7

314 16 0
                                    

CHAPTER 7

“KAPANSIN-panisin   ang pag-baba ng sales natin ng almost ten percent sa  Main District.” Anang ni Arthur sa anak niyang si Harris. “Anung ginagawa ninyo?” Tumaas ang boses nito. “Ysabel!” Baling nito sa kanya.

“Sir, medyo naging competitive kasi ang ilang bagong restobar sa area kaya medyo bumaba. Pero I’ll assure you na magiging maayos rin ang lahat. ”Pagbibigay niya ng assurance dito. 

“And you, anung ginagagawa mo?” Pasigaw na saad nito saka ibinato sa anak ang hawak na newspaper.

“Hindi ka pumupunta sa area dahil gumagawa ka ng kalukuhan sa mga night bar.”

“Nagkayayaan lang  kaya---”

“Bullshit Harris, kailan ka ba titino? You are twenty nine for heaven sake. I am entrusting you this job, dahil alam mong balang araw ikaw ang hahawak ng negosyo natin.  So ano, sinasayang  ko lang ba lahat ng ito.” Sermon nito.

“No Dad, I’ll do better.” Nakayukong saad nito.

“Huwag puro salita, gawin mo.  I want the sales go up this month. At kapag hindi,  ipapatapon kita sa probinsya at doon ka magtatrabaho. Tandaan mo ‘yan.” Napahawak pa ito sa lamesa nito. “Ysabel, come up with plan to  get back what we’ve lost. I can never accept this kind of reports.”

“Yes sir.”

“Kainis!” Usal ni Harris ng makalabas sila sa opisina ng ama nito.

“Bakit ka naiinis, hindi ba kasalanan mo naman ‘yon, kung hindi ka lang pabaya sa trabaho mo.” Sermon niya dito.

“Ysabel, why are you so mean to me, nag-enjoy lang ako saglit. At ano bang ikinatatakot ni Dad, MBC is filthy damn rich already.” Mayabang na saad nito. “Kung binibigyan mo ba naman kasi ako ng inspiration, sana mas motivated ako sa trabaho.” Anang nito saka inakbayan pa siya.  Siniko niya ito, dahilan upang napangiwi ito at alisin ang braso nito sa balikat niya.

“Don’t cross the line again, Harris. ” Banta niya dito.

“Ano pa bang ayaw mo sakin ha---”

“Lahat, everything in you disgust me.” ‘Yon lang at iniwan na niya ito. Pero hindi niya inaasahang hahabulin siya nito. Saka hinila ang pulsuhan niya.

“Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad? Ginagawa ko naman ang lahat for you to forgive me. Nagawa ko lang naman ‘yon kasi mahal talaga kita.” Isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya.

“Wala kang karapatang sabihin sa kin ‘yan. Dahil kinasusuklaman kita.” Tiim bagang saad niya dito.  Tatlong taon na ang nakararaan. Nakuyom niya ang kamao. Kung hindi  niya ito nakatasan noon siguradong napagsamantalahan siya ni Harris dala ng kalasingan nito. 

Tinangka niyang sabihin ‘yo sa ama nito.  Pero nagpasya siyang sarilinin na lang  dahil malaki ang utang na loob niya  sa ama nito. Ayaw niya ng gulo at kahihiyan.

“ Bakit ba ang laki ng galit mo sa’kin. At hindi mo ako kayang mahalin? ”

“Dahil wala kang kuwentang tao, mula noon pa man.” Iyon ang at tinalikuran na niya ito.

Limang taon na ang nakararaan mula ng bumalik ito galing Amerika at magsimulang magtrabaho sa MBC, lagi na lang siyang ginugulo nito. Hindi alam ni Harris na alam niya  ang ginawa nito thirteen years ago sa kanyang Uncle Joel, ang taong  itinuring niyang ama sa maikling panahon. At lalong lalo na kay Jackson.

Oo malaki na ang ipinagbago niya, mula sa  mahirap na buhay  ngayon ay  sapat siyang pera para sa sarili. Maayos ang apartment niya at hindi kailangan maghirap siya. Maayos ang trabaho at talagang pinagbubuti niya upang mas umangat ang buhay niya.
Mabait at mabuti ang turing sa kanya ni Arthur Montequero, at nakikita rin naman niya ang kabutihan nito. Pero pagdating sa anak nito, walang tama o mali para dito. Kaya hindi kataka-takang  gumagawa si Harris ng  mgakasalanan na hindi nito nagagawang pagbayaran.





BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon