"HEY, Kyle," I greeted as my buddy answered my call."Bakit ka napatawag?"
"Are you busy? Let's eat lunch together," pag-aaya ko rito. Wala sa sariling itinuktok ko ang lapis sa desk habang hinihintay ang sagot nito.
"Hey? Still there?"
"Wala ako rito," I heard him chuckled on his own joke. "Ano? Payag ka?"
"Sure, why not? Libre mo ha. Bihira mo ako ayain ng lunch eh, tatanggi pa ba ako?"
"Okay, treat ko. I'll wait you there. Usual fast food chain," sabi ko bago ibaba ang tawag. Pinatay ko na ang laptop ko at inayos ang desk.
Luckily, Kyle took my invitation. Nasaktan talaga ako nang tumanggi si Ivonne kagabi. Anyway.
Inayos ko na lang ang gamit ko at naglakad na palabas patungo sa kainan na madalas naming pagtambayan ng mga kaibigan ko.
"Wil!" Pagtawag sakin ni Kyle mula sa likuran ko. "Aga mo ah," I complimented. Palagi kasi syang late sa mga ganito.
"Syempre, ikaw nag-aya," kumindat pa ito sa akin. Natawa naman ako.
"Huwag mo kong kindatan. Baka mabakla ako," we both laughed before entering the fast food chain. Umorder na kami ng pagkain at gaya ng sabi nya, libre ko.
"Salamat sa paglibre mo ha. Angbait mo talaga," napapikit na lang ako at natawa ng mahina dahil sa compliment na sinabi nito.
"Alam ko naman yun," confident na sabi ko habang ikinukumpas ang kamay. Sinimulan ko nang kumain.
"Uy masyado!" Natatawang sabi nito.
"Nga pala, bakit mo naisip na sabay tayong kumain ngayong lunch? I mean... It's unusual of you." I swallowed the food in my mouth and heaved a sigh.
"Ivonne refused me last night. She said she have lots of work to do in this day. Busy, for short."
"Palagi nga syang busy. Tapos anglakas pa ng trip mong pumunta sa office nya kahapon," He pointed his fork on me making me lean on my chair.
"Gusto ko lang naman sya i-surprise. Mali ba yun? But you know what? I just thought, she's being unfair," ibinaba ko ang kutsara at tinidor sa plato at humalukipkip. Nangunot naman ang noo ng kausap ko.
"Paano mo naman nasabi yan?" He asked between his bites. Ipinatong ko ang magkabilang siko sa mesa at bahagyang lumapit rito.
"Busy rin naman akong tao. Madami akong ginagawa, especially now that the animation studio is planning to produce another project and they want me to contribute there.
"But I can still manage to have time for her. Palagi akong naglalaan ng oras para sa kanya. Bakit hindi nya kayang ibigay sakin yun? Even this single lunch break?
"I mean... I know she's a busy person pero kahit isang saglit lang. Why can't she? It's... I... I feel like cheated," I answered leaning back on my chair as I turn my gaze outside.
My eyes widened as I saw someone outside. At papasok sila rito.
"You've got a point. Hindi ba kayo nag-usap ng mas malalim kagabi? Kaya nga..." narinig ko ang paghinto nito. My eyes were still focused on them as they have a sit together.
"Where are you looking at?" Hagip ng mga mata ko ang pag-lingon ni Kyle sa dalawang taong pinagmamasdan ko ngayon.
"Oh fudge..." I heard him mumbled. Gusto ko ring mapamura ngunit hindi ako ganoong klase ng tao.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung naiinis ako, nagagalit, natutuwa o nasasaktan dahil sa nakikita ko.
Ivonne's here and she's with the same hoodie guy I saw last night. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng lalaki dahil sa suot nitong shades at hood ng jacket.
BINABASA MO ANG
Capturing The Sun
AcakYou have a friend who's so close to you. You both love making memories together. But what if one day, hindi na sya nagparamdam sayo? Tapos nagkita uli kayo pero hindi ka na nya naaalala. She forgot everything about you... Anong gagawin mo? -_-_-_-_...