8

318 16 0
                                    

CHAPTER 8

MASAMA ANG  loob bi Ela ng  matapos ang sinabing ‘yon ni Jack sa kanya. “Hindi na parte ng trabaho mo ang personal kong buhay.” Tama ito, pero sa nararamdaman niya. Parang ang hirap balewalain ang mga nalaman niya. Her heart aches so much for Jack. At malinaw na sa kanya ang dahilan. Because she likes her Boss. Lalo’t nasa harap niya ito.

Sinikap niyang maging formal ang pakikiharap niya dito sa nagdaang dalawang araw. Kaya nagulat siya ng alukin siya nitong ihatid  matapos ang trabaho.  Tumangi siya pero dahil inunahan na siya nitong maglakad wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Pansin niyang hindi ito mapakali kapag masyado siyang formal sa pakikitungo dito. Tahimik silang naglakad patawid sa footbridge. Nang bigla itong huminto.

“I’m sorry-” anang nito na ikinagulat niya.

“Para saan?” Inosenting tanong niya dito. “Ako nga ang dapat mag-apologies. Dahil tama ka naman hindi na parte ng trabaho ko ang personal mong buhay. Pero hindi ko rin naman maintindihan ang ginagawa ko. I’m not the type of person na mahilig magsorry o magiguilty sa lahat ng sinasabi o ginagawa ko, kahit alam kung minsan nakakapanakit ang  ng damdamin ng iba. Pero mula ng makilala kita, natutuo akong maging uneasy sa ginagawa ko.” Kitang kita niya ang paggalaw ng muscle sa mukha nito. But she has to tell him what she really feels. “I thought I was being too, passionate about my goal, na tulungan ka. Hindi ko rin naiintindihan ang sarili ko lately. But seeing you with another woman, makes me felt too jealous." Aniya habang nakatitig sa mata nito.

"Gusto kita Jack.” Deretsang saad niya na halatang  ikinagulat nito.

“Ela,”anang nito na napakamot ng ulo nito. Gusto niyang batukan ito sa sandaling ‘yon. Para itong batang biglang nawalan ng sasabihin.

“Alam kong gusto mo si Ysabel, pero kung talagang gusto mo siya bakit hindi mo s’ya nililigawan? Which I doubt na  sa totoong feeling mo sa kanya.”

“Ela, alam mo nang ilang taon ang age gap natin, at isa pa. May mas importanting bagay akong kailangang gawin.”  Formal na saad nito. Saka humakbang palapit sa kanya. “Hindi ako ang tamang lalaki para sa’yo. At ayaw kong masira ang  pagkakaibigan natin. I need you in my business, dahil malaki ang naitulong mo sa akin. More than that I can’t promise you anything.”

“Then, bakit hindi ka nakikinig sa akin,  sabi ko huwag kang masayadong mabait sa akin.” Frustrated na saad niya dito. Saka siya napabuntong hinga.

“Lets end this here, halika ka na ihahatid na kita.” Anang nito saka siya tinalikuran.  Sino ba naman siya para hindi ma-fall sa lalaking tulad nito. Kaya lalo lang siyang naiinis dito.

“Kaya ko nang umuwing mag-isa.” Aniya saka binilisan ang paglalakad. Upang makalayo dito.  Pero pag-akyat niya sa bus ay sumakay rin ito. Saka naupo sa tabi niya.

“Sabi ng--”

“Ssshh.” Saway nito, she just felt so helpless around him. Hindi ba nito na isip na nagconfess siya ng feeling niya dito, at hayagan siya nitong  binasted for his unreasonable excuse. Tapos ihahatid pa siya nito. Pang-asar lang. Puwede naman kasi nitong sabihing hindi siya nito gusto. But his reason, age gap at ang goal nito sa buhay!

Hindi nakaligtas sa kanya ang paghikab nito. At maya-maya pa ay napapikit ito. Saglit niyang pinagmasdan ang mukha nito. Her heart flutters, at mukhang nakalimutan ata niyang dapat masama ang loob niya dito. Kaya pinili na ang niyang ipikit ang mata.
Sa boung buhay niya wala pang lalaking nagpagulo ng isip niya ng ganun, ito pa palang. Pero babastedin lang siya nito.  She just bit her lip out of frustration.





Nagulat si Jack ng maramdaman niya ang pagbagsak ng kung ano sa balikat niya. Only to realized na nakatulog na pala ang babaing katabi niya.  On instinct ay inayos niya ang pagkakaupo niya upang  maging komportable si Ela, he even let her lean her head oh his shoulder. Saka maingat na hinawakan ang ulo nito upang hindi ito magising.  He was being careless alam niya. Dapat ay kanina pa lang ay hinayaan na niya itong umuwing mag-isa. Pero hindi niya maintindihan kung bakit, sobra siyang nag-aalala ito lalo na kapag sobrang late na silang nakakapagsasara ng resto. Hindi siya mapakali kapag hindi niya alam kung naka-uwi ba ito ng maayos at ligtas.

BECAUSE THIS IS OUR TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon