"Hay finally!" Iniunat ko ang mga braso sa ere sa sobrang tuwa na naipasa ko na rin ang magazine na ginagawa ko.Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa ng bag ko para tawagan si Wayne. Nakangiting itinipa ko ang numero nya at saka itinapat sa tainga ang phone.
"Good afternoon babe. Why did you call me? Anything wrong?" Napangiti naman ako sa concerned na tugon ni Wayne mula sa kabilang linya.
"Wala naman. Tapos na ako sa ginagawa ko and you know what? Sir Rodriguez complemented me. And because of that... He promoted me! We must celebrate! Kain tayo sa labas," I said with a glee as I play my hair on my finger.
"Really? Then that's great. Kaso hindi ako pwede ngayon eh. Overnight ang photoshoot dito sa studio ngayon. Sorry babe. Babawi na lang ako next time. Bye, I love you," pagkasabi niyon ay ibinaba na nya ang tawag. Bumuntong hininga na lang ako.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. I guess I'll celebrate it with myself.
I was inside my car when I saw someone walking across the road, holding bouquet of white roses. Sinundan ko ito ng tingin. Nagtungo ito sa loob ng isang building at ilang minuto lang ay lumabas nito.
May kasama ito ngunit sa layo ko ay hindi ko matanaw kung sino iyon. Sumakay sila sa kotse at umalis. Sa kuryosidad ay sinundan ko ito.
Nagtungo sila sa isang park. The park was quite familiar to me... Ah oo tama. Dito kami madalas mag-celebrate ni Wil ng monthsary before.
Why is he here? And who's that girl he is with? I continued following and watched them. They look so happy as if there's no problem to worry.
At habang pinapanood ko sila, something in my heart hit me. Wil got a new girlfriend and maybe they were celebrating their monthsary here.
That was me before. The one whom he gave bouquet of flowers. The one he brought in this park every month we have. The one whom he always ask to have lunch together everyday. The one who recieves his endless efforts. That was me before.
I must be happy for him but why am I hurting?
Nakatayo lang ako sa tabi ng puno, pinagmamasdan kung gaano sila kasaya, nang biglang lumingon si Wil sa direksyon ko. Agad naman akong umakto na nagmamasid lang sa paligid.
Nakaramdam ako ng taranta ng makita kong papalapit ito sa kin.
"Ivonne, I didn't expect to see you here. Anong ginagawa mo dito?" nakangiting bati nito sakin. Pilit na ngumiti ako sa kanya.
"Wil, nandito ka rin pala. W-wala naman. Nagse-celebrate lang. Sir Rodriguez promoted me today," may galak na saad ko sa kanya. "Wow congrats. Bakit parang amputla ng labi mo? Hindi ka ba binibilhan ni Wayne ng make-up? Ah nga pala, speaking of make-up. Since promoted ka, tanggapin mo na lang ito bilang regalo ko sayo."
Yumuko ito at parang may kinukuha mula sa bulsa nya. Nakangiting inilabas nito mula sa bulsa ang box ng lipstick na madalas nyag iregalo sa akin noon.
"Eto, yan yung lipstick na pinabili mo sa akin before we broke up. Natagalan ako bago ibigay sayo. Baka kasi busy ka." Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko iyon mula sa kanya at pilit na ngumiti. "Thanks." Magsasalita pa sana ito nang may boses na tumawag sa kanya mula sa likuran.
"Wil, naiwan ko ata sa office yung wallet ko. Nandun yung flashdrive ko," nakayukong lumapit ang babae kay Wil na parang may hinahanap sa loob ng shoulder bag nito.
"Ha? Sige balikan natin," saad nito sa babae at saka muli akong binalingan. "Sorry pero mauuna na kami. Enjoy your day. Congrats uli," nakangiting bati nito sa akin saka umalis kasama ang babae. Ni hindi ko nakita ang mukha nya.
Pinagmasdan ko ang papalayong pigura ni Wil at hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang luha ko.
I failed to keep a man like him. Why am I too late to realize how lucky I am when I'm with him before?
BINABASA MO ANG
Capturing The Sun
De TodoYou have a friend who's so close to you. You both love making memories together. But what if one day, hindi na sya nagparamdam sayo? Tapos nagkita uli kayo pero hindi ka na nya naaalala. She forgot everything about you... Anong gagawin mo? -_-_-_-_...