14

388 15 0
                                    

CHAPTER 14


“BAKIT HINDI natin i-report sa police Boss, pano kung saktan nila si Ela?” Nag-aalalang tanong ni Leo sa kanya.  Ipinasya nilang magsara na muna. Naghihintay siya ng oras ng dumating ang message mula sa cellphone nila. It was a picture of her. Wala itong malay habang may duck tape sa bibig.

“Oh my god!” Usal ni Leo ng makita ang larawan.

“Anong gagawin natin Boss?”Si Caloy, seryoso ang anyo nito. “Kailangan natin ng back-up. Hindi ka tatangihan ni Drake. Mas magagaling pa sa police ‘yon.” Hindi na ito naghintay ng sasabihin niya. Mabilis nitong inalis ang  apron  na sout nito. Saka kinuha ang cellphone nito.

Ilang taon na ng ewan ni Caloy ang pagiging isang gangster. Pero alam niyang may contact pa rin ito sa mga dating kasamahan.

Dalawang ulit itong nakulong  dahil sa gulong nasasangkotan nito noon. Nagkakila sila nang iligtas niya ito sa isang aksidete. Bago siya nakaalis ng bansa noon.   At pagkalipas ng dalawang  taon, ay muli silang nagkita sa middle east at ito bilang TNT. May working visa na siya noon. At sa tulong ng amo niya ay nagawa rin nitong makakuha ng working visa. At tinangap ito sa pinagtatrabahuan niya.  Mabait at masigpag si Caloy pero dahil mahilig ito sa sugal noon, naubos ang perang pinaghirapan nito ng bumalik sila sa Pilipinas. Kaya napilitan itong muling bumalik sa mga  grupong kinabibiglangan nito

  Isang grupo ng mga gangster na binabayaran ng mga taong may gustong  ipatumba. Alam niyang nagagawa lang nito ‘yon dala ng kahirapan noong kabataan nito. But he changed, mula ng muntik na itong mamatay kasama ng boss nito dati. Dahil binalikan ito ng  politikong  nakabanga ng mga ito. Hindi niya alam kung coincidence bang matatawag ‘yon dahil nang gabing ‘yon. Nasiraan ang taxing sinasakyan niya ng makita niyang isang puting van ang basta na lang itinapon ang dalawang tao sa talahiban. Mabait ang taxi driver na nasakyan niya kaya nagawa nilang iligtas ang mga ito, ang boss nitong si Drake ay halos mag-agaw buhay dahil sa tinamong saksak. Kaya naniniwala siyang masamang damo ang mga taong tulad ng mga ito.
Narinig niyang may kausap si Caloy sa cellphone nito, pero wala siyang naintindihan dahil sa kabang  nararamdaman niya. Takot, at labis na pag-aalala para sa babaing mahal niya.

Fine, she must be right, his to naïve to understand even his own feelings for her. Kaya hindi niya maiwasang maihilamos ang kamay sa mukha niya.  Nang biglang lumapit sa kanya si Caloy at sinabing gusto siyang kausapin ni Drake.

“Jackson, kapatid! sa wakas kinailangan mo rin ako.” Anang nito sa kabilang linya. “Akala ko hindi mo ako naalala. Huwag kang mag-aalala maililigtas natin ang girlfriend mo.”

“Pasensya na, wala lang---”

“Anong pasensya, luko!” Pumalatak pa ito. “Sinabi ko naman sa’yo noon pa, basta’t kailangan mo ako, Isang salita mo lang, Jack.” Pag-aassure nito sa pag-aalinlangan niya.  Binigyan siya nito nang instruction kung anong dapat niyang gawin.
Pagkalipas ng isang oras isang maiksing video mula sa cellphone ni Ela ang dumating sa kanya. Saka muling tumawag si Harris.

“Ano bang kailangan mo, ibalik mo si Ela!” Pigil ang galit na saad niya dito.

“Sshhh, masyado ka namang mainipin. Magkikita rin kayo, pumunta ka sa address na ibibigay ko sa’yo. At siguruhin mong walang police. Dahil kapag natunugan ko, hindi ako magdadalawang isip na ipapatay ang babaing ito.” ‘Yon lang at pinatay na nito ang tawag, kaba at takot ang nararamdam niya kaya parang gusto niyang takas ng lakas, pero hindi niya maaring gawin ‘yon.
Bakit kung kailan, handa na siyang harapin ang totoong damdamin niya para sa dalaga, saka pa nangyari ang bagay na’yon. Bakit kung kailan, marealized niyang pagmamahal ang nararamdaman niya para kay Ela.

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon