EPILOQUE

664 32 4
                                    

EPILOQUE

"I'M SURE, nagugustuhan ng Board ang presentation mo, Jenny." Pag-aassure ni Leo sa bagong promote na marketing manager. Siya ang humahalili kay Jack habang nasa honeymoon ang mga ito. Kaagad naman nagpa-alam si Jenny, she was about to take a short break ng biglang pumasok si Caloy sa opisina niya.

"Lunch out tayo." Anang nito, he looks so different since he become director of Marketing Department. Hindi mo aakalain na dating pasaway na gangster. Bagaman madalas niyang mapansin na panay ang papansin nito mula ng magsimula niyang pag-aralang kumilos at magbihis babae, mas madalas pa rin siya nitong asarin.

"Pagod ako, hay kailan ba sila babalik." Nakasimangot na reklamo niya.

"Ito naman one week pa lang silang nasa Japan. Hayaan mo silang mag-enjoy sa honeymoon nila."Anang nito saka lumapit pa sa kanya. Pumuwesto sa likod niya saka menasahe ang balikat niya.

"Ang sweet n'yo naman," it was Chester kasunod si Derek.

"Kumusta ang bisita ninyo sa bagong branch?" Aniyang hindi pinansin ang pang-aasar ni Chester. "Aray!" Daing niya ng maramdaman niyang idiniin ni Caloy ang pagpisil sa balikat niya.

"Kainis ka talaga no, nagmamadangang loob ka na rin lang hindi mo pa lubos lubosin." Sermon niya dito.

"Abosada ka naman masyado. Nagbihis babae ka lang naging mapagsamantala ka na." Anito saka itinigil ang ginagawa. "Kumain na kasi tayo."

"Bakit kasi hindi ka kumain mag-isa mo?" Singhal niya dito.

"Ano ka ba, gusto niyang kasabay ka lagi eh,"singit ni Derek. "Inaaya nga namin kanina, busog pa daw, 'yon pala ikaw ang gustong ayain. Hay, kailangan na rin natin humanap ng maayang kumain, pare." Baling ni kay Chester na inakbayan pa ito.

"Sa tingin ko nga." Sang-ayon nito saka iniwan sila. Kaya napilitan siyang tumayo. Pero parang walang plano si Caloy na umalis doon.

"Oh anu na, akala ko ba kakain tayo."Aniya dito, saka ito ngumiti at parang batang tumakbo palapit sa kanya. Saka siya inakbayan nito.

"Bakit ba ako ang kinukulit mo lagi?" Anang niya habang naglalakad siya palabas ng building.

"Wala lang, gusto ko lang." Anang nito saka mabilis na naglakad palayo sa kanya.

"Huwag mo lang sabihing type mo ako, dahil baka mapatay lang kita."

"Choosy ka pa, wala naman atang lalaking magkakagusto sa'yo. Babae baka mayroon." Isang malakas na hampas ang ibinigay niya kay Caloy. But he just laugh at her, na parang sayang saya itong naiinis siya.

NAPANGITI si Ysabel nang makita niya ng post ni Ela sa Japan. Naging follower na rin siya nito. Aminado naman siyang napapabilib siya ni Ela. At hindi niya inaasahang sikat ito, millions ang followers nito at napakaraming views ng bawat blog nito. Pero ang pinakasikat sa lahat ay ang wedding nito at ni Jack. Hindi pa rin niya maiwasang makadama ng panghihinayan. Pero tama si Leo babagal-bagal lang kasi siya. She push the heart emoji para sa bagong picture na pinost ni Ela. Halatang masaya ang mga ito sa bagong buhay ng mga ito.

At kahit nasaktan siya masaya na rin naman siya para sa lalaking kay tagal niyang iningatan sa puso niya. Tama ang ilang kaibigan niya. Panahon na para buksan niya ang puso niya para sa iba.
She was having her vacation after a very long time. At gusto niyang maging memorable ang unang travel niya na hindi para sa trabaho. Kundi para sa sarili. Nanatili pa rin siya sa MBC. Realizing that made her think na hindi siya nanatili doon ng matagal dahil napilitan lang siya. Kundi dahil malaki ang tiwalang ibinigay sa kanya ni Arthur Montequero. And he value all her efforts. Kaya matapos ang kaso nito. Binigyan siya nito ng mahaba habang bakasyon dahil sa maayos niyang pagmamanage ng MBC. Kaya hayun siya sa Bali Indonisia.

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon