15

525 18 0
                                    

CHAPTER 15

NANAKIT ANG ulo ni Jack ng magising siya. Noon niya narinig ang boses ni Leo na sinabing gising na siya.
Saka nagflash back sa utak niya ang nangyari. Dahilan upang mapabaliwas siya ng bangon. Kaya lalo niyang naramdaman ang pagkirot ng ulo niya.

“Si Ela!” Agad niyang tanong ng makabangon, na ikinalapit ni Leo sa kanya.

“Tulog pasiya  dahil sa anistesya. Pero okay na siya, huwag kang mag-alala.” Pag-aassure nito, kaya bigla siyang nakahinga ng maluwag.

“Bakit ba ako nandito,”aniya saka napatingin sa dextrose na nakabit sa kamay niya.

“Nawalan ka nang malay matapos mong malaman na okay na si Ela.  Paano mo natiis ‘yon, Boss Jack. Buti na lang hindi grabe ang epekto ng pagkakapukpok sa ulo mo.  Kapag nalaman ni Ela ‘yon, siguradong magagalit ‘yon.”Alam niya ‘yon. Siguradong sasabihin nitong pinabayan niya ang sarili niya. Pero hindi malahaga ang anumang sasabihin nito, mas may karapatan siyang magalit dahil mas pinili nitong masaktan para sa kanya.


“Gusto ko s’yang makita.” Aniya dito, na ikinatango  lang nito, hinawi nito  ang kurtinang dingding, parang nakahinga siya ng maluwag  ng makita niya ang tulog pa ring dalaga.  At hindi niya naiwasang mag-init ang mga mata.

“Ligtas na siya Boss, huwag ka nang mag-alala. Lalabas lang ako.” Anang nito saka nagpaalam.

Maingat na  naglakad siya palapit sa natutulog na dalaga. Nakaalalay lang siya sa nasasabitan ng dextrose niya. Saka naupo sa gilid ng kama ni Ela. Hindi na niya  pinigilan ang sariling haplusin ang mukha nito. Bagay na tila tuluyang nagpagaan sa pakiramdam niya.


“Wala ka na bang ibang alam gawin kundi ang iligtas ako ha!” Kausap niya dito. “I should be the one protecting ‘you, pero mas madami ka pang ginawa para sa akin. Kaya pangako, mula ngayon wala na akong ibang iisipin kundi ikaw. Kailangan pang umbot sa ganito, para marealized ko na hindi ko kayang mawala ka sa akin. I promise to treat you better this time.” He planted a kiss on her forehead, then to her nose, then she end up kissing her sweet lips. Saka siya napangiti.

“Ikaw na ngayon ang nagnanakaw ng halik.” Mahina pero, dinig niya ang tinig nito na ikinatitig niya sa mga mata nito. Namumungay pa ang mga mata nito. Saka ito ngumiti.

“Hmmm--”tumango siya. “May utang ka sa akin, naninigil lang ako. I still have one more kiss to claim.”Without her consent he claim a long and deep kiss, he could feel his heart beating faster than usual. And it feels good, dahil pakiramdam niya, sa mahabang panahon mula ng mawala ang ama niya. Noon lang ulit siya nakadama ng tunay na kaligayahan sa puso niya. It was a long breathtaking kiss. At nang pakawalan niya ito, kitang-kita niya ang panumula ng mukha nito. Na ikinangiti niya. “From now on you don’t need to steal a kiss from me.”

“Isang beses lang---”

“Di nga!”Tudyo niya dito. Sympre alam niya ang unang pagkakataon na hinalikan siya nito.

“Alam mong---”anito sa mas lalong namulang mukha. Bagay na ikinatango na lang niya.

“I just don’t know to react, kaya nagkunwari na lang akong walang alam the first time.”

“Kainis ka alam mo.” Nakangusong saad nito.

"It just turn out that way," may ngiti sa labing saad nito.

"Akala ko ba kayo na ni Ysabel?" Bakas ang lungkot sa mata nito. "I saw you--"

"Ginawa niya Lang niya 'yon para asarin ka,  she just made me realize what you really mean to me." Pag-amin niya dito.

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon