Chapter ten

9 6 5
                                    


Willehm's Point of View

A couple of weeks had passed since Gabby got discharged from the hospital. Everything went back to normal-- or as if it is.

I could still remember the night she almost crash her head to the wall because of pain. Agad naming tinawagan si tita Maricelle and there she told us that it's happening again.

The morning she woke up, she looked confused as she stare on the engagement ring on her finger. She asked everyone inside why she had such thing.

Nang itanong nya iyon, nagsimula na uli humagulgol si tita. Nakalimutan nya ang tungkol sa engagement na naganap pero naaalala nya pa rin kung paano hinuli ng mga pulis si Lincoln. Napansin kong selected memories ang nalilimutan nya.

Kaya siguro, hirap na hirap talaga sya kapag nangyayari sa kanya iyon. Nakakalungkot isipin na unpredictable ang pwede nyang makalimutan. Pwedeng habang bumabyahe kayo, bigla nyang makalimutan na kilala ka nya at magwala sya dahil akala nya ay kinikidnap na sya.

Nakakatawa siguro iyon kapag pinaalala mo sa kanya na ikaw ang boyfriend nya at hindi isang masamang estranghero. That sounds awkward for her, I guess.

"Saan tayo pupunta?" Malambing na tanong nya sa tabi ko. She really looks so lovely in her peach dress.

"Kung saan magandang gumawa ng film," nakangiting tugon ko nang hindi inaalis ang paningin sa daan.

"Film? Producer ka na ba? Kasama ba yun sa paga-animate nyo?" Sunod-sunod na tanong niya kaya naman natawa ako ng mahina.

"Hindi. Ibig ko kasing sabihin, pupunta tayo sa isang magandang lugar tapos ivi-video natin ang araw na 'to. Para kung sakaling makalimutan mo, pwede mong panoorin para maalala mo. Talino ko diba?" Saglit ko itong nilingon para ngumiti sa kanya.

"Ikinatalino mo na yan?" Siniringan ko naman ito. "Grabe ka naman. Matalino na ako sa lagay na yun 'no," biro ko pa. Sa pag-aakalang hahampasin ako nito sa braso ay narinig ko ang pagtawa nito.

"Angsweet mo pala," komento nito dahilan upang maramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Napakagat ako na lang ako sa ibabang labi ko.

Gaya ng sinabi ko, gusto kong irecord ang mga magagandang kaganapan sa buhay namin. Para maalala nya ang mga iyon kung sakaling mabura sa alaala nya.

Ipinarada ko ang sasakyan sa parking lot nang makarating na kami sa lugar kung saan nilalamon ng karagatan ang apoy na bolang araw.

Hindi pa man ako tuluyan nakakababa ay nakalabas na agad ng kotse si Gabby. Mukhang natuwa nga talaga sya. Inabot ko sa backseat ang camera na binili ko noong isang araw at isinet iyon.

"Hoy Wil! Bumaba ka na dyan! Dali tingnan mo oh!" Nagtatalon pa sya habang sinasabi iyon. Napailing-iling na lang ako.

Sandali ko pang inayos at chineck ang kotse bago sumunod sa kanya. "Kuhanan mo ako ng picture dito dali!" Sumandal sya sa puno at inilayo ang tingin. Ginawa ko naman ang sinabi nito. Kung ano-ano pang pose ang ginawa nya bago kami tuluyang makalayo sa punong yun.

Kawawang puno, naumay sa ganda ni Gabby.

Sa bawat litrato, hindi ko mapigilang mapangiti. Dahil sa magandang pagkakakuha ng camera, malinaw sa bawat litrato kung gaano sya kasaya.

"Patingin," nakangiting sabi nya saka lumapit sa akin. Inabot ko naman iyon sa kanya. "Magaling ka rin pala kumuha ng picture. Photographer si Wayne diba? Dapat isinama natin sya para naman may picture tayong magkasama."

My lips twitched as heard my little brother's name. "Yon? Tsk. Wag na lang. Pwede naman tayo magpapicture sa ibang tao na nandito eh," may pagkairitang saad ko. Kunot noo naman ako nitong nilingon.

Capturing The SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon