CHAPTER 11
MALAKI ANG naging expenses nila dahil sa pagpapalit na mga gamit na nasira, at dalawang araw ring hindi napakapagbukas dahil doon. Mabuti na lang at maganda naman ang takbo ng mga bagong branch nila. Pero hindi naging maganda ang kaso nila laban sa mga nanira sa resto. Malaki ang paniniwala ni Jack na may kinalaman si Harris sa nangyari, pero walang isa mang umanin sa mga nahuli. Wala silang matibay na ebidensya para idiin si Harris. Pero ang mahalaga ay walang nasaktan sa mga tauhan niya.
“In fairness, mas gumanda pa ang ambiance ng resto,”anang ni Ela na noo’y nakapasok na sa opisina niya.
“All thanks to you.” Boung sensiridad na saad niya. Na ikinangiti ni Ela. Saka parang may ina-antay. “Yong reward ko,” anang nito saka bahagyang yumuko na ipinagtaka niya.“Ha?”
“You used to pet me when I did good job,”anang nito. Unknowingly, ay ginagawa nga niya ‘yon dito. He was about to touch her head ng bigla siyang natigilan.
“Umayos ka nga, Ela.” Saway niya na ikinasimagot nito. Alam niyang hindi tama na masyado siyang nagiging attached sa dalaga, but she was making him felt better everytime she’s around him.
“Then I should be the one---” She was about to touch his head. Natigilan ito ng hawakan niya ng pulsuhan nito. Kaya napatitig ito sa kanya. May ilang galos ang kamay nito. Parang bigla siyang nasaktan dahil doon.
“Bakit may mga galos ang kamay mo?” Hindi niya napigilang tanong na ikinabawi nito ng kamay, pero hindi niya pinakawalan ‘yon.
“Okay lang ‘yan maliit na bagay--”
“Maliit na bagay, mukhang hindi mo man lang nilinis yan, paano kung mainpeksyon yan.” Inis na sita niya dito.
“Hindi ko ikamamatay ‘to kaya—ay. ” Gulat na tili nitong ng hilahin niya ito paupo sa sofa. “Ano ka ba?” Pagalit na saad nito na ikinakunot noo niya. Parang hindi siya komportable na inis ito sa kanya. Concern lang naman talaga siya dito. “Sabing okay lang---”
“Stay still or your fired.” Nasabi niya ng aktong tatayo ito. Parang batang bumalik ito sa pagkakaupo, na ikinangiti na lang niya. Kinuha niya ang medicine kit saka naupo sa tabi nito. Saka maingat na dinisinpect ang ilang galos sa pulsuhan at kamay nito.
“Maliit na sugat lang ‘to,--”
“Shhhh--” saway niya nito. He was busy cleaning her small wounds and she was busy staring at him. Panay pa ang ngiti nito, kaya pilit niyang pinigilan ang sariling napangiti na rin lang dito.
“Linisan ulit natin mamaya after six hours.”Anang niya dito, matapos lagyan ng bandaid ang sugat .
“Kaya lalo kitang minamahal eh, ang sweet mo kasi sa akin.” Anitong hindi nawala ang ngiti sa labi. And everytime her words made him felt uneasy.
“Ela, stop saying that---”
“Then don’t make me fell, that I am more than just your manager to you. ”Anang nito saka bumuntong hininga habang nakatitig sa kamay na may bandaid. Napalunok siya dito, pano ba niya ito tinuturing para isipin nitong higit pa sa isang manager o kaibigan ang turing niya dito? Napakamot siya ng noo. Then end up staring at her. She was so pretty she can’t even resist but to stare.
“You’re really are naïve and clueless, Boss.” Anang nito saka tumayo. “Pero kahit siguro tumigil ka sa pagiging sweet at mabait sa akin, I may not be able to stop this, right?” ‘Yon lang at iniwan na siya nito. Pero bago ito tuluyang tumalikod sa kanya kita niya ang lungkot sa mata nito. That sadness made his heart aches. Pero napailing na lang siya.
BINABASA MO ANG
BECAUSE THIS IS OUR TIME
RomanceEla Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hindi nagustuhan. She gave direct criticism carelessly, and she never felt sorry lalo na kapag alam n...