13

344 20 0
                                    

CHAPTER 13

PARA SA NEWS  update, inaresto kahapon ang nag-iisang anak ng may-ari ng MBC na si Harris Montequero dahil sa paninira umano ng farm ni Danilo Penaranda. Ito ay ayon sa kuha ng CCTV footage ng farm na supplier ng J&J Restobar. Nasa ospital ngayon ang isa sa nga tauhan ng farm dahil sa pambubogbog ng mga suspect at kasalukuyang critical ang condition .” Iyon ang balitang nabungran ni Ela buksan niya ang TV ng umagang ‘yon. Naghahanda siya para pumasok. Kaya hindi niya maiwasang mainis. Wala siyang alam sa nagaganap sa kompanya sa nakaraang dalawang araw, at hindi siya nakapaniwala na hindi sinabi ni Jack ‘yon.

“I can’t believe it! Paano niya nagawa ‘yon. Ang salbahi ng Harris na ‘yon.”  Nahihintakutang saad ni Chuna Mae, ng ipalabas ang CCTV footage. Bagaman ginawang blurred ‘yon hindi maipagkakaila ang kasamaan ng ng pagkatao nito. 

“Kumain na kayong dalawa.” Ang mama niya.    “Hindi ba, maapektuhang ang kompanya ninyo sa nangyayari ngayon Ela?”Naroon ang pag-aalala sa tinig ng ina.

Bagaman napatunay niya ditong hindi siya nagkamali sa desisyon niya, alam niyang nag-aalala pa rin ito para sa kanya.  Alam kasi nito maging ang paninira ni sa resto noon. At ngayon ay nasa balita ang ginawa ni Harris sa farm ng supplier nila.

“Naku, tita huwag kang mag-alala. Hindi ‘yan pababayaan ng Boss niya.” Pag-aassure ni Chuna Mae dito. “Kita mo naman pati, pag-uwi hinahatid pa, saan ka naman nakakita ng ganyang Boss.”

“May relasyon ba kayo ng Boss mo anak? Wala namang kaso kung siya ang magustuhan mo, pero sana naman eh, papuntahin mo dito sa bahay.”

“How I wish na sagutin na niya ako.” Kibit balikat na saad niya na ikinalaglag nang hawak nitong tinidor. “Pero gusto ko siyang sakalin ngayon.” Inis na turan niya. Naiimagine na niya kung paano niya kokomprontahin si Jack sa ginawa nitong pambabalewala sa kanya. Hindi lang sa feelings  niya, kundi maging sa trabaho niya.

“Ikaw ang nanliligaw sa lalaki!” Eksaheradang saad nito.

“I just confess my feeling for him,” kibit balikat na saad niya.

“Ela!” Natitilihang saad nito.  “Nagkamali ba ako ng pagpapalaki sa’yo?” Dismayadong saad nito.

“Sa tingin ko hindi naman,” she gave her that re-assuring glance. “You raised me well kaya, ganito ako ngayon.” Kung maari lang ay gusto na niyang umalis at para makausap agad niya si Jack. Pero dahil  siguradong magtatampo ang ina niya kapag hindi siya kumain ng almusal sa bahay kaya nagtimpi na lang muna siya.

“Oo nga Tita, saka walang normal na lalaki ang papatol kay Ela, hindi nila kaya ang personality niya.”

“Ang sama mo!” Angil niya dito. 



WHAT IS HE THINGKING, damn it!”  Hindi mapigilan ni Arthur ang galit, dahil sa ginagawa ng anak niya. “Paano niya naisip na makakabuti ang bagay na ‘yon.  Atty., ayusin mo ang kaso ni Harris. Kailagan makalabas siya.” Anang niya sa abogado. Kaagad naman itong nagpaalam para umalis. “Anthony, kailangan mong i-settle ang pamilya ng biktima. Make sure na hindi na sila magrereklamo. At gawan mo nang paraan ang media. Para mapigilan ang mga investor, bakit ngayon pa kung kailan malapit na ang board meeting.” Tiim bagang saad nito.

“Sir, kailagan n’yong malaman na ibinenta ni Mark Gomez ang shares niya sa may-ari ng J&J”

“Ano!”Pakiramdam niya ay tumaas ang presyon ng dugo niya. Noon naman nag ring ang intercom niya.  Ipinaalam nitong naroon si Jackson Alegre at gusto siyang maka-usap.  Speaking of that bastard. Masyado na siyang hinahamon ni Jackson.

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon