CHAPTER 3
NABITAWAN ni Jackson ang dalang backpack ng matangap ang tawag mula sa hospital, papasok na siya ng eskuwelahan umagang 'yon.
"Ikaw ba ang kamag-anak ni Joel Alegre?" Anang ng babaing kausap niya sa cellphone. "Nasa morque na ho ospital ang katawan ng biktima." Parang nanlalambot ang tuhod niya. Umiikot ang pakiramdam, gusto niyang isiping isang masamang panaginip lang ang naririnig niya. Morque? Paano napunta roon ang ama niya.
"Sino ho ba Kayo?" Nalilitong tanong niya. Baka nagkamali lang Ito ng tawag. Pero ng ulitin nang caller nang tanong kanina at sinabi nitong sa San Pabio Hospital 'yon. Para siyang tuluyang lumubog Sa kinatatayuan.Panic, takot at labis na pag-aalala ang nararamdam niya, saka niya natagpuan ang sarili sa hospital.
Doon naabutan pa niya ang imbestigador at police.Ayon sa mga ito hit-and-run ang nangyari sa ama niya. Na kung nadala sana sa hospital ng maaga ay maaring nailigtas pa ito.
"Si---sino? Sino ang pumatay sa Papa ko!" Dala ng galit at takot ay napasigaw siya. Dahilan upang mapatingin ang ilang naroon.
"Bata, sisiguruhin kong mahuhuli natin ang salarin."Anang ng police na hinawakan pa siya sa balikat.
Tuluyang bumagsak ang luha na hindi na niya nagawang pigilan pa. Labis ang sakit na namamayani sa puso ni Jackson. Lalo nang makita niya sa morgue ang malamig na bangakay ng ama. Hindi niya mapigilang mapahagulhol habang naglalakad palapit sa bangakay nito.At sa bawat hakbang niya parang agos ng tubig ang masayang alaala niya kasama ang ama. Paano siya nito nagawang iwan? His body was feeling ao heavy as he makes her step closer to his father cadaver. Hilam ang luha ng sa nanginginig na kamay ay hinawakan niya ang malamig ng kamay nito.
"Pa, gising!" He was shaking in pain and anger. Galit na para kanino ba niya ibabaling. Silang dalawa lang ang mayroon sila. Kaya napahugulgol siya ng tuluyan.
Wala siyang kilalang malapit na kamag anak. Dahil nag-iisang anak ang ama niya ng Lola niya. At hindi niya kilala ang mga kamag-anak ng kanyang ina, dahil sa simula pa lang ay tutol na ang pamilya ng ina niya sa pagpili nito sa ama niya. At lalo na nang mamatay ang mama niya noon dahil sa aksidente. Isinisi pa rin 'yon sa Papa niya.
"Pano ako Pa, please gising." Patuloy ang pagpatak sa mata ni Jackson. Hindi niya maiinagine ang sariling mag-iisa siya mula sa araw na 'yon. Suddenly he felt like a helpless child.
"Tama na!"Anang ng tinig na 'yon.
"Sir, please hanapin n'yo ang may kasalanan sa Papa ko, bakit hindi niya dinala sa hospital si Papa?" Kuyom ang kamaong saad niya sa pagitan ng pagtangis.
Samantalang, hindi naman maiwasan ni Danilo na mapaluha dahil sa hindi maitago ang paghihirap ng kalooban ng binatilyong patuloy na pilit ginigising ang walang buhay na ama. At ipinangako niyang bibigyan niya ng katarungan ang pagkamatay ng biktima.
Tanging mga kapitbahay at ilang kaibigan ng ama niya ang dumating sa burol. Sinagot naman ng may-ari ng pabrika ang gastos sa hospital at pagpapalibing ng kanyang ama. Dahil bagaman walang kasalanan ang pabrika. Patungo sa trabaho ang kanyang ama, kaya liable pa rin ang mga ito sa nangyari. Mabuti na lang at mabait ang amo nito.
"SAYO nakarehistro ang kotsing ito hindi ba?" Tanong ng Police na si Danilo Penaranda. Sa pag-iimbestiga niya, nahuli sa CCTV na dumaan ang kotsing nakapangalan sa binatilyong si Jiggs Fuentilla. At dahil nasa isang business trip ang magulang nito, wala siyang choice kundi ang imbetahan ito sa presinto. Pero bago pa man ito nakasagot ay dumating ang abogado mula sa Montequero Business Corp o mas kilala bilang MBC.
"I'm Atty Rafael Suarez, I'll be handling his case. Any questions will be thru me, besides minor pa ang batang 'yan." Puno ng conviction na saad ng abogado. Napapantastikuhang natawa si Danilo sa sinabi nito. Hindi niya akalaing ganun kabilis kikilos ang mga Montequero.

BINABASA MO ANG
BECAUSE THIS IS OUR TIME
RomanceEla Cruz was considered the meanest villain by some of her basher. Masama ang tabas ng salita sa pagpopost SA social media kapag may bagay siyang hindi nagustuhan. She gave direct criticism carelessly, and she never felt sorry lalo na kapag alam n...