4

352 18 1
                                    

CHAPTER 4

GINUGOL,  ni Jackson ang panahon siya para mas marami pa siyang matutunan. At naging obsession rin niya ang pagbabasa, lalo na kung tungko kay Arthur Montequero.  His been collecting news clips mula sa mga newspaper na ipinahihiram sa kanya sa Detention. 

At sa nakalipas na halos isang taon lang mas lalong nakilala ang negosyo ng mga Montequero. Mas yumaman pa ito.  Mas makapangyarihan.

At sa tuwing nakikita niya ang mukha ni Harris, sa balita ay lalong tumitindi ang paghangad niyang  balang araw, pagbabayaran nito ang kasalanan nito. He even work out to make his body more fit. 

Dahil hindi lang dapat ang isip niya ang malakas, kundi paging Ang physical niya.

Pero ng araw na ‘yon hindi niya inaasahan ang naging panauhin niya.

“Kumusta losser!” Ang nakaka-insultong ngiti ni Harris ay nagdulot ng matinding galit sa dibdib niya.

“May dala mga pala ako para sa’yo. Sabi ni Papa dalawin daw kita.” Masayang saad nito. Habang siya ay nagngingit-ngit sa galit, hatalatang nag-eenjoy itong makita siya sa Detention Center. “ Kung matuto ka lang sanang lumugar sa buhay mo, hindi mangyayari ‘to sa’yo. ”

“Ano bang kailangan mo hayop ka!” Pigil ang galit na mura niya dito.

“Gusto lang kitang makita, ayaw mo ba ‘yon? Ah--”anito. “Nililigawan ko pala si Ysabel, may gusto ka pala sa kanya. Concern lang ako kaya ipinaalam ko sa’yo.” Anang nito saka nakakalukong ngumiti.
Alam niyang ginagalit lang siya niya. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa nitong magpakita sa kanya. Pasalamat ito, dahil may pagitan ang kinatatayuan nila.  Kuyom ang kamaong  sinundan lang niya ng tingin ang paalis na si Harris. "May araw ka rin Harris Montequero"

“Aaliwalas ang mukha mo kusa ah,”saad ng Ferdie tulad niya ay nakakulong sa detention Center. Dahil sa napatay nito ang amain nito. Ginawa lang nito ‘yon upang ipagtangol ang pananakit nito sa ina. At sa susunod na buwan didinigin ang kaso nito upang mapawalang sala sa kasong homicide. Pero kapag natalo ang kaso ay malilipat na ito sa correctional at doon bububuin ang  ilang taong parusa dito. 

“Buti, ka pa makakalaya ka na sa katapusan.” Naroon ang sensiridad na may halong ingit  ang tinig nito.

“Ano ka ba, magtiwala ka ang makakalabas ka rin dito. Magdasal ka lang lagi.” Aniya saka tinapik ang balikat nito. “Alam  Niya na mabuti kang tao.” Isang tipid na ngiti ang isinagot nito. Saka sila kapwa natahimik.

“Siya ng pala pano ka paglabas mo dito?” Naroon ang concern sa tinig nito. Sa sandaling panahong nagkakilala siya ay naging sandalan nila ang isa’t isa.

“May saving na iniwan sa akin si Papa, at inaasikaso ko na rin ang pagbenta ng bahay ay lupa namin. Para makapasimula ng bagong buhay. Maari pa naman daw akong makabalik sa pag-aaral at makapag college.” Aniya dito. Naisip niyang masuwerte pa rin siya, dahil may mga taong tumutulong sa kanya.

“Good luck pare.”

“Sa’yo din, tiwala lang makakalaya ka rin dito.”


Pagkalipas ng halos isang buwan ay natangap ni Jackson ang kanyang release order.

“Salamat sir,” saad niya sa kaibagan niyang warden sa detention center. Mabait at maunawain ang may edad na lalaki na si Mang  Gusman kung tawagin ng lahat. Ito ang tumutulong sa kanya para maisaayos ang pagbebenta ng  bahay at lupa nila.

“Salamat dahil nagpakatino na,”saad nito saka ngumiti. “Kung wala kang mapupuntahan, ”anang nito at inabot ang isang papel sa kanya. “Pumunta ka sa lugar na yan, hanapin mo si Wilson matutulungan ka niya. ”

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon