Gabrielle's Point of ViewMAAGA akong gumising para ipaghanda ng almusal si Wil. Bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto ay tahimik ko munang pinagmasdan ang mahimbing nitong pagtulog.
Naalala ko kagabi nang tumabi ito sa akin. Paos ang boses nya nang magsalita sya. At alam ko rin na umiyak sya. Hindi siguro naging maganda ang pag-uusap nila.
Nahagip naman ng paningin ko ang camera ni Wil sa ibabaw ng side table. Sa ilalim nito ay ang makapal na notebook. Ah oo, binili iyon ni Wil kasabay ng camera. Sabi nya, pareho daw kaming magsusulat sa notebook na yon. Ilalagay namin ang mga masasayang nangyari sa araw naming dalawa. Lumapit ako at kinuha iyon.
Mukhang ako ang mauunang magsusulat.
Ang first kiss namin ni Wil, ang pagtatampisaw at paglalaro sa dagat, ang panonood sa lumulubog na araw, ang pagtulog sa iisang kama ng magkayakap. Lahat ng iyon ay inilagay ko. What happened, what I felt, and what I learned.
Sa pamamagitan niyon ay baka sakaling maalala ko ang mga bagay kung sakaling kasama ang mga ito sa mga mawawala kapag muling umatake ang sakit ko.
Ilang minuto rin ang itinagal ko sa pagsusulat. Pagkatapos ay ibinalik ko ito sa ibabaw ng side table. Sandali akong dumukwang at hinalikan sa pisngi si Wil saka tuluyang lumabas ng kwarto.
Sinimulan ko nang magluto. Sinabayan ko pa iyon ng pagkanta. Turo sa akin ni mommy, dapat kinakantahan ang pagkain para mas sumarap. Alam ko namang walang koneksyon iyon sa magiging lasa ng pagkain. Pero nasanay na kasi akong gawin iyon.
Matapos iyon ay inihain ko na ang mga pagkain sa mesa. Napasilip naman ako sa wall clock.
"Bakit kaya tulog pa sya? 9 na ng umaga," pagkausap ko sa sarili. Ngumiti naman ako nang maisip na gisingin sya. Pakandirit na bumalik ako sa kwarto.
Sinuklay-suklay ko ang magulong buhok nito. "Psst...gising na," malambing na paggising ko dito habang marahang tinatapik ang braso nito. Napaungot naman ito.
"Ayoko pa," mangul nito. "Umaga na kaya," dugtong ko pa. "Inaantok pa ako. Gusto ko pa matulog," saad nito at nagtalukbong pa ng kumot. Napairap na lang ako at umupo ng diretso sa kama.
"Sayang naman yung niluto ko kung wala akong kasabay kumain," bulalas ko, tama lang para marinig nya.
"Nagluto ka?"
"Oo, kaso ako lang mag-isa ang kakain ngayon," my halong pagtatamping sabi ko dahilan upang tuluyan na itong bumangon sa kama. Parang bata na excited sa pagdating ng ama nya na may dalang maraming pasalubong.
Napailing na lang ako sa ikinilos nito. Nagtungo muna ito sa banyo at bumalik naman ako sa kusina.
"Magkakape ka ba, Wil?" pasigaw na tanong ko sa kanya na kalalabas lang pala ng banyo. "Yep. Wow! Angdami naman nito. Sino may birthday?"
"Sira. Walang may birthday. Trip ko lang magluto ng ganyan ngayon," sagot ko bago abutin ang tasa.
Nang hawak ko na ito ay muling sumakit ang ulo ko dahilan upang mabitawan ko ito at mabasag.
"Argh!"
"Gabby!"
Angsakit! Parang sinasaksak ang ulo ko ng paulit-ulit sa sobrang sakit. Eto na naman. "Argh!" Napasabunot na ako sa aking sarili.
Pilit akong inilayo ni Wil sa nabasag na tasa. Ramdam ko ang pag-aalala sa bawat pagtawag nya sa pangalan ko. Naiintindihan ko kung bakit wala syang ibang magawa dahil wala pa namang gamot sa sakit ko.
Napahagulgol na ako sa sobrang sakit. Ang mga larawan ay parang abong nagkalat sa langit kung maglaho. Please, makalimutan ko na lahat huwag lang si Wil.
BINABASA MO ANG
Capturing The Sun
RandomYou have a friend who's so close to you. You both love making memories together. But what if one day, hindi na sya nagparamdam sayo? Tapos nagkita uli kayo pero hindi ka na nya naaalala. She forgot everything about you... Anong gagawin mo? -_-_-_-_...