CHAPTER 12
"ARE YOU ALRIGHT?" Hindi mapigilang tanong ni Jack kay Ela, habang pinagmamasdan niya ito, mula kanilang umaga ay sunod sunod ang meeting nila hanggang sa hapon, ilang investors ng J&J ang kausap nila. Dahil mas malaki na ang market na kini-cater nila kaya mas naging madami ang trabaho nila.
"Yeah, you look pale," saad ni Mark.
"Ayos lang ako, madami lang talagang trabaho, I just need to rest."Pag-aasure nito sa kanila. All eyes are watching her, nagkaroon sila ng meeting para sa bagong menu na gusto nilang idagdag. It was Derek dish kaya kompleto sila para magdiscuss ng ilang detalye.
Dala nang pag-aalala ay hinawakan niya ito sa noo. At hindi niya maiwasang mapamura sa kahit na sa harap ng lahat."Bakit hindi mo sinasabing masama ang pakiramdam mo, may lagnat ka." Inis na saad niya, alam niyang hindi dahil nasira ang meeting nila kaya siya naiinis. Kundi dahil biglang nagpanic ang mga utak niya na nagkasakit si Ela.
"Ayos lang talaga ko---"
"No, dadalhin kita sa hospital, "sansala niya saka tumayo, upang alalayan nito. "Let's go." Pero nagulat siya ng bilang tumayo si Chester.
"Ako na ang magdadala kay Ela sa hospital, ituloy n'yo na ang meeting." Anang ni Chester na hinawakan si Ela sa kabilang kamay. On instinct at tinabig niya ang kamay nito. Bagay na ikinagulat nito. At maging ang mga naroon.
"Importante ang meeting, natin Jack, mas mabuting si Chester na lang ang---"
"No, well reschedule the meeting later, "sansala niya sa sasabihin ni Greg. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagngiti nito saka tumingin kay Mark. Saka ito nagsalita ng "I told you so." Kung para saan ay hindi niya alam.
"Tama si Atty., Boss Jack si Chester na lang---"
"Isa ka pa, tumayo ko na kung ayaw mong buhatin pa kita d'yan." Pagalit na saad niya nito. Kaya napilitan itong tumayo. At humingi ng pasensya sa mga naroon. Halatang nagulat si Chester pero nanatili itong nakatayo roon.
Halos paliparin niya ang sasakyan upang madala ito sa hospital. Alam niyang oa ang kilos niya pero, ano bang magagawa niya he was so damn worried about this woman.
Samantala.
"Oh naniniwala ka na, his inlove with Ela." Saad ni Greg kay Mark ng makaalis ang mga ito. Na sinang-ayunan ng mga naroon.
"Alam ninyong lahat?" Gulat na saad ni Mark, halatang hindi makapaniwala na ito lang ang hindi nakakapansin. "But they're not in relationship right?" Dagdag pa nito.
"Hindi kailangan ng confirmation no, sa tingin ko confuse lang si Boss Jack about sa feelings niya kay Ela. Pero si Ela, in love talaga kay Boss." Anang ni Leo na halatang hindi nagustuhan ni Chester.
"Tumigil ka nga Leo,"pagalit na saway nito.
"Alam mo sumuko ka na lang kasi, siguro nga mas okay kayo dahil magka-edad lang kayo ni Ela, pero si Boss Jack ang gusto niya. Ang bagal mo kasi eh, 'yan." Tudyo pa ni Leo.
"Kahit ligawan ko pa siya o hindi alam ko naman sa simula pa lang. Kung bakit siya nagdesisyong magtrahaho para kay Boss Jack. Hindi si Ela ang tipo ng taong gustong magtrabaho ng may Boss. Pero dahil kay Boss Jack kaya---""Wow, ibig sabihin, from the start pa lang. Eh pano si Ysabel?" Si Caloy na parang biglang sumakit ang ulo.
"Eh di ligawan mo kung gusto mo-" Inis na saad ni Leo dito. "Problema na niya 'yon. Kasalanan din niya, babagal-bagal rin siya.""Eh ba't nagagalit ka?"
"Hindi ako galit no, nakuha mo pa kasing isipin si Ysabel, alam mo may gusto si Ela kay Boss, nasaan ang loyalty mo ha." Inirapan pa nito si Caloy.
BINABASA MO ANG
BECAUSE THIS IS OUR TIME
RomanceEla Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hindi nagustuhan. She gave direct criticism carelessly, and she never felt sorry lalo na kapag alam n...