CHAPTER 5
“WALA PA RIN, tayong customer?” Anang ni Jackson ng dumating siya sa restobar. Halos kalahating buwan na mula ng buksan niya ang restobar ang J&J Restobar. Pero napakabagal ng pag-usad ng negosyo niya. Gamit ang mga naipong pera sa pagtratrabaho niya sa abroad bilang oil controller sa middle east. Iyon ay sa tulong ni Wilson Garcia. It was a risky decision, gumamit siya ng ibang pangalan upang makapasok sa ibang bansa. He was just nineteen that time. Pero nagawa niyang lampasan ang unang bahaging ‘yon.
Pitong taon siyang namalagi roon, nagtrabaho ng husto. Ang amo niya ang tumulong sa kanya upang maging legal ang pagtatraho niya roon. Pinatunayan niyang hindi hadlang ang hindi makapagtapos ng pag-aaral upang makamit ang nais niya. At pagbalik niya ng Pilipinas ay nagpasya siyang mag-aral, pero dahil nawalan na siya ng gana, umabot lang ng dalawang taon ang pag-aaral niya ng Business Adminstration. Mas interesado kasi siyang kumita ng pera, kaya nagtrabaho siya sa isang restaurant sa loob ng halos isang taon, upang maintindihan niya ang takbo ng negosyong nais niyang pasukin.
Hanggang nagpasya nga siyang magbukas ng sariling negosyo.“Ewan ba boss, masarap naman ang pagkain natin, pero parang walang nakakapasin sa resto natin eh.” Komento ni Caloy. Its been ten year mula ng makilala niya ang dating gangster na si Caloy.
“Kanina pagdaan ko sa ilang resto ang daming tao, lalo na ‘yong Montequero Restu. Grabe!” Gumalaw ang bagang niya ng marinig ang pangalang ‘yon. Ilang restobar na ba ang pag-aari ng Montequero Business Corp. Sa nakalipas na mga taon, mas nakilala ito sa food industry. Kung tutuusin parang langam lang ang restu niya kung ikukumpara dito. Pero sabi nga sa autobiography ni Arthur Montequero, everything starts from scratch.“Ayos lang ‘yan Caloy!, makukuha rin natin ang atensyon ng mga tao dito sa Main District.” Paghihimok niya dito. “ Kaya galingan n’yo ha. Kayo muna ang bahala dito, mag-iikot lang ako, kung may problema tawagan n’yo agad ako.”
Madalas na umiikot si Jackson sa paligid ng Main District, nalawak at sadyang dinadayo ng mga tao, marami kasing intersection patungo sa iba ibang lugar at maraming building na nakatayo sa palagid ng Main District, kaya’t buhay na buhay ang lugar twenty four seven. Hindi niya maiwasang huminto sa tapat ng Montequero Restu ang pinakasikat na Restu sa Main District at maging sa ibang lugar sa Metro Manila.
“Jackson, ” ang tinig na ‘yon ang nagpalingon sa kanya. Dahilang upang matigilan siya. Lalo na ng makita niya ang nakangiting babaeng palapit sa kanya.
“Ys—sabel?”Umaliwalas ang nagtatakang mukha nito “Akala ko hindi mo na ako naalala.”
“Puwede ba naman ‘yon.” Napahiyang saad niya. “ But honestly you look different.” Hindi niya maiwasang sambitin ‘yon. Bagay na ikinailang rin naman niya, kaya napakamot siya ng ulo.
“Different in what way? Maganda o pangit?” Anang nito saka tuluyang lumapit sa kanya.
“Maganda.” Saad niya, saka naramdaman ang pag-init ng mukha.
“Tara sa loob.” Aya nito na hinawakan ang braso niya. “So anong ginagawa mo dito sa Main District? Kailan ka pa dito?” Sunud-sunod na tanong nito.
“Mag-iisang buwan pa lang, sa akin ‘yong bagong bukas na restobar sa kabilang kanto.” Pag-amin niya.
“Talaga, that’s a good spot. So how’s your business doing?” Bakas sa mukha nito ang excitement.
“Kakasimula pa lang kaya hindi pa masyadong okay, pero pasasaan ba’t aayos rin ang takbo ng negosyo.” Naroon ang determinasyon sa sinabi niya.
“I know, nagawa mong tuparin ang pangarap mo, sa totoo lang hindi ko naisip na seryoso ka sa sinabi mo noon. But looking at you, alam kong magagawa mo rin ‘yan.” Anito. “And--- I’m still single.” Hindi niya maiwasang mapangiti.
BINABASA MO ANG
BECAUSE THIS IS OUR TIME
RomanceEla Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hindi nagustuhan. She gave direct criticism carelessly, and she never felt sorry lalo na kapag alam n...