PAGKAUWI ay agad akong nagtext kay Willehm. Alas syete na rin nang makauwi ako rito sa bahay.Recipient: Asyumero
Nakauwi ko lang sa bahay.
Anong oras mo ako dadaanan
para makapaghanda na ako?
Sent 7:04Ilang segundo lang ang lumipas at nagreply na ito.
Recipient: Asyumero
Sige. Mga 15 minutes siguro
nandyan na ako. Kailangan
mas maaga tayo sa mismong performance.Antayin mo lang ako.
Parating na ako dyan baby
ko <3Napairap na lang ako at binalewala ang huling dalawang salita na sinend nito.
Naligo na muna uli ako at nag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng itim na crop top at maong shorts na pinarisan ko ng puting sneakers. Nag-ponytail lang ako. Wala naman akong ibang alan na maayos na ipit bukod dun.
Sandali ko pang sinipat ang sarili sa salamin nang marinig ang pagbusina ng sasakyan sa labas. Si Wil na siguro iyon. Kinuha ko ang maliit na slingbag sa ibabaw ng kama at dali-daling lumabas na ng bahay. Excited talaga ako.
Sumilip muna ako sa pinto ng gate para tingnan kung siya nga ang bumusina bago tuluyang lumabas.
Sandali akong nahinto nang makita itong nakahalukipkip ang mga kamay habang nakatuon sa kanyang motor habang nakasuot ng itim na jacket at dark grey na turtle neck.
Parang pang bandista talaga ang porma nito. Magulo rin ang pagkakabagsak ng buhok nito sa unahan. Idagdag mo pa ang guitar case na namasakbit sa likuran nya. Masasabi kong... ang hot nya tingnan.
"Bakit ganyan suot mo?" Nagising ang diwa ko ng magsalita ito.
"Ha?"
"Masyadong maikli yang pantaas mo," komento nito. Namaywang ako at umikot sa harap nya. "Bakit? Ayos naman ah."
He clicked his tongue, a furrow forming on his brows. "Bar ang pupuntahan natin hindi mall. Takaw atensyon yan sa mga tarantadong lasing doon. Magpalit ka," seryosong sabi nito. Wow ha. May pagka-conservative sya ha.
"Bakit? Kasi sexy ako?" Nakangising sabi ko.
"Gabby."
"Oo na, magpapalit na," sagot ko saka muling pumasok sa loob at nagpalit ng oversized black shirt na itinucked in ko sa shorts ko.
"Okay na?" Tanong ko nang makalabas na. He just replied with a thumbs up.
Lumapit ito sa akin at sinuotan ako ng helmet dahilan upang saglit kong mapagmasdan ng malapitan ang mukha nito.
Iniabot nito sakin ang guitar case. "Anong gagawin ko dito?" Takang tanong ko. "Ikaw magsakbit nyan since ikaw ang nasa likuran. Para makakapit ka rin ng ayos sakin," he explained.
"I'm just protecting my girl from harm," saad nito habang seryosong nakatingin sa akin ang mga mata nito. Naramdaman ko naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"Parte ba yun ng pagpapanggap natin?" I mumbled.
"Ha?" Napatingin ako sa kanya. Nakasakay na ito sa motor nya.
"W-wala," nauutal na sagot ko bago sumampa sa motor nya.
Hindi ko alam kung saan ako hahawak kaya naman kumapit na lang ako sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
Capturing The Sun
RandomYou have a friend who's so close to you. You both love making memories together. But what if one day, hindi na sya nagparamdam sayo? Tapos nagkita uli kayo pero hindi ka na nya naaalala. She forgot everything about you... Anong gagawin mo? -_-_-_-_...