.
“Hi—hindi , wa-wala akong kasalanan--” Iyon ang paulit ulit na inuusal nito.😊😊If you like this part please vote.❤❤❤
Enjoy reading everyone one.
BINABASA MO ANG
BECAUSE THIS IS OUR TIME
RomanceEla Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hindi nagustuhan. She gave direct criticism carelessly, and she never felt sorry lalo na kapag alam n...