I WAS thirteen back then when me and my family went to the amusement park.I told them I am going to buy an ice cream for my self and my younger brother.
I was about to go back where I left my family when I heard someone crying. I followed where it's coming from.
And there, behind a tree, I saw this girl with knees on her chest, crying. I approached her.
"Hey, w-why are you crying?" I asked making her stop and looked up on me. I stopped for a moment when I saw her face. It's angelic. Her soft dark brown eyes stared on mine.
"N-naliligaw ako. H-hindi ko mahanap ang mommy ko," she answered before wiping her tears on her cheeks. Lumuhod ako sa harap nito upang magpantay ang aming paningin.
"Kung ganon, tutulungan kita," I said with a smile. Her eyes brightened as she heard my words.
"Talaga?" She asked in glee. I slightly nodded at her. Tumayo na ito at pinagpagan ang kanyang bistida. Tumayo na rin ako. Sa pagtayo ko ay naramdaman ko ang malagkit na umaagos sa mga daliri ko.
Ah naku! Yung ice cream!
"Mukhang natunaw na yung ice cream mo. Ang takaw mo naman," komento nito saka tumawa ng mahina. Sinabayan ko ang pagtawa nito.
"Para sa kapatid ko ang isa. Pwede bang ibigay ko muna ito sa kanya bago natin hanapin ang mommy mo?"
"Sige," sagot nito at inilagay ang mga kamay sa kanyang likuran habang ang mga labi nito ay malawak na ngumiti.
We started walking around the amusement park to find her mom. Nagtanong-tanong kami sa mga nasasalubong namin kung may nakita silang babae na blonde ang buhok at nakasuot ng berdeng blouse. Pero wala daw ang mga itong nakita.
Binalingan ko ito na mukhang nag-aalala na rin. "Natatandaan mo ba kung saan mo sya iniwan nang humiwalay ka?"
Ngumiwi ito at marahang umiling. "H-hindi ko maalala. Pero sigurado akong dito kami naghiwalay."
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang marating namin ang entrance kung saan may kausap na babaeng naka-green yung guard.
"Mommy!" Sigaw nga ksama ko dahilan upang mapalingon ang babae sa kanya.
"Timbrely! Nag-alala ako sayo," saad nito at agad na niyakap ang anak. Sandaling nagkamustahan ang mag-ina bago ako ituro nito.
"Sya nga po pala tumulong sakin." Nginitian ako ng ina nito at nagpasalamat sakin bago tumalikod at naglakad na palabas.
Akmang aalis na rin ako nang may maalala.
"S-sandali!" Pagtawag ko sa kanya dahilan upang lumingon ito.
"A-anong pangalan mo?" Nauutal kong tanong rito. "Timbrely. Teka," lumapit ito sa akin at naglabas ng sticky note at ballpenmula sa kanyang sling bag.
"Gusto ko rin malaman ang pangalan mo. Pwede mo bang isulat dito?" Nakangiting sabi nito habang inaaro sa akin ang papel at ballpen na akin namang kinuha.
Isinulat ko rito ang pangalan ko at kahit hindi naman tinatanong ay isinulat ko na rin ang phone number ng mommy ko where she's able to call me. Hehehe. Saka na ako bibili ng phone ko.
Willehm Lawler Costallejo
0906*******"Timbrely nga pala ang pangalan ko. Pero pwede mo akong tawaging Tim," pag-uulit nito bago ko iabot sa kanya ang papel at ballpen.
"/Wil-yem lo-lur/ nga pala pronunciation ng pangalan ko. Call me Wil if you want," I smiled at her. Napangiti naman ito sanhi siguro nang number na isinulat ko.
Naglabas ito ng digital camera. "Pwede bang mag-picture tayo. Gusto kong maalala ang mukha ng tumulong sa'kin. Kuhanan nyo po kami," nakangiting sabi nito at iniabot sa mommy nya ang camera.
Umakbay ito sa akin at kapwa kami ngumiti sa camera. This is how we met.
Kinabukasan n'on, nagtext nga sya sa number na ibinigay ko sa kanya. We started talking everyday and update each other on what's going on our life.
We became best friends even if we're far from each other. We talked about things through call. Minsan lang kami lumabas since hindi sya masyadong pinapayagan ni Tita Maricelle, mommy nya.
A year after that, I am already in my second year in highschool. Me and my friends were walking at the hallway when I saw this girl giggling with her new friends.
Sa sobrang tuwa ko ay tumakbo ako papalapit dito at niyapos sya sa bewang nya. Muntikan na kaming matumba. Mabuti na lang at nakabalanse sya.
Halata ang pagkagulat sa mukha nya kaya naman napahalakhak ako. Kunot-noo ako nitong tiningnan.
"Hoy Wil! Ano bang trip mo?" Inis na sabi nito sakin ngunit may tunog ng pagtawa sa mga salita nito.
"Nakakainis eh. Nakikipag-usap ako tapos bigla kang susulpot," dugtong pa nito na sinundan naman nya ng mahinang pagtawa.
"Natuwa lang ako kasi dito ka na pala mag-aaral. Mas madalas na kitang maaasarsa personal. Hindi na sa phone," tumawa ako pagkasabi niyon.
Hinampas-hampas naman nito ang braso ko na parang batang inagawan ng lollipop. "'Wag. Masakit!" Hinimas ko ang brasong hinampas nya. Tumigil naman ito sa ginagawa sakin at tinaasan ako ng kilay habang nakahalukupkip. Aba!
Nakangising pinisil ko ang pisngi nito. "Angcute mo talaga kapag naaasar ka," sinundan ko ng pagtawa ang sinabi ko. Pinalis naman nito ang kamay ko at sinapo ang pisngi nya na pinisil ko.
"Sige, aalis na ko. Sabay tayo mag-lunch ha," nakangiting na itong tumango sakin bago ako tuluyang umalis.
We continued being like that. Lagi ko syang inaasar sa school, sabay magla-lunch, sabay uuwi. Minsan na rin nya akong naging body guard. Maraming nag-iisip na in a relationship kami. Pero ang totoo, mag-best friend lang kami. Although I have an admiration for her, inilihim ko muna ito kasi baka bigla ako nitong iwasan. Nalaman iyon ng mama nya pero sa halip na sabihin kay Tim ay tinulungan nya akong ilihim iyon.
Ganoon naman talaga ang mga magulang. May paniniwala sila na minsan, mapanira sa pag-aaral ang pag-ibig kaya naman sang-ayon ako sa mama nya na ang tanging gusto lamang ay ang maging successful sa buhay ang anak.
After three years, lumipat na uli sya ng school. Bumalik kami sa dating gawi na nag-uusap na lang kami through text and calls.
Until one day, hindi na ito nagrereply sa mga text ko. Hindi na rin nito sinasagot ang tawag ko. Based on her last message, magpo-focus daw muna sya sa pag-aaral nya. But she will try to update me she said.
Maraming taon ang lumipas. Sa tagal ng panahon, hindi ko na masyadong maalala pa ang mukha nya. Wala akong naitagong picture nya kahit isa.
I waited between years. Pero hindi na sya muling nagparamdam.
I am 25 now and enjoying my life. Working in animation studio. Singing with my band at the usual bar as my part time job at night. Having fun with my family.
I make my self busy...yet I'm still waiting for a friend.
BINABASA MO ANG
Capturing The Sun
AcakYou have a friend who's so close to you. You both love making memories together. But what if one day, hindi na sya nagparamdam sayo? Tapos nagkita uli kayo pero hindi ka na nya naaalala. She forgot everything about you... Anong gagawin mo? -_-_-_-_...