Prologue

7.3K 159 0
                                    

Prologue

Nakapangalumbaba ako sa office table habang panay ang sermon saakin ni lolo na palakad-lakad sa harap ko. This is the fifth time I escaped from palace. He was so mad at me hindi lang dahil simpleng pagtakas ang ginawa ko. I fly all the way to Philippines nang mag-isa lang. I know how dangerous that is. Lalo na at hindi naman ako simpleng mamamayan lang ng Hyrsos.

"You're a princess, Caroline! What are you thinking, huh!"kinukumpas-kumpas pa niya ang dalawang kamay sa hangin. Dapat sa mga oras na ito ay seryoso ako pero hindi ko mapigilang matawa.

"Caroline Mildred Rain Phillipe!"tawag ni lolo sa buong pangalan ko. May diin at awtoridad iyon kaya naman napatuwid ako nang pagkakaupo at natikom ang bibig ko.

"I'm sorry, grandpa."I pouted my lips."Hindi yata ako masasanay na tumira dito sa palace."I shook my head.

Nangunot ang noo ni lolo dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.

"You're speaking alien language again, Caroline!"

"Grandpa, it's not alien language. It's Tagalog."I corrected him.

Isang pilipina si mama at nagkakilala sila ni papa sa pilipinas. I was born in Hyrsos pero sa pilipinas ako pinalaki ni mama at ni papa. Pero dahil ang papa ko ang Hari ay kinailangan niyang magpabalik-balik sa dalawang bansa para gampanan ang pagiging Hari ng bansang Hyrsos at pagiging asawa at ama sa amin ni mama sa pilipinas. I know how hard that is. Kung gaano kabigat ang responsibilidad na meron si papa at alam din iyon ni mama kaya kahit na may royal blood si papa hindi naging hadlang iyon para mahalin siya ni mama. I was 9 when my parents got into a car accident. Umalis sila ng bansa para sa 10th year anniversary nila ni mama. Ayaw umalis n'on ni mama but papa wanted to celebrate it in Paris, kilala kasi ang lugar sa pagiging romantiko.

"I know you'll just escape again and again, if I'll stop you from going back to that country."Grandpa sighed.

May kinuha ito sa aparador, isang envelope at iniabot saakin.

"I'm going to...transfer in Hacres Harith? Sa pilipinas iyon ah!"medyo gulat na sabi ko at napaangat ng tingin kay lolo na ngayon ay nakalagay ang dalawang kamay sa likuran niya.

"You'll have your bodyguards with you. If you don't like it. Then you can't go there."iling niya.

"It's fine! Ayos lang ang bodyguards saakin, lolo!"I said happily. Tumayo ako sa pagkakaupo at niyakap siya."Thank you, grandpa!"

I'm going home! I said to myself happily.

The next month I was transferred to Hacres Harith. It's my first day today. Excited akong pumasok at magkaroon ng maraming kaibigan.

But it wasn't that easy like what I think. Dahil palaging nakasunod saakin ang mga bodyguards ko naiilang tuloy ang iba kong kaklase na kausapin ako o makipaglapit saakin. Hindi lang naman ako ang may royal blood dito may mga iilan din akong nakikita at nakikilala iyon nga lang hindi OA ang mga bodyguards nila na todo kung makabuntot sakanila. Siguro nasanay na din sakanila ang mga studyante dito kaya marami na silang kaibigan.

I sigh as soon as I sat down. Mag-isa lang akong kumakain ngayong break-time. I was alone in a table when a sophisticated beautiful woman sat down, smiling at me. Hindi naman mukhang studyante ang babae base sa pananamit niya.

"Hi!"she smiled in a friendly way."I'm sorry can I sit here while I'm waiting for my husband. Pinatawag kasi ng guidance ang anak ko dahil gumawa nanaman ng kalokohan."nalukot ang mukha niya habang napapailing.

Natawa ako sa sinabi niya kaya naman napangiti ako.

"Bakit mag-isa ka lang? Where's your friend?"maya-maya pang usisa niya saakin.

"It's my first week here. Ah...transferee ako. I..don't have friends yet."I answered shyly.

Medyo gulat ang reaction niya at nang makabawe ay malamyos na ngumiti saakin.

"Ganoon ba. Ano na bang grade mo?"she asked.

"Grade 10."I answered.

"You're sixteen?"she looks shocked."You don't look like a junior high to me. Kaya medyo nagulat ako na grade 10 ka palang."she explained.

"Turning sixteen next month."

Tumatango-tango siya na para bang may naiisip.

"Matanda lang pala na halos dalawang taon ang anak ko sayo. He's already 18. Kaka-eighteen lang last week. Sayang at hindi ka nakapunta. He's in his last year at senior high. Dito din siya magka-college kaya sa tingin ko magkakaroon ka na ng kaibigan...what's your name again?"

"Rain po."

"Rain? Such a weatherly name."biro niya."I'm Paris, Paris Corrins."

This time ako naman ang nagulat. Corrins? I know that name. Sino bang hindi makakakilala sakanila. Madalas din silang maimbita sa palace kapag may selebrasyon. Iniisip ko tuloy kung namukhaan ba ko ng babae.

"Sana maging magkaibigan kayo ng anak ko, Rain."she giggled excitedly. Hindi pinansin ang gulat na reaction ko.

Maya-maya pa ay may dumating na isang lalaki.

"Raf! You're here! Kamusta? Tuturuan daw ba ng lection ang anak natin?"cool na salubong niya sa tingin ko ay ito ang asawa niya.

The man just shook his head.

"Ay oo nga pala! This is Rain! She's just a junior high. Gusto ko sanang maging kaibigan niya si Pierre."she grinned at her husband.

"I don't think our son would like that idea, Paris."

"Why not? He'll like it, Raf."she said surely...and sweetly.

Pagkatapos bumaling ulit ito saakin."This is my husband, Rafael Corrins. Tito Raf na lang at tita Paris."

"Good afternoon, Sir."magalang na bati ko dito.

"Pasensya kana sa asawa ko. Mahilig talaga kasi ito sa mga batang babae. I'm sorry again...Rain right?"

"Opo."sagot ko kay Mr. Corrins.

"Raf naman! Rain, punta ka mamaya sa mansion. Para makilala mo ang anak namin. Ipapasundo kita sa driver."the way she invited me...para bang bawal humindi kaya napatango na lang ako at nagpaalam na aalis na ng magring ang bell.

Nang mag-uwian akala ko ay hindi naman seryoso si Mrs. Corrins na iniimbitahan niya ko sa mansion nila pero nagulat ako ng may lumapit saakin nang palabas na ko ng gate. Nagtinginan ang halos lahat ng mga studyante na nakakakita sa humarang saakin na lalaki. Base sa uniform nito at I.D lace senior high na ito. At hawig niya din si Mr. Rafael Corrins.

Hindi kaya...

"Rain?"he asked, uncertainly.

I nodded at him once.

Siya naman ay pinasadahan ang kabuuan ko ng tingin."You're...just...a junior high?"tanong niya pa.

Tumango ulit ako.

"Are you mute?"he asked annoyed.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at inirapan.

So he is tita Paris's son talking about. Unang kita ko palang hindi ko alam pero tingin pa lang ay ayoko na agad sakanya, he looks like a badass to me, typical badboy na walang alam gawin kundi ikama ang kahit sinong babae. Eww! I could tell it by his presence, masculine, perfect jawline, mapusyaw ang kulay ng mga balat nito, matangkad , his lips is pouted, his eyes is mysterious and dark brown. At mukha rin itong arogante. He looks like a womanizer to me. I'm young I know but I'm not stupid.

I don't like him. And I don't want to be friends with him.

Stuck with the Cupid's Arrow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon